Kabanata 66

206 3 0
                                    

FLORENCE MORENO POINT OF VIEW

--
Bahagya kong naikunot ang noo ko nang nakuha ng isang babae mula sa malayo ang atensyon ko. Nakaupo siya sa field at nagpapasilong sa malaking puno habang kumakain ng junk foods kasama ang mga kaibigan niya.

Palabas na ako ng Architecture Department building at papunta na sana sa Basketball Court upang puntahan ang kaibigan kong si Diego. Pero nahinto ako sa paglalakad nang nakita ko siya. She's wearing sneakers, short shorts and a white shirt with her red hair on a messy bun.

She's simple. But she still got my attention. She looks familiar.

"Rain!"

Nilingon ko si Sidney sa harapan ko and saw how beautiful she is compared to the girl I am looking at earlier. I smiled. Nothing beats my Queen.

She automatically clung onto my arms while wildly smiling at me. "Date? I found a perfect place, Rain. Nakita ko sa facebook account ko kanina."

Tinitigan ko siya. I pinched her nose before I shook my head. I still have some errands to do.

"Why?"

"May gagawin pa ako, Sid."

Umismid siya. "Ba yan! Lagi ka na lang busy. Pareho lang kayo no'ng ex ko."

Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa kan'ya. Hayan na naman ulit siya. Lagi talaga siyang nakakahanap ng way para maisingit ang ex niyang ayaw naman niyang sabihin sa akin kung sino.

"Sige na, I'll go alone na lang."

At bago pa man ako makapagdesisyon kung sasamahan ko ba siya o hindi, ay nakalayo na siya sa akin.

Another day passed and I saw her again on the garden with her friends. Nagkukumpulan sa harap ng laptop habang nanonood ng porn. I can't believe it!

Hindi ko siya matingnan sa mukha habang inaabot ko sa kan'ya ang detention slip.

I don't know what's happening but I kept seeing this girl at hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing nakikita ko siya sa school.

Pero lahat ng ngiti kong 'yon. Naglaho na lang bigla nang nalaman kong she's a Guttierez. And the little girl from my past. The little girl who begged for our grandfathers to let us marry each other when we reach the legal age.

"But I have a girlfriend, Mom."

"But she's a Lim. Simula pa lang ayoko na sa kan'ya. Kalaban ng mga Guttierez ang pamilya ng babaeng nagugustuhan mo. And for the record, Kelsi Guttierez was the girl your grandfather wants for you, Hijo. Hindi mo naman siguro idi-disappoint ang lolo mong namayapa na hindi ba?"

I had no choice but to break up with Sidney Lim. I loved her. I really do. But I can't just break those promises I made to my Lolo before he passed away.

Inisip ko na lang. I will just go with the flow and made that Kelsi Guttierez regret for making us into this kind of situation.

Pero imbis na pahirapan ang Kelsi na 'yon. Ay ako pa ngayon ang nahihirapan dahil sa sitwasyon. She's in love with someone else. And she made me realize that the girl I knew before was never the girl today. She had no feelings for me anymore. And sometimes I prayed na sana nanatili na lang 'yong nararamdaman niya sa akin noon magpahanggang ngayon.

Nakita ko silang naghalikan sa loob ng sasakyan ng Mr. Torres na 'yon. Kahit pa gusto ko siyang kaladkarin palabas ay hindi ko pwedeng gawin. I might put her on harm if I do that. I've no choice but to keep my cool while looking at them.

Nakita ko siyang nakangiting lumabas ng sasakyan at naglakad papasok ng village nila. Halatang kilig na kilig.

"Ang saya mo, ah!" I said.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon