Kabanata 16

188 2 0
                                    

“Anong ginagawa mo dito?”

“S-sir...” natameme ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

He stand straight and slid his both hands on his side pockets. Naglakad siya palapit sa akin pagkatapos.

Kinakabahan man ay lakas loob kong sinalubong ang mga titig niya sa akin. Nang nakarating siya sa harapan ko ay bahagya akong napaatraa nang ilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko.

“Are you here to apologize right?”

“P-po? Ah, opo. Sorry nga po pala, sir. Hindi ko naman po iyon sinasadya.”

He pouted his lips. “Too bad... Hindi ako tumatanggap ng simpleng sorry lang.” Lumayo siya sa akin at ngayo'y nakatingin na sa cafeteria.

“It would be better if you treat me as an apology gift, Ms. Guttierez. I'm hungry.”

Napalunok ako. Wala pa naman akong dalang pera.

“K-kasi po... Wala po akong p-pera, sir,” mahinang saad ko na pinagtawanan niya lang.

“Let's go,” he said saka niya ginulo ang buhok ko at nauna na agad na maglakad papunta sa cafeteria.

Pagkarating ay sinalubong agad kami ni Tairon. Halata ang pag aalala sa kanyang mukha habang nagmamadali siya sa paglalakad palapit sa amin.

“Nahimatay ka raw?” tanong niya.

Hindi siya agad sinagot ni Aldrin. Naupo pa muna ito sa upuan bago tumingala kay Tairon.

“Yeah. Kamuntikan na kasi akong mahampas ng baseball bat. Inatake ako ng nerbiyos.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mas lalo ko iyong nakagat nang lingunin ako ni Tairon. “Oh! E, bakit magkasama kayo nito?” sabay turo niya sa akin.

“Siya ang may kasalanan,” simpleng tugon ni Aldrin.

Mangha ko siyang nilingon. Diretso talaga? Hindi man lang ba niya ide-detalye ang mga nangyari para naman hindi masyadong lumabas na ako ang may kasalanan. Kahit na ako naman talaga.

Nanlaki ang mga mata ni Tairon at laglag panga akong tiningnan.

“Hindi ko naman po iyon sinasadya...” I said, trying to defend myself. “Kasi rin naman po itong si Sir Aldrin bigla-bigla na lang naninigaw.”

Naningkit agad ang mga mata ni Aldrin nang lingunin niya ako. “Why don't you get us some food, Ms. Guttierez?”

Napabusangot ako. Sinabi na ngang wala akong pera. Tumalikod na ako at napabuga ng hangin habang naglalakad. Uutangin ko na nga lang. Hindi ko nga lang alam kung pwede bang umutang dito.

Nakatingala ako habang nakatingin sa menu na naka-display sa itaas nang may biglang tumabi sa akin. Agad na bumulusok sa ilong ko ang mabango niyang amoy.

I know this scent!

Pailalim kong tiningnan ang katabi ko saka ko hinagod ng tingin ang kasuotan niya. He's wearing an oxford shoes, black chino pants, white singlet and a black vest na hapit na hapit sa braso niya dahilan para lumantad ang magandang pagkakahubog ng kanyang muscles na halatang alaga sa gym. What a sight! Ang bilis naman niyang nag iba ng kasuotan habang kaninang umaga lang ay nakaputing tshirt lang siya.

I heard him slightly chuckled kaya naiangat ko agad ang paningin ko sa kanya.

“Kelsi Guttierez, right? Is that your habit?”

“What?” kunot noong tanong ko.

“You're staring again.”

I immediately took one step backward. “I-I am not staring at you. I am not even looking at your body. Huwag ka ngang assuming!” pag de-deny ko. Kahit na alam ko namang hindi siya maniniwala.

The corner of his mouth turned up. Sabi ko na, e. Hindi talaga ako paniniwalaan nito. But at least I have tried.

“Yeah,” he said in full sarcasm. “You're not actually looking at my face because you're drolling over my drop dead gorgeous body,” he conceitedly added.

Pasinghal akong natawa. I was about to blow him a damn irritating words para lang sana ay makaganti sa pang iinsulto niya but then my Aldrin suddenly joined the scene making me stop.

“Anong nangyayari? Ms. Guttierez, nasaan na ang pagkain ko?”

Ang kaninang nakabusangot kong mukha ay agad na pinalitan ng ngiti nang lumingon ako kay Aldrin.

“Ito na nga po, sir. Namimili pa po kasi ako ng mga pagkaing babagay sa taste mo,” pagpapalusot ko. Ang totoo ay hindi ko na iyon napagtuonan ng pansin.

“Magandang araw, sir,” magalang na pagbati ni Ulan. Hinarap din naman siya ni Aldrin at bumati rin ito pabalik sa kanya.

“Magandang araw din sa iyo, Mr. Moreno,” aniya saka muling ibinalik ang tingin sa akin.

“Wait for our table instead, Kelsi. Ako na lang ang oorder ng pagkain natin.”

Natigilan ako. Maging si Ulan ay agad na napataas ang dalawang kilay habang manghang nakatingin kay Aldrin.

He just called me Kelsi again and not Ms. Guttierez. Tapos pagkain raw namin? Are we on a date? Iyong date pero kunwari hindi pero date na talaga. Hindi lang niya sinasabi. Omg! Iba na yata itong mga iniisip ko at may halong malisya na, e.

Sinunod ko na lamang siya at bumalik na ako sa lamesa kung saan siya nakapwesto kanina. Pagkarating ko roon ay wala na si Tairon.

Ilang sandali lamang akong naghintay at agad na dumating si Aldrin bitbit ang tray na may lamang pagkain namin. Char! Pagkain namin talaga. Ang assumera ko talaga at feeling ko date ito. Naku! Kung hindi lang talaga propesor namin itong si Aldrin ay ako na talaga mismo ang nanligaw dito.

“Anong pinag usapan niyo ni Mr. Moreno at bakit ngiting-ngiti siya sa iyo?”

Iyan ang pambungad na tanong niya sa akin pagkaupo niya sa upuan na kaharap ko.

“Wala naman po,” mahinang tugon ko.

“Wala? Pero bakit ganoon na lang kung makangiti sa iyo? Hindi iyon masyado at basta-bastang ngumingiti, Ms. Guttierez. Is he hitting on you?”

Laglag panga akong napatitig sa kanya. Well, I heard about that from my friends pero hindi naman kasi ngiti iyong ipinakita niya sa akin kanina. It was more like a smirk.

Pinakatitigan ko si Aldrin. Kung hindi ko lang siya professor ay iisipin ko ng nagseselos siya sa ginagawang pagkausap sa akin ni Ulan kanina. Pero dahil propesor ko siya, siyempre ay wala lang iyon sa kanya. He was just curious. Wala iyong malisya. Ako lang ang nag iisip na mayroon.

Hay naku, Kelsi!

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon