Wakas | The last chapter

457 3 0
                                    

KELSI GUTTIEREZ

Paano nga ba natin nasasabing sapat na ang mga napagdaanan natin para humantong tayo sa kasalan. Tama na ba ang ilang taong pagsasama at magkasamang pagsuong sa mga problema para masabi niyong kayo na talaga?

I looked at the white roses that was scattered on the black aisle, lahat ng tao nakasuot ng itim. Sabi nila malas raw ang kulay na ito lalo na sa mga kasal. Pero hindi ako naniniwala sa malas. Dahil naniniwala akong tayo-tayo lang din ang gumagawa ng malas at swerte natin sa buhay. Sa totoo lang... ang kasal na ito ang isa sa pinakaeleganteng kasal na nasaksihan ko.

I am watching him smiling at me, while I was gracefully walking down the aisle. Siya lang ang nakikita ko kahit pa napakarami at punong-puno ng tao ang St. Lukes Cathedral. Napabuga ako ng hangin bago ako gumanti ng matamis na ngiti sa kan'ya.

"Aldrin..."

With his black tuxedo and his well-combed hair. He looks so neat. Katulad na katulad sa Aldrin na nakilala ko noon. Malinis kung titingnan. Lalo pa sa tuwing nakikita ko ang puting panyo na sa kahit saan siya magpunta ay lagi niyang dala. Naalala ko tuloy ang unang pagkakataong pinahiram niya sa akin ang isa sa mga 'yon. It was clean at sobrang bango. Amoy na hanggang ngayon ay naaamoy ko pa rin sa kanya.

Naputol ang pagtititigan namin nang lumiko ako papunta sa upuang para sa akin. Paminsan-minsan akong nagnanakaw ng tingin sa kan'ya at hindi ko maiwasang ngumiti ng pagkatamis-tamis sa tuwing kinikindatan niya ako.

Naging maingay ang katahimikan kasabay nang pag iwas namin ni Aldrin ng tingin sa isa’t-isa. Nagsimulang tumugtog ang isang malumanay na awitin na hindi pamilyar sa akin. Kasabay niyon ang pagbukas ng napakalaking pintuan ng simbahan at ang pagpasok ni Chubby.

Suot niya’y puting-puti na gown. Bagaman nakangiti ay hindi ko maikakailang may bakas ng lungkot sa kan’yang mga mata. Hindi ko maintindihan. Naglipat ako ng tingin sa groom at nahuli ang pagtingin nito sa katabi kong si Curly. Nang marahil ay naramdaman niya ang paningin ko sa kan’ya ay agad siyang naglipat ng tingin kay Chubby. Nagtataka man ay ipinagkibit-balikat ko ‘yon.

Agad na nagtaas ng dalawang kilay si Aldrin sa akin nang muli akong nagbalik ng tingin sa kan’ya. Nagtatanong ang kan’yang mga mata pero matamis na ngiti lang ulit ang naging tugon ko sa kan’ya.

“Hindi ko akalaing naunahan pa tayo ng kaibigan mo,” ani Aldrin habang pinapanood namin sina Chubby at ang napangasawa nito na nagsasayaw sa harap.

Humalakhak ako. “Ano ka ba! Hindi naman tayo nagmamadali, e.”

“Anong hindi nagmamadali? Nagmamadali ako, Kelsi!”

Napasinghap ako. Sa totoo lang ay wala pa talaga sa isip ko ang kasal-kasal na ‘yan. Pero sa nakikita ko ngayon sa mukha ni Aldrin ay halata ngang gusto na niyang magpakasal.

“Bakit ka nagmamadali?”

Ibinaba niya ang hawak niyang cocktail glass saka marahang umabante palapit sa akin. He pinched my nose.

“You already know the answer.”

“I didn’t know!” I protested.

Naningkit ang kan’yang mga mata habang nakatingin sa akin. Bumaba ang mga titig ko sa mapupula niyang labi at nakita ko kung paano niya ‘yon binasa. Magsasalita na dapat siya, ngunit hindi natuloy dulot nang pagdating ni Chubby.

“Thank you for coming, guys."

Matamis ang naging pag ngiti ko sa kan'ya kahit pa agad na naglakbay ang paningin ko sa kan'yang likuran. Wala roon ang kan'yang groom. Mag isa siyang lumapit sa amin.

"Maraming salamat din sa pag imbita, Chubby," nakangiti namang tugon ni Aldrin.

"Congratulations, Chubby!" saad ko.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon