Kabanata 67

287 3 0
                                    

ALDRIN TORRES

"Aldrin! 'Yong baby."

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Eve habang sakay siya ng stretcher at itinatakbo namin papasok ng emergency room. Duguan siya at patuloy ang agos ng mga luha niya.

"He'll be okay. Magiging safe ang anak natin. Please, Eve. Make him safe."

Kuyom ang mga kamao ko nang mahinto ako sa pagtakbo at tanawin na lang mula rito si Eve na pinapasok sa loob ng emergency room.

"Who did this?" Nanginginig at may diin sa bawat salita na sambit ko. Kabuwanan na ngayon ni Eve at nangyari pa 'to sa kan'ya. Hindi ko mapapatawad ang taong nagdala sa mag ina ko sa bingit ng kamatayan.

Halos hindi ako nakatulog at buong gabi akong nasa labas ng emergency room. Kabado at takot na takot ako. Lalo pa nang papirmahin nila ako ng waiver na nagsasaad kung sino ang pipiliin kong iligtas. I never signed. I chose them both. They can't expect me to choose between the two people I love.

Good thing, safe silang dalawa.

"It's Lily Lim. Nakita ko ang plate number ng kotse at naipa-track ko na kaya sigurado akong siya nga ang may kagagawan nito. Don't let this one pass, Aldrin. You have to do something to get back at them."

I looked at Tita Sonya intently. She's a Gutterez but she's a friend of my girlfriend--Eve. I don't know where and when their friendship started but they we're pretty close. It's something awkward for me because she's way older than us, but I had no choice.

"How sure are you?" I replied with my furrowed brows.

"Look at this."

Ipinakita niya sa akin ang mga litrato ng kotseng nakabangga kay Eve. And that's how I started to get revenge. I want her to feel the fear I felt when I almost lost my child.

Pero hindi ko akalaing lilihis ako ng landas. Hindi ko inakalang mahuhulog ako sa sarili kong patibong. Hindi naging maayos ang plano namin. First, hindi alam ni Lily Lim na anak niya si Kelsi. Kaya isa iyon sa malaking factor kung bakit hindi ako nagtagumpay sa mga plano ko. Second, hindi ko alam kung bakit naging sunod-sunuran ako kay Mrs. Guttierez. Matalino akong tao pero naging bobo ako sa mga pagkakataong iyon. Third, nagtagumpay nga akong paibigin si Kelsi Guttierez. But I also fell.

Kaya nang umalis siya papuntang London kasama ang lalakeng simula pa lang ay inilaan na para sa kan'ya. Ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa lahat ng katangahang ginawa ko.

"Are you serious, Aldrin? Pupunta ka ng London? Makikipaghiwalay ka sa akin? Hindi mo ba naiisip ang anak natin?" puno ng panggigigil na tanong ni Eve sa akin.

"Eve, I love her."

"Shut the fuck up! Paano mo nasasabing mahal mo siya? E, ako ang laging nasa tabi mo, Aldrin. Tapos na ang pagpapanggap, Aldrin. Nasaktan mo na siya kaya ayos na 'yon."

"Iyon na nga, Eve! Nasaktan ko siya kaya mas nasasaktan ako!"

"I can't believe you!" Nakita ko kung paanong nangilid ang kan'yang mga luha hanggang sa unti-unti itong nagsipagbagsakan.

"I'm sorry, Eve. Pero mahal ko siya."

Sinundan ko si Kelsi sa London. I saw how happy she is with that man. She's undeniably happy. Nakita ko kung paano siyang tumawa. Walang bakas ng kahit na anong sakit o lungkot na dulot ko. I realized... that she's very much fine without me.

"Dahil sa 'yo kaya nawala ang anak natin! Eggy lost because of you! Walang kwenta kang ama! Inuna mo pa ang babae mo kaysa sa anak natin! Anong klase kang ama, Aldrin!?" Napupuno ng luha ang mukha ni Eve, habang pinapaulanan niya ako ng suntok sa aking dibdib kasabay ng mga sigaw niyang punong-puno ng paninisi.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon