Kabanata 20

191 1 0
                                    

“Hindi na dapat kailangan ng DNA test. Sigurado na ako...” ani Jonathan pagkatapos humiwalay ng yakap sa akin. “But Sonya needs it.”

Tumango tango ako habang pinupunasan ang mga luhang kumalat sa aking pisngi.

“Ayos lang po sa akin... Maaari na po ba kitang tawaging tatay? O papa?”

“Anything you want sweetie.” 

“Daddy, Kelsi,” Diego chuckles.

Ilang sandali siyang nakatitig sa akin bago siya yumuko at agad na itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod niya.

Nanlaki agad ang aking mga mata nang napansin ang panginginig ng kanyang balikat. 

“A-ayos lang po ba kayo?” 

“Pasensya na anak. Hindi lang talaga ako makapaniwalang buhay ka...” Nanginginig ang kanyang boses at klarong klaro ang kanyang pag iyak. “Napakasakit para sa akin noong mga panahong ibinalita sa amin ang pagkamatay mo. Para na rin akong namatay.”

“Nandito na po ako.”

Tumango tango siya. Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap.

Nangangapa man ako sa mga sandaling ito at hindi alam kung paano silang pakisamahan gayong kakakilala ko pa lang sa kanila ay at least may matatawag na akong totoo kong pamilya.

“Kailangan nating ipagdiwang ang pagbabalik mo, anak. Everyone in the world have to see you. My only daughter, my heiress,” aniya at saka nilingon si Diego. “Tawagan mo si Jet at sabihin mong magpapa-party tayo.”

“Teka po. Hindi pa po ako nakakapag-DNA test,” apela ko agad.

“Sigurado na akong ikaw ang anak ko. Gagawin lang natin ang DNA test para kay Sonya. Dahil hindi pa rin siya naniniwala.”

“Ser, nakahanda na po ang meryenda.” May isang may katandaan ng maid ang lumapit sa amin kaya kami napatingin sa kanya.

“Ano pong niluto niyo ngayon, manang?” tanong ni Diego.

“Banana cake po.”

Nanlaki ang mga mata ko. Favorite ko 'yan. Lagi ko 'yang inaabangan sa bakery noon sa Davao. Iniipon ko ang baon ko para makabili ako ng isang slice ng banana cake.

“Ayon! Let's go, Kelsi!” Hinawakan ni Diego ang braso ko at saka niya ako hinila patungo sa kusina. Nagpatianod na lamang ako.

Sa counter top ay naroroon ang banana cake. Kinuha agad 'yon ni Diego at saka siya bumalik sa sala. Inilapag niya 'yon sa coffee table. Dumating din naman ang dalawa pang kasambahay na may bitbit na mga kubyertos.

“Manang, hot choco po ang amin ni Kelsi,” bakas ang excitement sa boses ni Diego nang iutos niya ito. “Halika na, Kelsi!” tawag niya sa akin.

Naupo si Jonathan o daddy na dapat pala ang tawag ko, sa isang upuan. Kinuha niya agad ang isang tasa ng kape at saka siya sumisim roon.

Naupo rin ako sa harap ni Diego.

“Kumuha ka na,” sabi ni Diego sa akin. Nagbaba agad ako ng tingin sa cake at agad na napakagat ng labi. Sa mukha pa lang nito ay takam na takam na ako.

Isang slice lang ang kinuha ko. Nakakahiya naman sa kanila kung dadamihan ko ang kuha. Baka sabihing patay gutom ako.

Sumubo agad ako at agad akong napapikit nang nanuot ang lasa niyon. Sobrang sarap!

“Kuha ka pa,” ani Diego.

“Mm...” Tumango ako at saka muling kumuha ng isa pang slice. Paulit ulit ko 'yong ginawa hanggang sa napansin ko na lang na dalawang slice na lang pala ang natira. At si Diego at Daddy Jonathan ay umiinom lang sa mga tasa nila habang nakatingin sa akin.

Nakagat ko ang labi ko at dahan-dahan kong inilapag ang plato at tinidor na hawak ko.

“Oh! Busog ka na?” si daddy.

Napakamot ako sa ulo ko. “Pasensya na po. Hindi ko napigilan,” paghingi ko ng paumanhin.

Biglang humalakhak si Diego na siyang ikinagulat ko. Iniisip ba niyang patay gutom ako?

“She really is Kelsi, dad! Paboritong paborito niya talaga ang banana cake ni Manang Lola.”

Natatawa na rin si Daddy habang nakatingin sa akin. Nang lingunin ko ang katulong na nakatayo sa gilid ni daddy na siyang nagluto ng banana cake ay nakita kong nakangiti na ito sa akin.

Natigil lamang sa pagtawa si Diego nang biglang nakarinig ng tunog ng mga yapak na nanggagaling sa itaas.

“I already prepared your old room. Pwede ka ng matulog roon mamaya.”

“Sonya...” malumanay ang boses na sabi ni daddy kay Sonya. Or should I call her mommy na ba?

“Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Kelsi, Mahal. Kaya kung naniniwala ka ng siya si Kelsi kahit pa walang DNA test ay sasang-ayon na rin ako sa iyo. Dahil sa ating lahat ikaw naman talaga ang mas nakakakilala sa kanya.”

Tumayo si daddy at saka lumapit kay Mommy Sonya. Niyakap niya ito.

“Thank you so much.”

“You can also call me mommy from now on, Kelsi. Welcome home, anak,” sabi niya nang nakangiti sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Humiwalay siya kay daddy at saka ako naman ang niyakap niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

“You need a makeover, anak,” aniya saka humiwalay sa akin.

“Po? A makeover?”

Tumango si mommy. “Yeah. Because you look plain,” sabi pa niya na agad pinagtawanan ni Diego.

“Mom, she's always like that... Even before.”

“Yes. I know. Mukhang nagsisimula na akong maniwala na siya nga si Kelsi. Sobrang magkapareho sila. They have no taste when it comes to fashion. Ang mga kaedaran niya noon ay mahilig sa dress pero siya mas gustong suotin ang tshirt mo,” sabi ni Mommy Sonya na agad tinugunan ni Diego at Daddy Jonathan ng halakhak.

“I think my problem got back also,” dagdag pa ni Mommy Sonya na mas lalong ikinatawa ng lahat.

Hindi ko akalaing ganoon na pala talaga ako kahit noon. Alala ko ay iba ang naging ibang tao ako dahil na rin iba ang kinalakihan kong pamumuhay. Pero ganoon pala talaga ako. Mahilig sa tshirt, loose pants at rubber shoes.

Pero mas naging madali para sa kanila na tanggapin ako dahil doon. Unti-unti kong napapatunayan na ako nga si Kelsi. Kapatid ni Diego at anak nina Sonya at Jonathan.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon