Kabanata 46

152 3 0
                                    

Hindi ko kinayang tingnan ang mga katawan nila. Tunay ngang halos hindi mo na makilala dahil sunog na sunog talaga.

"Kelsi! Anong nangyari?"

Napalingon kaming lahat sa nagmamadaling sina Sir Tairon at Aldrin. Kasunod nila ang iba pang mga professors at students na nakakakilala kina Chel. Halos magkagit-gitan kami sa loob dahil sa dami nila.

"Sir..." tugon ko kay Aldrin.

Hinawakan niya ako sa balikat ko. Bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata.

"My condolences..." mahinang bulong niya.

Marahan akong tumango sa kanya bago ko nilingon si Sir Tairon na tahimik lang na nagmamasid sa likuran ni Aldrin. Nang magpang-abot ang aming mga mata ay mataman siyang tumitig sa akin.

"Ano ng nangyari sa investigation?" malamig na tanong nito sa akin na naging dahilan upang umusbong ang kaba sa dibdib ko.

Umiling ako. Sa aming lahat, I was the one who's closer to this family yet, ako 'yong parang walang kaalam-alam at mangmang sa lahat ng nangyayari. Kung hindi tumawag si Kuya Diego kay Ulan kanina ay malamang hanggang ngayon, wala akong kaalam-alam. At ngayon ko lang din naisip at naitanong sa sarili kung bakit naroroon si Kuya Diego sa insidente.

Naglipat ako ng tingin kay Kuya Diego. He was busy talking to Ulan. Bakas ang pagod at lungkot sa mga mata niya at hindi ko 'yon maintindihan. Hindi ko alam kung bakit medyo namamaga ang kanyang mga mata na para bang kagagaling niya lang sa pag iyak.

I remembered Ulan asked him earlier if he's okay. Is he hiding something?

"Kelsi..." Napatingin ako sa balikat ko nang naramdaman doon ang marahang pagpatong ng mga kamay ni Aldrin. "Can I talk to you?"

Ilang sandali pa akong nanahimik. Bago ako lumingon sa kanya at marahang tumango.

Naglakad siya palabas, kaya sumunod rin ako sa kanya. May mangilan-ngilang lumingon sa amin pero hindi kami masyadong pinagtuonan ng pansin dahil abala ang lahat sa pag uusap tungkol sa nangyaring sunog.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin nang makalabas kami ng Crematorium. Napahawak ako sa magkabilang balikat ko, manipis na sleeveless dress lang kasi ang suot ko. Kaninang umaga pa 'to. Ayaw kasi akong iuwi ni Ulan sa bahay kaya wala akong choice kung 'di pumunta dito na hindi man lang nakapagpapalit.

Muli kong naipukol kay Aldrin ang paningin ko nang ilagay niya sa balikat ko ang suot niyang jacket.

"Thanks," mahinang saad ko. Hindi siya tumugon bagkus ay naglakad siya paupo sa isang bench na naroroon. May kadiliman sa pwestong iyon pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin at tumabi na lamang sa kanya.

"Anong nais mong pag usapan?" tanong ko. Feeling ko ang disrespectful kong pakinggan sa tanong ko na 'yon pero ang sabi niya naman sa akin ay ayaw niyang pino-po ko siya kaya hayaan na.

"Ayos ka lang?" tanong niyang hindi nakatingin sa akin at naroroon lang ang paningin sa naggagandahang landscape sa harapan namin.

Umiling ako. "Hindi ko alam..." napapaos ang boses na tugon ko. "Biglaan 'yong nangyari at hindi ko inaasahang mauuwi sa gano'n ang lahat. Hindi ko alam kung paano na ang mga susunod kong araw gayong wala na ang kaibigan ko."

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit limang katawan ang nakita, gayong apat lang naman ang miyembro ng pamilya nila?" aniya.

Nailipat ko ang nagtatanong kong mga mata sa kanya. Hindi ko iyon naisip.

Sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi niya. "Huwag mong ubusin ang luha mo..." Nilingon niya ako. "Hindi pa tayo sigurado kung kanino ang mga katawang 'yon."

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon