Kabanata 44

163 2 0
                                    

Natigilan ako. Napalunok at tila nalagutan na ng hininga dahil sa paninigas. Kung ako ang nasa posisyon ni Sidney at narinig ko 'yon mula sa bibig ng taong mahal ko ay siguradong masasaktan ako ng sobra.

“T-then why are you two in a relationship?”

“To add some spice? Ewan ko, boring ang buhay kung walang romance, future wife.”

Napakagat ako sa labi ko.

“Ikaw?”

“Ako? Anong ako?”

“Nagka-boyfriend ka na?”

Mabilis akong umiling. “H-hindi pa.”

He pouted, pinipigilang mangiti.

“Ano namang nginingiti-ngiti mo d'yan?” tanong ko nang napansin 'yon.

“Ako pala ang first boyfriend mo kung ganun,” aniya sabay subo ng isang buong sushi.

“Ulan, hindi nga tayo,” may diin ang bawat katagang sabi ko.

“Future wife, we're engaged! Kung ayaw mong girlfriend kita, e anong tawag mo sa relasyon natin kung ganun?”

Napabuga ako ng hangin.

“Okay fine! Kung hindi mo talaga ako magawang gustuhin, it's okay. But we are already in a relationship. Girlfriend kita, boyfriend mo ako. Tuloy ang kasal nating dalawa and if after three months ay wala ka pa ring feelings para sa akin then I'll let you go.”

Ilang minuto pa akong nakatitig sa kanya bago ko nagawang iangat ang isang gilid ng labi ko.

"Para makuha mo ang mana mo, ipu-push mo 'yong kasal?"

"Kelsi, kailangan ko 'yon."

I gritted my teeth. It's because of his greed kaya ako nadadamay.

"And don't you ever think na dinadamay kita rito sa pangangailangan ko ng pera. Dahil paalala ko lang, it's all because of you."

Ayan na naman po siya sa paninisi niya sa akin. Hay naku!

"Ulan, kahit ilang beses mo 'yang sabihin sa akin ay hindi ko talaga maalala."

"Yeah right. Ipagpatuloy mo na lang 'yang kinakain mo."

Nagpatuloy nga ako sa pagkain ko. Nang matapos ay inaya ako ni Ulan na maglakad-lakad sa mall. Pumasok siya sa isang men's botique habang ako'y naiwan sa labas at nilibang ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa mga shops sa paligid.

"Hey, Kelsi right?"

Isang may edad na babae ang nakangiting lumapit sa akin. Her timeless beauty makes me remember her.

"Mrs. Lim po tama?"

Lumawak ang pagkakangiti niya sa akin. "Oo hija. Naalala mo pa pala ako."

"Syempre naman po, kaibigan po kayo ni mommy."

Unti-unting nawala ang kanina'y malawak na ngiti niya.

Or hindi ba siya kaibigan ni Mommy Sonya?

"By the way, sinong kasama mo? Mag isa ka lang?"

"Ah, may kasama po ako, nasa loob ng men's botique na 'yan," sabay turo ko sa botique na pinasukan ni Ulan.

"Boyfriend mo?" tanong ni Mrs. Lim habang tinatanaw ang loob ng botique na itinuro ko.

"Naku! Hindi po," hilaw na tawa ang naibigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanggi si Ulan o hindi dahil alam naman na ng lahat na fiancé ko siya.

"Mommy... Let's go?" Agad kong nailipat ang tingin sa babaeng kadarating lang at agad na humawak sa braso ni Mrs. Lim.

"Oh, tapos ka na?" tanong ni Mrs. Lim sa anak niya.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon