Kabanata 38

159 1 0
                                    

“Hoy! Ayos ka lang?” untag ni Chubby sa akin.

Dahan dahan akong umiling.

“Bakit naman? Hoy! Mag share ka naman girl! Huwag mong sarilinin ang problema, kung ayaw mong mamatay!”

Napaayos ako ng upo.

“Grabe ka naman sa mamatay, Chubby!”

“Ano ba kasing problema mo? Baka pwede mo 'yang i-share sa akin. Malay mo naman, makadagdag ako!”

Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “Ikaw talaga! Ang dami mong alam no?”

“Kung ayaw mong mag share. Edi sige, akin na lang din itong batchoy mo. Ayaw ko na ring mag share sa 'yo!” sabay kuha niya sa batchoy.

“Ang sama mo!”

“Share na kasi, dali!”

Napanguso ako. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko kay Chubby ito pero nagbabakasakali pa rin akong magiging daan iyon para makahinga aki ng maluwag.

“Kasi kanina...”

“Ah huh! What happened earlier?”

“N-nag...”

“Ano? Ito naman pa-suspense pa—”

“Nagtapat na sa akin si Ulan.”

“Nagtapat? Nagtapat ng ano?” aniya. Patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain.

Hindi ko siya sinagot. Pinanood ko pa siyang humigop ng sabaw. Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata niya't dahan-dahang inilapag ang kubyertos na hawak.

“Omg! You mean nag confessed na siya ng feelings sa 'yo?”

Dahan dahan akong tumango bago muling nanlumo at inihiga ang ulo sa lamesa.

“Gosh! I can't believe this. May gusto na talaga siya sa 'yo? Paano nangyari 'yon? I mean, I thought masyado siyang head over heels kay Sidney. Iyong totoo... Ginayuma mo ba siya, Kelsi?”

Napaahon ako. “Seriously?” sarkastikong tanong ko sa kanya bago ibinalik ang ulo sa lamesa.

“Oh! Bakit parang hindi ka masaya?”

“Bakit naman ako magiging masaya?”

“Like duh! It's Florence Moreno my dear! Everyone's  dreaming of him to be their boyfriend.”

Napaayos ako ng upo at kunot-noong tinitigan si Chubby.

She leaned on the table. Iyong tipong halos magkalapit na ang mga mukha namin. “Nakikita mo ba 'yang mga babaeng 'yan?” sabay nguso niya sa mga babaeng estudyante na naririto sa cafeteria. “Halos silang lahat nangangarap na mapansin ni Florence! O kahit tingnan lang 'yan ni Rain ay halos himatayin na 'yang mga 'yan. Tapos ikaw? Parang wala lang sa 'yo na nagtapat siya sa 'yo?”

Napanguso ako. “May iba akong gusto.”

Napasinghap si Chubby. “Don't tell me...”

“Huwag kang mag alala, I won't tell you.”

“Kaloka ka! Si Sir Aldrin ba?” Ibinulong na niya ang huling apat na salita.

Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang bowl ng batchoy at nagsimula na ring kumain.

“Jusko! Mukhang tama nga ako.”

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ng batchoy. Wala na akong balak na magsalita pa. At least ngayon, hindi na ako masyadong binabagabag no'ng pagtatapat sa akin ni Ulan kanina.

Kinabukasan, hindi pa man tapos ang klase namin ay nakita ko na si Sidney na nakaabang sa labas ng classroom namin.

Akala ko ba, hindi niya ako pipiliting magpa-DNA test? Pero bakit tila inaabangan na niya ako? Na para bang sinisiguro niyang hindi ako makakatakas.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon