Kabanata 21

188 2 0
                                    

Sinamahan ako ni Mommy Sonya sa magiging kwarto ko. Pagkarating ay agad akong namangha at nakanganga kong pinagmasdan ang magiging kwarto ko. Isang queen sized bed ang tumambad sa pagkapasok na pagkapasok ko. Kulay puti ang comforter na may desinyong bulaklak na gumamela. Sa tabi ng kama ay naroroon ang bedside table kung saan nakalagay ang lampshade.

Mayroon ring napakalaking flatscreen tv sa harapan nito. Magiging buhay prinsesa nga ako kapag nagkataon.

“Wala pang masyadong laman ang walk in closet mo't uutusan ko si Manang Lilia na ipagbili ka ng mga kailangan mo. Take a rest, anak and we'll call you later for dinner.” Tipid siyang ngumiti sa akin saka niya ako tuluyang iniwan sa napakalaki kong kwarto.

Agad akong tumalon pahiga sa malambot na kama saka iyon marahang hinaplos.

Hindi ako makapaniwala. Ang akala ko ay matatagalan pa bago ko sila makilala. Pero heto at nandito na agad sa bahay kung saan ako nararapat.

Nakatulugan ko ang pagmumuni-muni. Nagising lamang ako ng marinig ang boses ni Mommy Sonya.

“Ikaw nga si Kelsi. Hindi ka pa man nag iisang araw dito. Nagsisimula ka ng pasakitin ang ulo ko. Pati ba sa pagtulog ay hindi ka rin maayos?”

Agad akong napabalikwas ng bangon. Nakatulog pala ako ng nakadapa. Tapos nakasuot pa ako ng sapatos.

“P-pasensya na po,” nakayuko kong paghingi ng paumanhin.

She deeply sighed. “Bumaba ka na. Naghihintay na ang kuya at daddy mo sa lamesa,” aniya at agad ring lumabas ng kwarto.

Sumunod din ako agad sa kanya. Sa hagdanan pa lang ay nagulat na ako nang nakitang nakakalat ang napakaraming maids at bodyguards sa sala.

“This is your Señorita Kelsi,” ani mommy.

Yumuko agad ang lahat. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalaing ganito kayaman ang pamilyang ito. Magkano kaya ang sweldo ng napakaraming tauhan na ito? Parang gusto kong maging katulong nila.

Matapos akong ipakilala ni mommy sa mga tauhan ng Guttierez ay agad niya na akong inalalayan papunta sa dining area.

Nakaupo na si Kuya Diego at daddy nang dumating kami. Binati rin nila ako agad pagkakita nila sa akin.

“Good evening, Kelsi,” si Kuya Diego na ngayon ay ngiting ngiti sa akin.

“How was your sleep?” tanong ni daddy.

“A-ayos naman po,” tugon ko habang ang paningin ay naroroon sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Napakarami niyon at mukhang masasarap.

“Sit down, anak,” ani mommy.

“A-ahh... O-opo.”

Tumayo si Kuya Diego at ipinaghila ako ng upuan na katabi ng upuan niya. Bahagyang nangunot ang noo ko. Gentleman naman pala talaga ito. Bakit mukha siyang masungit sa school?

“Thank you,” sabay ngiti ko at upo sa upuan.

“You are always welcome.” He patted my head saka siya bumalik sa upuan niya.

“Let's eat,” ani Mommy Sonya.

Tahimik kaming nagsimulang kumain. Paminsan-minsan ay pinagmamasdan ko sila, ang lamesa, at ang kasuotan ko. Suddenly, I felt like I was out of place. Why do I have this feeling of being in a place where I don't really belong? Minsan, ang gulo ko nang mag isip.

“So, sinong kumupkop sa iyo? Kailangan namin silang makilala, Kelsi para na rin makapagpasalamat kami,” sabi ni mommy habang pahigop-higop ng sa isang baso ng juice na hawak.

Natigilan ako't ilang sandaling natulala sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw ko na munang pag usapan ito. But I think... Kailangan talagang ungkatin ang mga pinagdaanan ko. Karapatan din nilang malaman iyon at hindi naman pwedeng wala silang alam sa kung saan ako nanggaling.

Marahan kong ibinaba ang kubyertos na hawak ko. Nakita kong tutok na tutok sila sa akin na para bang handang-handa nang pakinggan ang magiging kwento ko.

“Linda at Sergio Lopez po ang pangalan ng mag asawang kumupkop sa akin. Sila na po ang itinuring kong nanay at tatay ko. Ang kwento nila sa akin ay may babae raw na nag iwan sa akin sa lugar sa kung saan nagbebenta si nanay ng mga paninda niya. Hindi na raw ako binalikan kaya wala silang nagawa kung 'di ang kupkupin ako.”

“Nasaan na sila ngayon? Bakit hindi mo sila kasamang pumunta dito?” tanong ni Kuya Diego.

Napayuko ako. Napagtanto kong hindi man lang pala nabigyan ng pagkakataon sina mommy at daddy na makilala at makapagpasalamat kina nanay at tatay. Ang saklap at hindi man lang sila ipinagtagpo. Mas masaya sana kung nandito rin sila.

“Wala na po sila. Noong nakaraang buwan lang po ay may nangyaring aksidente sa amin at nakakalungkot na silang dalawa talaga ang nasawi. Pagkatapos ng libing ay isinama ako pabalik dito ng pamilya ng kaibigan ko.”

“Kung ganoon ay maaari ba namin silang makilala at para makapagpasalamat na rin kami dahil hindi ka rin nila hinayaang mag isa,” sabi naman ni Mommy Sonya.

“Huwag na, mom,” singit ni Kuya Diego na agad kong ipinagtaka.

Agad na nangunot ang noo ni mommy. “And why not, Diego?”

Naging malikot agad ang mga mata ni Kuya Diego at pilit nitong iniiwasan ang mga tingin ni Mommy Sonya sa kanya.

“Son, isn't it better if we go and thanked them for helping your sister?” singit naman ni daddy.

“Y-yeah. I-I just thought, hindi na kailangan.”

“Why don't we invite them on Kelsi's party?”

“P-po?” gulat kong tanong kay mommy.

“Tamang tama kasi, Kelsi at birthday mo na bukas,” ani Kuya Diego.

Nangunot ang noo ko. Kababalik ko lang? Birthday ko na agad?

“Actually, nakasanayan naming magpa-party everytime your birthday comes. Kahit na wala ka na. It's a celebration because you at least born kahit pa maaga kang kinuha sa amin. But now, I am so glad na kasama ka na naming i-celebrate 'yon,” ani Mommy Sonya.

“Pwede mong imbitahin ang mga kaibigan mo, Kelsi,” ani daddy.

“Talaga po?”

“Tatawagan ko mamaya si Mr. Jet at sasabihin kong ihanda niya ang magiging gown ng celebrant. I'm sure magugulat 'yon,” natatawang sabi ni Mommy Sonya.”

“Mom,” saway ni Kuya Diego sa kanya.

“But anyway, ano nga ulit ang pangalan ng mga taong nagdala sa iyo dito sa Manila?”

“Ruth po at—”

Hindi ko na nagawa pang ipagpatuloy ang sinasabi ko nang biglang tumayo si Mommy Sonya habang kuyom ang kanyang mga kamao at kunot na kunot ang kanyang noo.

“That bitch?!” naibulalas niya.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon