Kabanata 14

208 1 0
                                    

“Pero alam kong buhay pa ang kapatid namin...” Napaangat ako ng tingin kay Tairon. “Nararamdaman ko iyon. Buhay pa si Tanya. At kapag napatunayan namin na buhay siya. Humanda talaga sa akin ang mga taong dahilan ng lahat ng ito,” dagdag niya.

Hindi ko alam kung anong pinupunto niya. Ang tanging naiintindihan ko lang ay galit siya. Galit na galit.

“Kelsi, andito ka lang pal— Good morning, sir!” Napalingon ako kay Chel na ngayon ay gulat na napatingin kay Tairon.

Napansin ko agad ang paglukot ng kanyang mukha. Mukhang hindi niya nagustuhan ang kanyang nakikita.

“K-kels, magpalit ka na ng uniform. PE time na.”

“Ah! Oo...” Nilingon ko si Tairon at agad na akong nagpaalam sa kanya.

Nagdiretso ako sa classroom. Nandoon pa kasi ang bag ko at ang PE uniform. Nakasalubong ko pa ang mga kaklase kong palabas at naka-PE uniform na habang papasok ako.

“Saan ka nanggaling?” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang akong nakarinig ng boses. “Hindi ka pumasok sa unang subject mo?”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko sa teacher's table si Aldrin na nakaupo. Bakit hindi ko siya napansin kanina habang papasok ako?

“Uhh... Magbibihis na po ako, sir,” sabi ko at muli siyang tinalikuran. Dire-diretso akong pumasok sa CR ng classroom namin bitbit ang PE uniform ko.

Nang nakalabas ako ay ini-expect ko nang wala na si Aldrin sa classroom. Pero agad akong natigilan nang salubungin ako ng malalalim niyang mga titig. Kumunot ang kanyang noo nang napansin marahil ang paninitig ko.

“S-sir...”

“Bakit hindi ka pumasok sa first subject mo?”

Bumuntonghininga ako at agad na napairap sa kawalan. “You're acting like a jealous boyfriend! It's as if you're interrogating me dahil may nagawa akong kasalanan. For pete's sake, Aldrin. Wala akong gusto sa iyo!” sigaw ko.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Kunot na kunot ang kanyang noo habang ang kanyang labi ay nakaawang. Halatang hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko.

Napangisi ako at babawiin na sana ang mga sinabi ko. Sasabihin ko na sana sa kanyang joki joki lang ang lahat ng iyon. Pero nagulat ako nang bigla siyang naglakad palapit sa akin. Napatuwid ako sa pagkakatayo at agad na napaatras nang nakarating siya sa aking harapan.

“Pero...” aniya.

Hindi pa rin siya matigil sa paglapit kaya patuloy ang pag atras ko. Hanggang sa nabangga na ang likod ko sa pinto ng CR.

Wait... Ipapasok niya ba ako sa CR?

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa naisip kong posibleng mangyari.

“S-sir...”

Napatalon ako sa gulat nang bigla ay itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa pintuan ng CR. He cornered me!

“Pero...” bulong niyang muli. “Paano kung gusto na nga kita at nagseselos ako sa nakita kong pagyayakapan niyo ng kung sinumang lalaki iyon na nakita ko sa field kanina.”

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Nakita niya kami ni Diego?

“Mahal na nga yata kita, Kelsi,” aniya na mas lalong nagpalaki sa mga mata ko. Feeling ko nagmukha na akong tarsier dahil sa gulat.

***

“Hawakan mo ng mabuti,” sabi ni Aldrin habang hinahawakan ang braso ko at itinuturo ang tamang paghawak ng baseball bat. Ako na kasi ang titira.

“Put on your mind that when you are hitting the ball, put most of your weight on your back foot. Then take a little step forward when you are about to hit the ball...”

Kunot na kunot ang kanyang noo habang nagbibigay ng instructions kung paano ang tamang pagtira.

“You should try to swing level. And make sure your arms are fully extended.”

Malambot ang kanyang kamay habang nakahawak sa mga braso ko. Sa bawat paglapat ng kanyang mga palad ay tila nakukuryente ang buong katawan ko.

Habang nakatingin sa kanya ay nagsusumiksik naman sa aking ala-ala ang mga pangyayari kanina bago kami nagdesisyong bumaba at pumunta dito sa field para sa gagawing baseball play.

“Mahal na nga yata kita, Kelsi.”

Mabibigat ang bawat paghinga niya na para bang may nakadagan sa kanya. Ako naman ay nanlalaki ang mga mata habang nakataas pa ang dalawang kilay.

Totoo ba ito? O baka naman ay imahinasyon ko lang? Nagtatapat siya sa akin? Ang bilis naman yata? Ako nga, crush pa lang. Sa kanya mahal na agad? Parang ginawa naman niyang instant coffee ang love.

“T-totoo ba iyang s-sinasabi niyo, sir?”

Mabilis siyang lumayo sa akin na agad kong ipinagtaka.

“Syempre joke lang,” aniya na nagpalaylay sa mga balikat ko.

Tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas. Naiwan akong nakatulala at naiwan ang paningin sa kanina'y kinatatayuan niya.

Akala ko ay magtutuloy-tuloy siya hanggang sa makalabas. Pero napatitig ako sa kanya nang bigla siyang huminto sa pintuan at agad akong nilingon.

“Anong huling kinain mo?”

Eh? What's with the sudden out of the blue question?

Inalala ko naman agad ang huli kong kinain kahit pa nagtataka ako kung bakit niya iyon naitanong.

At nang naalala ko ay agad akong napasinghap at napatakip ng bibig. Omg! Don't tell me...

Gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa ngayon na. As in now na! Lalo pa nang unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Aldrin.

Shit!

“I guess you already figured it out. Do you want me to spill the tea?”

“Ha?”

“Ang baho na naman ng hininga mo,” aniya at tuluyang natawa bago lumabas ng classroom.

Nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko. Hindi ko rin namalayang nagkakalapit na pala ang mga mukha namin sa isa't-isa. Dahan-dahan ang naging paggalaw ng kanyang mga mata papunta sa mga mata ko.

“Miss Gutierrez, are you still with me?”

Sunod sunod akong tumango ng mabilis habang tikom ang aking bibig. Hindi na ako naglakas loob pa na magsalita ng kahit na ano. I don't want another kahihiyan again. Jusko! Bakit ba kasi paboritong paborito ko ang chichirya na iyon?

“Then hit the ball, Miss Guttierez!” Napatalon ako sa biglaang sigaw ni Aldrin. Sa gulat ko ay naihampas ko ng mabilis at malakas ang baseball bat. At hindi pa pala masyadong nakakalayo sa akin si Aldrin. Kaya naman ay kamuntikan ko na siyang matamaan. Nasagi ko pa nga yata ang tungki ng matangos niyang ilong.

“Hala! Si Sir Aldrin!” sigaw ng isa kong kaklase. Nataranta agad ang lahat nang biglang hinimatay si Aldrin.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon