Kabanata 61

165 2 0
                                    


Malakas ang naging kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa lakas niyon.

Nang humiwalay ako kay Ulan ay agad akong nag iwas ng tingin sa kan'ya. Hindi ito ang unang pagkakataong nagdikit ang aming mga labi. Pero hindi ko maintindihan. Ang init-init ng pisngi ko. Parang biglang uminit ang buong paligid ko gayong malakas naman ang aircon.

Napabuga ako ng hangin bago ko muling nilingon si Ulan. At gusto ko na lang siyang sapakin bigla. Nakapikit na siya na parang walang nangyari.

"Ulan," tawag ko sa kan'ya pero hindi siya nagmulat ng mata. Ni gumalaw ay hindi niya ginawa.

"U-uuwi na a-ako," sabi ko at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.

Napahinto ako sa labas ng kwarto niya at agad na napasandal doon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Oh, Kelsi! Nandito ka pa pala? Gabing-gabi na, hija." Napatingin ako kay Tita. May dala siyang isang tray ng pagkain.

"Good evening po, Tita."

"Tinawagan ako ng katulong at sinabing may lagnat daw si Rain?"

"Opo. Pero bumaba na po ang lagnat niya ngayon."

Lumamlam ang mga mata ni Tita Karen habang nakatingin sa akin. "Thank you, Kelsi. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko malalamang nagkasakit siya."

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang po, Tita. Uuwi na po ako. Gabi na po kasi at saka baka hinahanap na po ako sa amin."

"Maraming salamat talaga, hija."

Tumango ako. Hinintay ko pa munang makapasok si Tita sa kwarto ni Ulan bago ako tuluyang lumayas sa bahay nila.

And as usual, wala na namang sumalubong sa akin nang umuwi ako. Nami-miss ko na 'yong dati kong buhay. Iyong kahit hindi mayaman ay masaya naman. Na sa tuwing matatagalan ako sa pag uwi ay mag aalala sa akin si Lola at Lolo. At sa tuwing uuwi naman ako galing sa paaralan ay naroroon sila upang salubungin ako.

Nag diretso ako sa kwarto. Naligo pa muna ako bago ako nag desisyong magpahinga. Pero hindi ako makatulog. Pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang halikang nangyari sa amin ni Ulan kanina. Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa kisame.

"Bakit ganito na ang nararamdaman ko? Nagugustuhan ko na ba siya?"

Naglipat ako ng tingin sa bedside table ko nang marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kakabili lang ni Kuya Diego nito kanina kaya nakakapagtakang may tumatawag sa akin ngayon.

Tinitigan ko pa muna ang screen bago ko iyon kabadong sinagot. Baka prank call 'to.

"Hello?" sabi ko.

Wala akong narinig na kung ano mula sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hello? Sino 'to?"

"Kelsi..."

Napabangon ako. Paano niya nalaman ang numero ko?

"I'm outside. please kausapin mo 'ko."

Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko na siyang pinatayan ng tawag. Tapos na kaming mag usap. Bakit ayaw niya pa rin akong tigilan? Napapagod na ako sa kakapigil sa puso ko. Sana ay tigilan niya na ako dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag kinulit niya pa ako. Ayoko ng mahulog muli sa bitag niya.

Nag vibrate muli ang cellphone ko kaya napatingin ako roon. Parehong numero lang kanina.

"Please tigilan mo na ako, Aldrin."

"Sinubukan ko, Kelsi. Pero hindi ko magawa. Mahal na mahal kita."

"Hindi kita mahal." Pumiyok ang boses ko. At bago pa man niya marinig ang paghikbi ko'y pinatayan ko na siya ng cellphone.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon