CHAPTER 66

394 12 2
                                    

BIRTHDAY PARTY 0.2

WayZ POV:

Nandito kami sa labas ng mansion nila brea jusko sa labas palang ang ingay ingay na. Dinig na dinig yung Tugtugan.

Hindi pa kami pumapasok dahil parang ayaw pang pumasok ng mga demonyo. Hayy ewan ko sa mga ito.

Si seb atat na atat ng pumasok samantalang ang iba ayaw pa. Well, wala silang magagawa ayaw pa pumasok ng hari nila.

Hindi pa ba tayo papasok? - naiinip kong saad

Kasi parang ang saya na sa loob eh.

Gusto mo ng pumasok? - tanong ni Rein

Natural! Naiinip na kaya ako dito - irita kong sagot

let's go inside - Sabi ng hari

Hayy! Salamat naman!

Nagumpisa na kaming maglakad. Lalong lumalakas ang ingay kase palapit kami ng palapit.

Nandito kami sa pintuan ang daming tao jusko! Mukhang Importante sa kanila ang mukhang paa huh?

Naglakad pa kami hanggang makapasok kami. Nakatingin ang lahat sa amin ng papasok namin.

Nandito pala ang mga section G!

Oh my god! Totoo palang buo na sila?

Oo nga mga bhie! And I heard dahil daw yun sa babaeng kasama nila

Really? Well, maganda naman yung girl malandi lang!

Mga bulong bulungan ng mga inggitera. Wala ba silang magawa sa buhay nila? At bakit need pang pag usapan kami? Jusko!

Oh! Buti nakarating kayo..... - Bati ni brea samin

Hindi ko sya napansin huh!

Hindi umimik ang mga kasama ko sa halip iginiya nila ako sa isang bakanteng table at pinag hila pa ako ng upuan ni Rein.

Ang gentleman huh!

Mommy kuha lang ako pagkain huh? - pagpapaalam ni Seb sakin sabay halik sa pisnge ko

Kararating lang namin huh! Pagkain kaagad!

Ako din mommy kuha ako nagugutom na ako eh - Paalam din ni Zieg at humalik din sakin

Jusko itong mga ito!

Mga mukhang pagkain jusko!

Oh kayo baka gusto nyong kumuha din ng pagkain? - Sarcastic na sabi ko sa ibang mga demonyo

Nagtawanan lang sila sa sinabi ko.

Hindi ka namin iiwanan dito cess, Mahirap na! - sabi pa ni Rio

Nangunot ang noo ko sa turan ni Rio

Kaya nga! Kanina pa pagpasok natin yung mga tingin ng iba na kay WayZ! - Singit pa ni Kaz habang nakatingin sakin at Kay Waylen

Tinignan ko naman ang hari nila na seryoso lang ang mukha. Nagulat pa ako ng tignan nya rin ako sabay ngisi sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin

Sa atin lang si WayZ - Panabay na sabi ni Yel, Hans, at Dale

Nice mga bro!! - sabi ni Dale at sabay apir ng tatlo

Nakipag apiran din ang iba.

Napapailing iling na lang ako sa kanila.

Our MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon