Kabanata 42

166 2 0
                                    

“Uh...” Anong isasagot ko kay mommy?

“She's not feeling well, tita,” singit ni Ulan.

Damn it! Ayaw ko siyang kasama.

“Okay na pala ako—” agap ko sana.

“No you're not! Baka kung mapano ka pa dito kung mag s-stay ka! Let's go, ihahatid na kita.”

“Thank you, Florence. Please take care of her. Ihatid mo siya na safe sa bahay,” sabi ni daddy kay Ulan.

At wala na naman akong choice kung 'di ang sumama sa kanya.

Isang ngiti ang iginawad ko sa parents ko, kay Kuya Diego, at sa iilang bisita na nasa table nila bago ako tumalikod na agad namang sinundan ni Ulan. Inilapat niya ulit ang palad niya sa bewang ko. Hindi ko na rin maalis 'yon dahil may mga bisitang nakasunod ang mga mata sa amin.

“Kaninong suit 'yang suot mo?” tanong ni Ulan nang nakasakay na kami sa kotse niya. Ang paningin niya'y naroroon sa kalsada. Pero hindi pa naman niya binubuhay ang makina.

“Ihatid mo na ako.”

“Answer my question, Kelsi.”

“And why should I?” singhal ko sa kanya dulot ng inis. Sino siya para makapag demand ng sagot mula sa akin? Ni hindi nga ako nag demand ng kung ano sa kanya.

Marahas siyang napabuga ng hangin at doon lang napagpasyahang buhayin ang makina. Nagsimula siyang magmaneho na tahimik lang. Mabuti na rin ang gano'n. Nang sa gayon ay hindi ko na kailangan pang makipagplastikan sa kanya. Itinuon ko ang paningin ko sa labas ng bintana.

Nang naabutan ng traffic ay doon ko lang muling narinig ang boses niya.

“I was a little bit tipsy and really don't have an idea of who am I kissing. I just imagined that it was you. I'm sorry if you saw it.”

Tss! Sa dami ba naman kasi ng pwede nilang pagtaguan, bakit doon pa? Bakit hindi na lang sila umalis at kumuha ng kwarto?

Hindi pa rin ako nagsalita. Kahit lingon ay hindi ko magawa hanggang sa nakatulugan ko ang byahe.

Nagising ako nang narinig ang boses ni Ulan. Gulat akong nagbaling ng tingin sa kanya matapos kong makitang hindi niya ako inihatid sa bahay, bagkus ay sa isang dagat niya ako dinala.

“What are we doing here?”

“Let's talk about what you saw and what I saw. Let's talk about the man who put that suit on you.”

Sarkastiko akong natawa. “Big deal ba 'yon?” walang ganang tugon ko.

“Of course! Ayaw kong isipin mong nagtataksil ako sa 'yo—”

“Look, Florence... Hindi ko iniisip na nagtataksil ka. Dahil sa totoo lang ay wala naman tayong relasyon!”

“Fiancé kita.”

“But we're not emotionally involved!”

“I do have feelings for you!”

“I don't.”

Natahimik siya. Ilang sandali bago ko siya nilingon at nakitang nasa akin pa rin ang paningin niya.

“Right...” Marahan siyang tumango-tango. “Iyong kislap ng mga mata mo, kay Aldrin ko lang nakikita. Sa kanya halatang meron.”

Natahimik ako't hindi agad na nakasagot. Tila nakonsensya ako dahil sa tono ng pananalita niya na parang sobrang lungkot. Hindi ko alam kung bakit pero parang pinunit paisa-isa ang puso ko.

“Ulan...”

Umayos siya ng upo at itinuon ang paningin sa harapan. Saka niya pinaandar ang sasakyan at nagsimulang magmaneho.

Tahimik na siya sa buong byahe. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay walang imik niya akong pinagbuksan ng pinto.

Nang makababa ako ay nilingon ko siya upang makapagpasalamat at makapagpaalam man lang pero walang lingon lingon siyang umalis. Siguradong sa puntong ito ay galit siya sa akin.

Nakayuko akong naglakad papasok. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ay  natigilan na ako dahil sa narinig na boses na nanggagaling sa garden. Nangunot ang noo ko at pasimpleng sinilip ang parteng iyon ng garden na natatabunan ng nagtataasang bushes.

“Gawin mo ang inuutos ko. Ilang araw ko nang ipinapahanap sa iyo ang tinitirhan ng pamilyang 'yan. Pero hanggang ngayon hindi niyo pa rin nakikita! Mga inutil!”

“You better be! Dahil kung hindi kayo ang ipapapatay ko!”

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagtago nang nakitang nagsimulang maglakad si mommy papasok ng bahay. Mukhang kadarating lang din nila mula sa party.

“Anong ginagawa mo d'yan?” Napatalon ako sa gulat nang narinig ang boses ni Diego sa likuran ko.

“K-kanina ka pa ba d'yan?”

“Ngayon lang.”

Unti-unti siyang tumango. “Okay...”

Nangunot ang noo niya habang nakatingin pa rin sa akin. “May tinatago ka ba, Kelsi?”

Mabilis ang naging pag iling ko. “W-wala ah! Nagulat lang ako sa biglaang pagsulpot mo d'yan. Anyway, tapos na ba ang party?”

“Hindi pa pero nauna na kaming umuwi— wait... Kaninong suit 'yang suot mo?”

Napatingin agad ako sa balikat ko. “A-ah... Kay Aldrin.”

Bakit parang big deal ang suit na ito? Lahat na lang sila itinatanong kung kanino ito galing.

He nodded and smiled at me. Saka niya ako inayang pumasok sa loob.

Nakasalubong namin si mommy sa sala. Nag beso kaming pareho ni kuya sa kanya.

“Where have you been, Kelsi? Bakit mas nauna pa kaming dumating sa 'yo? Saan ka dinala ni Florence? Maybe you're having a date but, Kelsi. Let me remind you, hindi mabuti ang nagpapagabi kasama ang lalaki hangga't hindi pa kayo kasal. Wait till you get married okay?”

“P-po? Uh... H-hindi naman po kami nag date.”

“Oh! You don't need to hide it from me.”

“Mom, mauna na po ako sa kwarto ko. Medyo tipsy po e,” pagpapalam ni Kuya Diego.

“Okay, hijo. Good night.”

Naunang umakyat si kuya sa kwarto niya. Pinanood ko pa siya bago ako nagpaalam na rin kay mommy pero pinigilan niya ako.

“Bakit po?” tanong ko at naupo sa tabi niya.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na tila ba pinagaaralan ang kabuuan ko.

“Did you eavesdropped? Narinig mo akong may kausap kanina sa garden 'di ba?”

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Kabadong-kabado ako habang nakatingin kay mommy na nagtataas ngayon ng kilay sa akin.

“H-hindi ko po alam a-ang sinasabi niyo. K-kararating ko lang din po.”

Tinitigan niya ako ng mas matagal. Mas lalo ring tumaas ang isang kilay niya na tila hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

Oh no! Lagot na ba ako?

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon