Kabanata 39

156 3 0
                                    

“I-Ipinapatay sila?” nanginginig ang boses na sambit ko. Hindi ko napigilan ang tuloy tuloy na pagbuhos ng mga luha ko.

Naaalala ko pa kung paano silang nasawi sa aksidenteng kinasangkutan namin.

Naglipat ako ng tingin kay Sir Tairon nang hawakan niya ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa.

“Paano po nangyaring ako po ang kapatid niyo? Noong nakita ako nina nanay ay may suot-suot akong kwintas.”

I took out the necklace I am wearing. Gulat na napatingin doon si Sir Tairon at Sidney.

“Kuya...” si Sidney.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ni Sir Tairon.

“Hintayin na lang natin ang result ng test. For now, ihahatid ka namin sa school dahil siguradong hinahanap ka na ni Diego.”

Hinatid nga nila ako pabalik sa school. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Kuya Diego na naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ng kanyang sasakyan habang panay ang pagtipa niya sa cellphone niya.

“Dito ka na lang namin ibababa baka makita ka ni Diego na kasama kami. Magkagulo pa,” sabi ni Sir Tairon.

Sumang-ayon ako sa gusto nila at bumaba ng sasakyan. Naglakad ako palapit kay Diego. Nang malingunan niya ako ay agad niyang naibagsak ang balikat niya, maging ang kanyang mga kamay.

“Where have you been? Alam mo bang nag aalala ako sa 'yo?” Mataas ang tono ng kanyang boses. Halata ang pagiging frustrated at inis.

“Uh...” Wala akong maisip na kahit anong pwedeng ibigay na rason sa kanya kaya muli ko na lamang naitikom ang bibig ko.

Napabuntonghininga siya. “Pumasok ka na sa kotse. Uuwi na tayo.”

Tumango ako't agad na sinunod si Kuya Tairon. Tahimik kaming pareho habang lulan ng sasakyan pauwi sa bahay.

“Sa susunod, magpaalam ka kung aalis ka. Kamuntikan ko nang tawagan si daddy at mommy kanina dahil sa takot. You should've text or call me.”

“Sorry...”

Marahas siyang bumuntonghininga. “Nawala ka na sa amin ng isang beses, Kelsi. We can't afford losing you again.”

Natahimik ako. Paano kung positive ang resulta ko sa DNA test na ginawa namin ni Sir Tairon at Sidney?

Agad kaming sinalubong ng mga katulong pagkapasok sa bahay upang kunin ang mga bag na dala namin. Nailibot ko ang paningin sa kabuuan ng mansyon ng mga Guttierez. Ang magarang mansyon na ito ay maaaring hindi totoong tahanan ko.

“Are you okay?” untag ni Kuya Diego sa akin.

Lumingon at ngumiti ako sa kanya saka marahang tumango. Naglakad siya patungo sa sofa ng living room, sumunod din ako at naupo sa tabi niya.

“Uh... Kuya...”

“Mm?” tugon niya nang hindi nag aangat ng tingin sa akin. Nanatili lang 'yon sa cellphone niyang nakabukas.

Napakagat ako sa labi ko. Gulong-gulo na ang isip ko.

“Hindi niyo ba ako ipapa-DNA test?”

Agad na nag angat ng tingin sa akin si Kuya Diego. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Nang nakabawi ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

“Hindi ba sinabi sa 'yo ni daddy?” nakangiting tanong niya, tila pa namamangha sa hindi ko malamang dahilan.

Umiling ako. Walang sinabi sa akin si daddy. Ni hindi na nga kami nakakapag-usap. Masyado silang abala sa negosyo nila. Busy magpayaman.

Napabuntonghininga siya. “We already did it, Kelsi. Do you still remember the moment mom stepped into your room?”

Nangunot ang noo ko. “Your first night. I patted your head. Kinunan kita ng hair sample no'n.”

Napamaang ako sa kanya. Bigla ay umusbong ang kaba sa dibdib ko.

“And the result is?” dahan dahan ang bawat pagbigkas ko ng mga salita.

Natawa siya. “Patitirahin ka ba namin dito kung negative ang resulta mo?”

Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik.

“Bakit, Kelsi? Duda ka pa rin ba sa sarili mo?”

Hindi ako sumagot sa kanya. Bagkus ay nakatitig lamang ako na parang tanga. Masaya ako pero malungkot din. Totoong kapatid ko siya, walang duda. May DNA test na nagsasabing tama ang pamilyang inuwian ko.

Pero nalulungkot ako para kina Sidney at Sir Tairon. Nag expect sila. Sigurado akong masasaktan lalo na si Sir Tairon kapag naging negative ang result no'n.

“Huwag mo nang pagdudahan pa ang sarili mo, Kelsi. Because you're a Guttierez.”

“Anong test ba ang ginawa?” tanong ko.

“Paternity test.”

Marahan akong tumango.

“Ang lungkot lungkot ng mukha mo. Iyon ba ang dahilan kaya ka matamlay these past few days? Huwag ka ng malungkot. Smile ka na, magkapatid tayo,” sabay ngiti niya.

Ngumuso ako.

Pinisil niya ang magkabila kong pisngi saka iyon niyugyog. “Ang cute cute mo!”

Mas lalo akong ngumuso.

“E, ayaw mo nga sa akin no'ng una. Pinagkamalan mo pa akong isa sa mga babaeng nagkakagusto sa 'yo.”

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya.

“Tell me, kuya. Kahit isa ba do'n sa mga babaeng naghahabol sa 'yo ay wala kang nagustuhan? Halos lahat naman ng babaeng nagkakagusto sa 'yo, magaganda at nagmula sa mayamang angkan kaya hindi ka na lugi doon!”

Natawa siya. “May nagustuhan ako doon kaso kumplikado kaya hindi ko pa siya maaaring gustuhin.”

Naningkit ang mga mata ko. “Sino naman?”

Imbis na sagutin ako ay ginulo niya lang ang buhok ko saka siya tumayo.

Na-curious tuloy ako. Ang alam ko kasi ay wala siyang girlfriend at matagal na no'ng naging girlfriend niya si Sidney. Ayon kay Chel. High school pa yata.

“What do you want?” tanong niya.

Kumunot ang noo ko.

“I mean, anong gusto mong snacks? Ikukuha kita.”

“Mm... Kahit ano na lang.”

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad nang umalis si Diego mula sa paningin ko. Ilang sandali lang ay bumalik siya bitbit ang isang bowl ng nachos. Kasunod naman niya ang isang katulong na may dalang isang tray ng juice.

“Sige na, Kuya! Sabihin mo na sa akin kung sino 'yong babaeng nagugustuhan mo,” pangungulit ko sa kanya.

Umiling siya. “Hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo. You might ruin everything I planned.”

Ngumuso ulit ako. Hindi naman ako madaldal. Hindi ko naman ipagkakalat.

“Señorito, tumatawag po ang daddy niyo.”

Nagkatinginan kami ni Kuya bago niya tinanggap ang wireless telephone na inaabot sa kanya ng katulong namin.

“Yes, dad?”

Pinanood ko siyang kausapin si daddy sa kabilang linya habang panay ang kain ko ng nachos.

“Yes, I'm with her... Ah huh! Bakit? Oh... Okay.”

Matapos ibaba ang tawag ay hinarap niya ako.

“Magbihis ka. We need to go somewhere.”

My eyebrows furrowed. Saan naman kaya?

“Saan tayo pupunta?”

“Tanya Lim's welcome back party.”

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon