Kabanata 25

171 2 0
                                    

Kumunot ang noo ko. Agad kong pinanlisikan ng mata si Ulan. Nakapameywang ko siyang hinarap.

"Anong sabi mo?"

"Orange chevrolet corvette, Judy. Here's the key." Imbis na pansinin ako ay si Judy ang hinarap niya.

"Okay po, Mr. Moreno. Let's go everyone!" pag aaya ni Judy sa mga kasama niya na otomatiko namang sumunod sa kanya.

"Bakit mo pa sila hinayaang bitbitin ang mga 'yon at dalhin sa kotse mo? Kung pwede naman nating bitbitin 'yon!" sabi ko kay Ulan nang naiwan kaming dalawa.

"Bakit? Sa tingin mo ba nagbibitbit ako ng gano'n kabigat?"

Napataas ang dalawa kong kilay at mangha akong napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Pasarap lang sa buhay ang alam niya!

He smirked. "At para sa 'yo pa talaga? No fucking way!"

Ginantihan ko din siya agad ng nakakainsultong ngisi. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

Nilagpasan ko siya at aalis na sana ako pero nahawakan na naman niya ako sa braso ko.

"And where are you going?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Uuwi."

Ngumisi na naman siya. "Alam mo ba ang daan? Tss. You're not going anywhere. Let's wait for Judy to come back because she'll assist you for the gown you're going to wear later."

"Ano? Wala pa pala doon ang gown sa mga paperbags na 'yon?"

Umiling lamang siya.

Inirapan ko siya at agad kong tinalikuran. Saka ako naglakad patungo sa sofa na una kong nakita. Naupo ako at napahimas sa pisngi kong nasampal ni Sidney kanina. Hindi ko akalaing makakatanggap ako ng sampal sa isang walang kwenta at hindi totoong dahilan.

Actually, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init doon at masakit pa rin. Bwiset na Ulan!

"Hey! Masakit pa ba?" tanong ni Ulan saka naupo sa tabi ko.

Inirapan ko siya. "Obvious ba?"

Bahagyang nanlaki ang singkit niyang mga mata. Akma pa sana siyang hahawak sa pisngi ko pero agad akong lumayo.

"I'm sorry..." he said.

"Tss!" May magagawa pa ba ang sorry niya? The damage has been done!

"Sorry. I just needed to do that para mapaniwala ko si Sidney na pinaglaruan ko lang talaga siya. At na hindi ko siya totoong minahal."

Napatitig ako sa kanya. Hindi kaya nagpapalusot lang siya? Bakit naman niya kasi gagawin 'yon?

"Bakit?"

Napatingin siya sa akin. "Anong bakit?"

"Bakit mo kailangang gawin 'yon? Dinamay mo pa talaga ako! Ang sakit kaya ng sampal niya. Feeling ko bumakat ang palad niya sa pisngi ko."

Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. Muli ko na namang nakita ang pagkakasingkit ng kanyang mga mata.

"Natatawa ka ba?"

Kinagat niya agad ang pang ibabang labi niya na siyang ikinagulat ko. Bahagya akong napaatras.

What the hell?! Bakit napaka-hot niyang tingnan?

"Hindi naman... Nakyu-kyutan lang ako sa 'yo."

Nagpang-abot agad ang mga kilay ko. Anong pinagsasasabi ng lalaking 'to? Ibinuka ko ang bibig ko upang sana ay magsalita pero agad ko lang din itong naitikom muli nang biglang dumating si Judy kasama ang mga tauhan niya.

"Let's go, Miss Kelsi. Sukatan na po kita."

Agad akong tumayo at nagmamadaling sumunod sa kanya nang naglakad siya papasok sa isang pintuan.

Ang akala ko ay simpleng pagsusukat lang ang gagawin namin. Iyong tape measure ang gamit. Hindi ko naman alam na talagang isusukat pala sa akin ang mga gown!

Kaya ang ending ay naubos ang halos lahat ng enerhiya ko sa katawan.

"Ano ba, Ulan! Pagod na ako!" reklamo ko kay Ulan matapos kong sukatin ang sa hula ko'y lagpas na sa ika-bente na gown.

Napansin ko kasing sa halos lahat ng naisukat ko ay wala roong pumasa kay Ulan. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ako at pinapagod.

Tinanggal niya ang isa niyang paa na nakatanday sa kanang paa niya. Maging ang nakalingkis niyang mga braso na namamahinga sa dibdib niya'y tinanggal niya rin. Malakas ang kanyang pagbuga ng hangin nang tingalain niya ako't tinitigan sa mga mata.

"I know your mother pretty well. I know how meticulous she is when it comes to fashion."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. What is he trying to say? Na lahat ng isinukat ko ay hindi magugustuhan ni mommy? How sure is he?

"So?" nakataas ang kilay na saad ko.

"So... Hinahanap ko ang damit na siguradong papasa sa taste ng mommy mo," aniya na may kasama pang pagkumpas ng kamay sa ere.

Napairap ako at tinalikuran na lamang siya.

"Ah! Wait..." tawag niyang muli. Tumigil ako sa paglalakad. Bumagsak ang balikat ko't marahas akong napabuga ng hangin.

"What did you just called me? Did I heard it right? You called me Ulan?" may pagdadalawang isip pang tanong niya.

Nilingon ko siya at imbis na sagutin ay matinding irap ang ginawa ko saka ako dumiretso pabalik sa fitting room.

Nakailang sukat din ako bago nakapili si Ulan ng magandang gown para sa party mamayang gabi. Hindi ko alam kung sino ang metikulosa... Si mommy ba o si Ulan.

Ilang oras din ang itinagal namin sa botique kaya nang natapos ay eksaktong ala una na ng hapon.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko habang naglalakad, nakasunod kay Ulan na hindi ko alam kung saan siya patungo.

"Hindi. Kakain pa tayo ng lunch. I am just looking for a good restaurant."

Napaismid ako. "Kakain sa restaurant? Ano 'to, date?"

Nakangisi niya akong nilingon. "Are you expecting a date with me?"

My eyebrows furrowed. Hell no!

"Hindi no! Why would I?" tanggi ko. Hindi naman kasi talaga!

Mas lalo lang lumapad ang ngisi niya. "Anyone can have their lunch, Kelsi. Kahit hindi nag d-date. Stop imagining things."

Napairap na lamang ako na agad niyang pinagtawanan. Pumasok kami sa isang japanese restaurant. Sinalubong agad kami ng isang waiter.

"Table for two please," ani Ulan.

"This way, sir."

Iginiya kami ng waiter sa magiging table namin. Agad naman akong ipinaghila ni Ulan upuan na ikinataas na naman ng kilay ko.

"Two order of sashimi and two order of udon," sabi ni Ulan habang nakatingin sa menu.

Ako? Hindi na ako nag abala pang tumingin. Wala akong alam sa mga pagkain na 'yan. Never pa akong nakatikim ng japanese food.

"And what do you want for your beverage, sir?"

"Mugicha, dalawa din please."

Muli pang binigkas ng waiter ang mga in-order ni Ulan bago ito nagpaalam sandali para ihanda ang mga pagkain.

"Alam mo, Ulan... First time ko dito."

"I don't care and please stop calling me, Ulan. I don't like it."

"Bakit? Ang cool kaya ng bansag ko sa 'yo."

"No. It's not cool."

"Yes. It is."

"Tss..."

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon