WayZ POV:
Nakarating na ako sa bahay, Sinalubong ako ni Nanay ena. Yung mga anak ko nasa Kwarto nila yun. For sure. Marami sila sigurong School works. Mabuti nalang pina asikaso ko sa kanila yun.
Nag pasya akong Pumunta sa Visitors room. Doon muna ako. May mga gamit din naman dito. Kaya hindi ako mahihirapan. At saka mamaya pa naman ang start ng birthday ni Disha.
Wala akong magawa kaya umiyak nalang ako ng umiyak. Hindi ko man alam ang exact na nangyayare. Pero masakit pa din ang narinig ko. At nandoon si brea. Hindi nila ka - close si brea. Pero ngayon? Nasa Kompanya.
Tinawagan pa ni Waylen. Bakit may connection sila? Hindi ko maintindihan. Gulong gulo na ako. Gustuhin ko mang lumayo pero hindi pwede. Kailangan nila ako. Kahit sinaktan na nila ako.
Ang sakit pala kapag nalaman mong niloko ka. Hindi ko alam kung matagal na ba akong niloloko ni Waylen o ngayon lang. Ang daming pumapasok sa utak ko. Katulad ng kapag hindi ko ba sya pinag bibigyan tinatawagan nya si brea?
Ayoko mang isipin pero pumapasok sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw ako sa kakaisip. Bago pa ako mabaliw nag pasya akong ayusin ang sarili ko. Hindi ko hahayaang ipakita sa kanila na mahina ako.
Hinding - hindi, Pinalaki ako ni kuya Matthew na kaya kong gawin ang lahat. Kaya hindi ako magpapatalo sa ginawa nilang iyon sa akin. Nag pasya na akong lumabas. Papunta ako sa kwarto namin. Maghahanap ako ng susuotin ko para mamaya.
Nakahanap naman ako kaagad. Ito ang dress na ayaw na ayaw nilang pinapasuot sa akin. Kaya heto ngayon ang susuotin ko. Backless ito at fitted din. Masyado lang kita ang cleavage at may hati din ito sa Waist.
Hinanap ko ang card na binigay ni Duke sa akin kahapon. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon. Binuksan ko iyon at 1 pm palang start. Kaya pinuntahan ko na ang mga anak ko sa kani - kanilang room.
Sinabihan ko na din sila na mag gayak na. Dahil maaga ang Start ng Party. Sumunod naman sila kaagad. Hindi ko pinapahalata na may lungkot akong nararamdaman. Ayokong ipakita sa kanila ang Mahinang mommy nila.
Mabuti nalang ang bracelet tumigil na sa pag vibrate. Hindi pa kasi nila tinatanggal. Wala naman ang susi kaya paano matatanggal. Itinapon nila ang susi matagal na.
Bumalik ako sa kwarto namin para mag ayos. Naligo naman na ako kaya fresh pa din naman ako. Nag bihis na ako at nag make up. Kinulot ko ng kaunti ang hair ko. Nakalugay lang naman ako. Nang natapos na ako tumingin ako sa salamin. Grabe ang ganda ko talaga.
Mommy, we are okay - Sigaw ni Yazeyn sa labas ng Pintuan ng kwarto
Kaya dali dali akong nagtungo sa Pintuan. Kinuha ko na din ang bag ko. At binuksan na ang pintuan.
Wow, Mommy! You're gorgeous! - Gulat na sabi ni Cavin
Napangiti naman ako sa turan ni Cavin.
Hindi na talaga kami magtataka, Kung bakit baliw sila daddy sayo - Imik naman Ni Wayne
Nawala ang ngiti ko sa labi ng banggitin nya ang daddy nila.
Mommy, are you okay? - Tanong sa akin ni Sen
Yes, Son. I'm okay, Tara na - Sabi ko nalang.
Hinawakan ko na ang kamay ni yana at sumunod naman ang iba sa amin. Pinakita ko ang Address kay kuya jhun. Para alam nya ang pupuntahan.
Nasa kotse kami ni Yana at Yazeyn. Ang mga kapatid nilang lalaki ay may kanya kanyang Kotse ang mga iyon. Susunod nalang yan sila sa amin.
BINABASA MO ANG
Our Muse
Teen FictionThis story is full of love for classmates and defense And besides, she's the only one in their classroom. Her new classmates think of her as a modest woman, but this woman will also defend them against oppression. or even down in their section. OUR...