Kabanata 32

163 1 0
                                    

“Ano bang iniisip mo?” Nahinto ako sa ginagawang paghigop ng sabaw nang itanong 'yon ni Aldrin. Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad na napalunok.

Wala naman kasi talaga akong iniisip. Kaya ngayon ay hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Ang totoo ay nais ko lang naman siyang ma-solo at makasabay mag lunch.

“Hey!” May humawak sa magkabilang balikat ko kaya agad akong napalingon sa aking likuran. Only to see Ulan smiling widely.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil niligtas niya ako mula sa tanong ni Aldrin o maiinis dahil nandito na naman siya upang manggulo.

“Bakit ka nandito?” kunot noong tanong ko.

Agad na tumaas ang dalawang kilay ni Ulan at umawang ang kanyang labi. Mangha niyang pinasadahan ng tingin ang buo kong mukha.

“Why... Future wife, nandito ako upang sabayan kang kumain.”

Agad kong nahugot ang sarili kong hininga.

Future wife?

Imbis na patulan pa siya'y nilingon ko na lamang si Aldrin. Bagama't nakayuko at kumakain ay abot pa rin ng tingin ko ang bawat pagkunot ng kanyang noo at ang pag igting ng kanyang panga.

Ibinalik ko ang paningin ko kay Ulan at eksaktong nakatingin pa rin siya sa akin. Isinenyas ko sa kanya si Aldrin na agad naman niyang nakuha. Mabuti na lang.

“Ah! Good noon pala, Sir.”

Sandaling nag angat ng tingin si Aldrin kay Ulan at tumango bago agad na nagbalik ng tingin sa kanyang kinakain.

Hindi ko na rin pinansin pa si Ulan at nagpatuloy na ako sa pagkain ko.

Tahimik kaming kumain at tanging pagkalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig ko.

Naiangat ko ang paningin ko ng ilang sandali lang ay tumayo si Aldrin.

“Tapos na akong kumain. Mauna na ako,” aniya nang hindi na hinintay pa ang magiging tugon namin. Nag dire-diretso agad siya sa pag alis.

“Future wife...”

Pumikit agad ako ng mariin. Bakit ba tinatawag niya akong future wife? E, hindi naman namin itutuloy ang kasal. Wala akong plano!

“Ano ba, Ulan! Tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng future wife. Hindi ako natutuwa!”

Ipinakita ko sa kanya ang nakabusangot kong mukha. Nais kong ipakita sa kanyang hindi talaga ako natutuwa at naiinis ako. At nagtagumpay naman ako nang nakita ko ang pagpang-abot ng dalawa niyang kilay.

“Noong sinusuway kita ukol sa pagtawag mo sa akin ng Ulan... Hindi ka rin nagpaawat 'di ba?”

Oh no!

“So, Kelsi... Bear with it. I'll be calling you future wife from now on. Whether you like it or I know you like it,” sabay kindat niya pa.

Laglag panga ko siyang pinagmasdan.

“And oh! You don't need to feel uncomfortable since totoo naman 'yon. Takasan mo man o hindi, sa akin pa rin ang bagsak mo. You'll end up marrying me bacause I will make sure of that.”

Napairap ako sa ere bago marahas na napabuga ng hangin.

“Hindi ba ay napag usapan na natin 'to?” mariin ngunit mahinang bulyaw ko sa kanya.

Napataas muli ang kanyang kilay bago ito dahan-dahang nagpang-abot.

“What?” pagmamaang-maangan niya.

“Napag usapan na natin ito, Ulan! Hindi natin itutuloy ang kasal!”

Napahilamos sa mukha niya si Ulan. “Well, I have changed my mind.”

Nagkibit-balikat siya. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa suot niyang pantalon saka ito ipinakita sa akin sandali bago nagtipa roon.

Napatitig ako sa kanya. Sa kung paanong siyang kunot-noong tumitig sa cellphone niya. Kung paano niyang dilaan ang pang ibaba niyang labi. Sa kung paano niyang ibaling ang singkit niyang mga mata sa akin. At sa kung paano niya akong titigan na tila kinakabisa niya ang bawat parte ng mukha ko. Lahat ng 'yon, natitigan ko.

“You'll free to stare... Because it is all yours now,” nakangiting aniya.

Agad kong naibaling ang tingin sa kahit saan, makaiwas lang sa tingin niya.

Tumikhim ako. “Tiningnan lang kita. Hindi kita tinititigan. Magkaiba ang dalawang 'yon. Huwag kang assuming!”

Humalakhak siya na ikinalingon ko. Maging ang paningin ng mga estudyanteng kumakain ngayon dito ay ramdam ko.

Itinagilid ko ang mukha ko upang sekretong sulyapan ang mga kaibigan kong nasa kabilang lamesa. Nakataas ang mga kilay nito habang laglag pangang nakatingin kay Ulan. Sigurado akong namamangha ang mga ito dahil tumatawa ngayon ang tinaguriang one man one word nila.

Nang lingunin ko si Ulan ay halos hindi na maipinta ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa pagkakabusangot. Tumigil siya sa pagtawa. Pilit niyang pinagmumukhang seryoso ang kanyang mukha pero hindi siya nagtagumpay at bahagya pa ring nakasilay ang ngiti sa kanyang labi.

“What?” he mouthed.

Gamit ang ngisi ay isinenyas ko sa kanya ang mga estudyanteng nakatingin. Umayos pa muna siya ng upo bago niya sinulyapan ang mga ito.

“Hayaan mo sila!” aniya nang nagbalik  ng tingin sa akin.

“Anyway, take a look at this...” Inabot niya sa akin ang cellphone niya.

Agad na nalaglag ang panga ko. Oh god!

“Iyan ang last will and testament ni Lolo bago siya pumanaw... Hindi ko matatanggap ang mana ko hangga't hindi tayo nagpapakasal.”

Talaga namang nanlaki ang mga mata ko. Nagpalipat-lipat ang paningin ko kay Ulan at sa cellphone kung saan makikita ang litratong kuha ang last will ang testament ng lolo niya.

“Filing for divorce or annulment after the wedding is highly prohibited. What?”

“We have to make this marriage work, Kelsi. Wala tayong ibang choice. You have to fall in love with me.”

“What? No!”

Isang ngisi ang iginawad niya sa akin bago sinwipe ang screen ng kanyang cellphone. Tumambad agad sa akin ang last will ni Joseph Guttierez.

“Gano'n din sa iyo, future wife.”

Nanlumo ako. Bakit kailangan kong magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal? Para saan? Para sa mana?

“Wala akong pakialam sa pera, Ulan o sa kung anumang ipamamana sa akin ng namayapa kong lolo,” sabay abot ko sa kanya ng cellphone niya.

Binasa niya ang kanyang labi habang kunot noo niya akong tinititigan.

“You're kidding,” pilit ang ngiting kumawala sa kanyang labi.

“No. I am not,” seryoso kong tugon.

Ganoon na lamang ang pag awang ng labi ko nang naramdaman ang malaki pero makinis na palad ni Ulan sa kanang pisngi ko. Marahan niya 'yong hinahaplos sa paraang magaan lang sa pakiramdam ko.

“You're marrying me...” aniya. Namamaos ang kanyang boses na sa pandinig ko'y nagmistula 'yong bulong.

Napalunok ako. Gusto kong mag protesta pero gano'n na lamang ang paninitig niya sa akin. Nalulunod ako sa singkit at malalalim niyang mga mata.

“U-ulan...” I stuttered.

“You'll end up marrying me and we will be happy together. Got that?”

Hindi ako nakasagot. Ginawaran niya ako ng isang mabilis na halik sa aking pisngi bago siya umalis na siyang nagpatuod lalo sa akin sa aking kinauupuan.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon