Kabanata 3

345 4 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 3




Natigilan agad ako’t napapikit pagkapasok sa loob. Nasilaw ako sa liwanag na bumungad sa amin. Nang pakiramdam ko’y maayos na ay muli kong iminulat ng paunti-unti ang mga mata ko hanggang sa tuluyang makapag-adjust sa liwanag.

“Are you okay?” Bakas ang pag aalala sa boses ni Aldrin nang tanungin niya ako.

Aww! Touch naman ako.

“O-oo, nasilaw lang.”

Watermelon ang theme ng welcome party. Kaya napupuno ng watermelon ang buong paligid. Maging sa stage ay punong-puno ng desinyong watermelon. Natatakam tuloy ako.

“Aldrin, dito!” Halos magkasabay kaming napalingon ni Aldrin sa gawi kung saan namin narinig ang boses na iyon. Nakita namin si Sir Tairon at Chel na kumakaway sa amin kaya pumaroon kami sa kanila.

“Dito ka na sa tabi ko, Kels,” salubong sa akin ni Chel.

Tumabi nga ako kay Rachel. Si Aldrin naman ay nakipag asaran pa kay Tairon Lim bago naupo sa tabi ko.

Napabuntonghininga ako ng palihim. Hindi pa rin ako makapaniwala at labis-labis ang panghihinayang ko dahil professor namin sila. At saka ang babata pa kasi nila para maging professor namin.

Dahan-dahang nag minimize ang musikang umaalingawngaw sa buong gymnasium hanggang sa tuluyan na ngang tumahimik. May narinig kaming tumikhim mula sa stage kaya napatingin kaming lahat roon.

“Good evening, my co-students, our faculty and staffs, and to our beloved Dean, Sir Richard Sy, good evening. I am Ken Melecio, your EMCEE for this evening. As of tonight, we have all of you one thousand and one hundred ninety four students who gathered here tonight for this welcome party. Hello and welcome to Dewford Academy! Kaming lahat ay nagagalak at ito ang paaralang napili ninyo bilang katuwang ninyo sa pag abot niyo ng inyong mga pangarap. Long speeches no more dahil alam kong nagugutom na kayong lahat...”

Nagsitawanan kami nang natawa ang emcee sa sarili niyang sinabi.

“Kaya, ilabas ang lechon and let’s all enjoy the food everyone!”

Nagpalakpakan ang lahat. Bumaba ang emcee mula sa stage kasabay niyon ang pagtugtog ng isang mabilis na musika.

Totoo nga ang sinabi ni Chubby kanina na dalawampu ang lechon na inihanda. Mula sa malaking pintuan ng gymnasium ay nakahilerang pumasok ang dalawampung lalake na naka-coat and tie. May dala ang mga itong tig iisang ulo ng lechon.

Nang nakarating ang mga ito sa gitna ay sumayaw ang mga ito sa salin ng 'twerk' na tugtugin.

Naghiyawan ang lahat. Ang iba nama'y pinukpok pa ang lamesa para lang makagawa ng ingay.

Nang natapos ang sayawan nila ay agad namang inanunsiyo na pwede nang simulan ang dinner.

“Sandali at ikukuha kita ng lechon,” bigla ay sabi ni Aldrin.

“Sir, naku! Ako na po. Nakakahiya naman po sa inyo.” Akma akong tatayo pero maagap niya akong napigilan.

“Ako na,” aniya sabay tayo para pumunta sa table kung saan nakasadlak ang mga pagkain.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon