Kabanata 59

173 1 0
                                    


“Alam mo ba ang tungkol dito?” tanong ko kay Ulan nang nasa byahe na kami pabalik ng Maynila.

Umiling siya pagkatapos ay ngumisi. “Ang layo ng pinagdalhan niya sa ‘yo, ah.”

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. “Sigurado kang wala kang alam?”

“Come on, Kelsi. Magkasama tayo the whole time. Paano pa ako magkakaroon ng oras para makipagsabwatan sa kanila kung sa ‘yo pa lang, ubos na ang oras ko.”

Nag iwas ako ng tingin. Napabuga ako ng hangin. “Buhay si Chel,” sabi ko habang nakatutok ang paningin sa labas ng bintana.

Naglipat ako ng tingin kay Ulan. “Tinatago siya nina Aldrin. Kasabwat din ba sila nina Tanya dito?”

Tumagilid siya ng upo, paharap sa akin. “How would I know, Kelsi? Again, magkasama tayo. Halos anim na taon tayong nawala dito sa Pilipinas.”

Mahaba ang naging paghigop ko ng hangin bago ko mariing ipinikit ang aking mga mata.

Nanahimik na ako sa buong byahe na ‘yon.

Tahimik ang bahay nang dumating ako. Nasa likuran ko si Ulan. Nagmumukha siyang bodyguard ko habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng bahay. Wala ulit sina Daddy.

“Do you want to go outside? Or gusto mong sumama sa bahay ko?”

Umiling ako. “May gusto akong gawin. Iwan mo na ako dito.”

“Are you sure?”

Lumingon ako sa kanya. “Umuwi ka na.”

Pinagmasdan pa niya ako ng ilang sandali bago siya tumango at tipid na ngumiti. Pinanood ko siyang pumihit patalikod sa akin at nagmartsa palabas ng bahay. Nang marinig ko na ang papalayong sasakyan ay doon lang ako napabuga ng hangin at nagdesisyong umakyat sa kwarto ko.

“Miss Kelsi, ako na po,” anang isang katulong nang makitang bitbit ko ang mga bagahe ko.

“Wala ba sina Daddy?”

“Nasa office po,” tugon niya.

“Sa company?”

“Office niya po dito sa bahay.”

Tumigil ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Nilingon ko ang office ni Daddy bago ko muling hinarap ang katulong.

“Pakihatid na lang ng gamit ko sa kwarto ko. Salamat.”

Nang tumango ang katulong ay nag diretso ako sa office ni Daddy. Kumatok ako ng ilang beses bago ko pinihit ang siradura. Malalim akong bumungtonghininga bago ako tuluyang pumasok roon.

Namilog ang mga mata ni Daddy, bakas ang pagkagulat sa buong mukha niya.

“Hi, Dad.”

“Kelsi! Hindi ka nagsabi na uuwi ka,” aniya saka naglakad palapit sa akin at agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.

“Akala ko po ay alam niyo,” sabi ko nang humiwalay na siya sa yakap niya sa akin.

“Kumusta ka na? Ang akala ko’y hindi ka uuwi sa taong ‘to?”

“Pwede po ba ‘yon? Birthday niyo na next week. Hindi pwedeng wala ang maganda niyong anak sa araw na ‘yon.”

Humalakhak si Daddy. Bakas sa mukha niya ang tuwa nang makita ako. Kahit wala ako dito sa Pilipinas ng limang taon ay mas naging malapit naman kami ni Daddy sa isa’t-isa. Palagi niya kaming binibisita sa London. Minsan ay kasama si Kuya Diego, minsan naman ay mag isa lang siya. Never nagpakita si Mommy Sonya sa akin sa London. Iyon pa lang ay isa ng batayan na hindi niya ako pinapahalagahan. Na hindi niya ako tunay na anak. Alam ko na ang tungkol sa pagkatao ko. Pero hindi alam ni Daddy na alam kong si Lily Lim ang tunay kong ina.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon