Kabanata 9

200 2 0
                                    

Napatingin ako sa wall clock nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang may tumatawag sa akin.

Quarter to seven na. Ilang sandali na lang ay makakalabas na kami. Lima na lang kaming natitira rito. Si Chel, Chubby, Curly, ako at si Aldrin.

Biglang humangin ng malakas sa parte ko nang umikot ang ceiling fan sa aking banda na naging dahilan para manindig ang mga balahibo ko. Gininaw ako bigla. Pero ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa likod ko. Maging ang kamay ko ay basa na. Ramdam ko rin ang ilang butil ng pawis sa noo ko.

Napahawak ako sa puson ko. Hindi ko na ito kayang tiisin. Taeng-tae na talaga ako!

Ayaw ko na sanang madagdagan ang oras namin dito, e. Nakakainis kasing movie iyon, e. Kung hindi lang dahil doon ay hindi ko sana mararanasan ang mga pangyayaring ito.

I sighed deeply.

Ilang minuto na lang, Kelsi. Tiisin mo pa!

Napailing-iling ako habang kagat-kagat ang aking labi. My knees were trembling. Hindi ko na talaga kaya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila ay nakatingin sa wall clock. Sigurado akong kating-kati na rin silang makalabas dito. Nakakakonsensya pero hindi ko na ito kayang tiisin. Hirap na hirap na ako!

“S-sir...” Iyan pa lamang ang nababanggit ko ay agad ko nang narinig ang mga naf-frustrate na pagbuntonghininga ng mga kaibigan ko.

Napatingin si Aldrin sa akin at agad akong nginisihan. “Gusto niyo talagang magtagal dito no? Another two hours for you and your group, Ms. Guttierez.”

“Kelsi, bwiset ka!” mahinang singhal sa akin ni Curly.

“Anak ng!” Chubby murmured.

“Kelsi naman, e!” reklamo rin ni Chel.

Ang kanilang mga boses ay sapat lang para marinig ko at hindi na umabot sa pandinig ni Aldrin.

“Sir, kasi...”

“Another two hours.” Isinarado ni Aldrin ang kanyang laptop saka itinutok ang buong atensyon sa akin. “Balak mo bang matulog dito, Ms. Guttierez?”

“Kelsi, ano ba?!” reklamo ni Curly.

“Hindi na talaga ako natutuwa sa babaeng ito,” ani Chel.

“Sorry guys, pero kasi sir taeng-tae na po ako!”

Agad na nanlaki ang mga mata ni Aldrin. “Wha— What the! Nagpapalusot ka ba?”

Napabuga ako ng hangin saka ako agad na tumayo. Tatakbo na ako palabas. Bahala na! Kailangan ko nang ilabas ito. Matinding pagtawag na ng kalikasan ang nararamdaman ko.

“Sir, kung ayaw niyo pong maniwala, pwede po kayong sumama sa akin,” sabi ko. Lumapit ako sa kanya at agad kong hinawakan ang braso niya.

Nangunot ang kanyang noo. Magpo-protesta pa sana siya pero hindi natuloy nang biglang umalingawngaw sa apat na sulok ng detention room ang tunog ng utot ko. Ilang sandali pa ay agad na umalingasaw ang amoy na dala niyon.

“Shit!” Narinig kong pagmumura ni Aldrin. Shocks! Ayos lang palang magmura ang professor sa school na ito? Haynaku! Kung ano-anong naiisip ko imbis na pagtuonan ng pansin ang pagpunta ko ng CR.

“Tara na kasi, sir!” Hindi ko na hinintay ang kung anumang gusto niyang sabihin. Basta ko na lang siyang hinila. Kamuntikan pa nga siyang masubsob sa semento since nakaupo nga siya nang hilahin ko.

Hindi ko alam kung saan ang comfort room sa building na ito at nakakatakot pa ang hallway dahil mukhang abandonado. Buti na lang at kasama ko si Aldrin.

“Hoo! Success!” masayang sigaw ko matapos kong ilabas ang lahat ng aking sama ng loob. Hinugasan ko pa muna mga kamay ko sa lababo bago ko tuluyang nilabas ang gwapong nilalang na naghihintay sa akin sa labas ng CR.

“Okay na, sir...” Napabuga ako ng hangin. “Iba talaga ang nagagawang comfort ng comfort room no?” sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at nauna na siyang maglakad sa akin pabalik ng detention room.

“Ang baho ng utot mo ah,” komento niya sa kalagitnaan ng tahimik naming pagbabaybay sa medyo madilim na hallway.

“Mabaho naman talaga lahat ng utot, sir! Huwag ka ng magreklamo diyan. Nakikiamoy ka na nga lang,” tugon ko sa kanya.

“What?!” gulat niyang baling sa akin.

May isasagot pa sana ako sa kanya pero nauna na siyang pumasok sa room.

“Magsiuwi na kayo sa dorm niyo,” sabi niya.

“Talaga po? Seryoso ka ba dyan, sir?” Hindi makapaniwalang tanong ni Curly.

“Ayaw mo?” tanong ni Aldrin. May balak pa yatang bawiin ang nauna na niyang desisyon.

“Ay naku, sir! Siyempre gusto. Hindi pa nga kami nagdi-dinner remember?”

Hindi na sumagot si Aldrin at nauna na siyang lumabas pagkatapos niyang iligpit ang mga gamit niya.

“Sana pala, Kels kanina ka pa umutot sa harap ni Sir Aldrin para sana kanina pa niya tayo pinalaya,” natatawang pang aasar sa akin ni Chel habang naglalakad kami pabalik sa dorm.

Natatawa namang dinugtungan ito ni Chubby. “Kahit kailan ka talaga, Kelsi! Habit mo talagang ipahiya ang sarili mo sa crush mo no?”

“Hoy! Hindi ko siya crush!” agaran kong protesta.

“Kung hindi hininga mo ang pinapaamoy mo ay iyong utot naman. Ano kayang susunod nito?” Tawang-tawa talaga si Curly sa mga pinagsasasabi niya.

“Bakit hindi na lang kayo magpasalamat no? Kesa pinagtatawanan niyo ako.”

“Thank youuu!” Sabay-sabay na sabi nila. Nagpasalamat nga, may halo namang pang aasar.

Nang nakarating kami sa cafeteria ng dormitory ay agad kaming pagod na naupo sa table. Wala naman kaming ibang ginawa sa detention room kanina kung 'di ang maupo at tumunganga pero mas nakakapagod pala iyong ganoon kaysa sa maglinis ng open field.

“Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagsakit ng likod ko,” reklamo ni Chel.

“Parehas tayo, Chel. Gusto ko na ngang mahiga,” tugon ko naman.

“Hindi na talaga ako babalik ng detention room, promise!” sabi ni Chubby.

“Sinabi mo rin iyan noong elementary at high school tayo,” pagkokontra ni Curly sa sinabi ng kanyang kapatid.

“Kumuna nga tayo ng pagkain. Nagugutom na ako,” sabi ko at nauna nang tumayo para kumuha ng pagkain.

Nagsisimula na kaming kumain nang biglang dumating si Tairon Lim. Hindi ko alam kung bakit pero paborito talaga niyang lapitan ang table naming magbabarkada.

“Oh! Ngayon lang din kayo kakain? Anyway, buong araw ko kayong hindi nakita ah? Where have you been?” tanong ni Tairon.

Mula sa plato ay naiangat ko ang paningin ko. Magkaharap kami ni Chel. Nasa kanyang likuran si Tairon at nakatayo.

“Good evening, sir,” sabay na bati namin nina Curly at Chubby kay Tairon. Nilingon din naman siya ni Rachel saka siya nito binati.

“Good evening po,” sabi ni Chel bago muling ibinalik ang atensyon sa kinakain.

“Good evening, guys, Good evening, Rachel,” sabi ni Tairon at bahagya pang yumuko para masilip ang mukha ni Chel.

Bahagyang kumunot ang noo ko. May napapansin na talaga akong kakaiba sa mga kilos nila.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon