CHAPTER 81

381 8 3
                                    

EVENT 0.3

WayZ POV:

Go, Papa duke!

Ang hot ni Asher!

Fighting! Kaya nyo yan!

Kahit si Kyle lang!

Mga naririnig kong sigawan ng mga kapwa ko student. Start na ng Basketball sport so nandito kami sa court ngayon. Para manood hindi ko pa nakikita si Charles. Yung pinagusapan namin na ipapasok nya si Hans.

Mommy? Are you alright? - Tanong sa akin ni Seb

Tumango lang ako sa tanong nya.

Is anything bothering you? - Tanong ng katabi ko walang iba kundi ang hari lang naman nila.

Kelan ba humiwalay sa akin ito?

Nothing, Medyo Kinakabahan lang ako - Sagot ko.

Why? You have a problem Sweetie? - Tanong sakin ni rein sa di kalayuan. Katabi kasi sya ni Kaz at katabi ko naman si Kaz.

W-wala, Bigla lang akong kinabahan - Sagot ko.

Hindi ko din alam pero gusto kong ipasok si hans talaga. Pero bakit ba ako kinakabahan?

Naramdaman kong pinisi ni Waylen ang kanang kamay ko kaya tinignan ko ito nakangiti ito sa akin at nagpapakitang Walang mangyayare. Ang bait nya ngayon ha? Hindi sya tigre ngayon.

Nginitian ko lang din ito pabalik. Kahit hindi ko alam kung kinakabahan ba talaga ako o nababahala lang dahil kay hans kung makakapag laro ba sya.

Nagpalinga linga ako dahil hinahanap ng mata ko ang pinsan kong si Charles. Hindi ko pa rin ito nakikita. Nasan ba ang hinayupak na yun?

Okay, let’s get started, and it looks like the two groups of players are ready - Sabi ng Mc katabi ang ibang audience.

Nanonood na kami at patas lang ang laban. Walang panalo at walang talo. Dahil parehas ang galawan ng mga Players. Sana all hindi nagpapatalo.

Nawala ang tingin ko sa mga Naglalaro dumako ito sa Waiting area banda sa kinaroroonan ng mga gamit ng mga manlalaro. Nakita ko doon si Charles na nakaupo. Seryoso lang itong nanonood sa mga naglalaro.

Gusto ko itong lapitan pero paano? Yung mga demonyo naka bantay sa akin. Ano kayang gagawin ko?

Tumingin ka sakin Charles please! - Paulit ulit na bulong ko sa sarili ko.

Pero hindi ito lumilingon sa gawi ko shutanamerz naman! Ang pangit ka bonding ni Charles talaga kahit kailan. Tatamaan sa akin ito mamaya eh.

Bumalik na ako sa panonood dahil nang gigil ako kay Charles. Hindi man lang ako tinignan ng impakto. Inaalala ko si Hans eh. Gusto kong mawala yung Pag katakot nya sa paglalaro ng basketball.

Tinapunan ko ng tingin saglit si Hans, Seryoso lang sya sa panonood. Kaya bumaling na ako sa Mga naglalaro ulit. At doon saktong May na disgrasya hala. Sinadya ng kalaban na ang number ay 12. Jusko kawawa ang player nila Charles.

Mukhang hindi na makakapag laro. Nagsi lapitan ang ibang manlalaro doon sa player nila Charles at tinulungan itong tumayo. Itsura palang mukhang hindi na talaga makakapag laro. Tinignan ko si Charles na mukhang nag aalala sa Player nya. At doon tumingin din sya sa akin. At sumenyas na lumapit ako sa kanya.

Kaya hinatak ko kaagad ang tenga ni Waylen para magpaalam. Nagulat pa si Waylen sa ginawa ko pero hindi nya pinansin dahil bumulong na ako sa kanya na Pupunta ko lang si Charles titignan ko lang kunware yung may pilay.

Our MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon