Kabanata 35

151 1 0
                                    

“O-oo naman.”

“And one more thing... Stay away from Florence because he's mine,” sabi niya bago ako nilagpasan at naunang lumabas ng CR.

What? But he's my fiance!

Nais ko pa sana siyang habulin at sabihing hindi naman niya pagmamay-ari si Ulan. Pero para saan pa? Para ko lang ding ipinakita sa kanya na nakikipag-agawan ako kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.

Ang tagpo naming iyon ni Sidney ay hindi na nawala pa sa isip ko. Lumipas na ang ilang araw pero iyon pa rin ang nasa isip ko. Nakokonsensya ako. Para bang may nagsasabi sa akin na sabihin ko ang katotohanan at isiwalat ang sekreto ni Tanya Lim. Pero sa tuwing naiisip ko ang sinabi sa akin ni Sidney ay napapaisip ako kung anong karapatan kong makialam sa problema ng pamilya nila.

“Miss Guttierez!”

Agad akong napatayo matapos marinig ang apelyido kong isinigaw na naman ng professor na nasa harap. Nanlalaki ang mga mata at habol ko ang aking hininga dulot ng kaba habang sinasalubong ang seryosong mga mata ni Aldrin.

“Kanina pa kitang tinatawag. What is wrong with you?!”

“S-sorry po... May iniisip lang po.”

Napabuntonghininga siya.

“Whatever it is, set aside it. Nasa loob ka ng klase ko. Mag focus ka!”

“O-opo.”

Muli akong bumalik sa upuan.

“Ayos ka lang?” agad na bulong ni Chel na nginitian ko naman at agad na tinanguan bilang tugon.

Napabuga ako ng hangin. Binabagabag talaga ako ng konsensya ko. Hindi ako mapakali. Tama pa kaya itong ginagawa kong pananahimik?”

“What's bothering you?” Napatalon ako sa gulat nang bigla ay may tumabi sa akin sa kinauupuan kong bench dito sa field.

“Sir...”

“Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Ni hindi mo nga narinig ang pagtawag ko sa 'yo para sa recitation.”

Bahagya kong naikunot ang noo ko. Panay ba ang pagnanakaw niya ng tingin sa akin para masabi niyang napapansin niya? Hindi kaya gusto na rin niya ako?

“Ano na namang tinitingin-tingin mo?”

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

“Tinititigan mo ba ako habang nagka-klase ka, Sir? Gusto mo na ako no?” biro ko pa. But it's half meant.

Kumunot naman agad ang kanyang noo bilang depensa. “Paano mo naman naiisip ang mga bagay na 'yan, Ms. Guttierez? Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa dorm mo dahil maggagabi na.”

Inilipat ko ang paningin sa kalangitan. Palubog na nga ang araw at ang ganda-ganda na niyang pagmasdan.

May mga ganito pala no? Iyong kahit palubog na, maganda pa rin panoorin.

“Mauna na po kayo. Dito lang po muna ako. Gusto kong panoorin 'yong paglubog ng araw.”

Wala akong natanggap na tugon mula kay Aldrin kaya nilingon ko siya. Napangiti na lamang ako matapos kong makitang nakangiti na siya habang pinapanood ang sunset.

Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Nang tuluyan itong mawala ay doon pa lamang kami nagdesisyong bumalik na sa kani-kanya naming dorm.

“Uhh... Sir,” tawag ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik ng dormitory.

“Mm?”

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nag angat ng paningin sa kanya.

“Nagmahal na po kayo?”

Wala man siyang kinakain pero nasamid siya. Natawa ako. “Pasensya na po. Na-curious lang.”

“Bakit ka naman nagtatanong ng ganyan? Nagmamahal ka na?” natatawa niyang tanong pabalik.

Napakagat ako sa labi ko.

Kung matatawag na pagmamahal itong nararamdaman ko para sa 'yo... Siguro oo. Nagmamahal na nga ako.

Nahinto siya sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa ko.

“Si Mr. Moreno ba?” seryosong tanong niya.

Mabilis akong umiling pero hindi niya 'yon nakita. Dahil ang paningin niya'y naroroon na sa buwan na ngayo'y unti-unti nang nagpapakita.

“Sabagay mabuti 'yan. Para kapag ikinasal na kayo ay wala ka ng poproblemahin.”

Bigla ay parang nawalan ako ng ganang tumugon sa mga sinabi niya. Sa isiping si Ulan ang mahal ko ay ramdam ko ang agad na pagtutol ng puso ko. Kahit na gustuhin siya'y hindi ko magawa. Mahalin pa kaya?

Nang nagsimulang maglakad si Aldrin ay sumabay ulit ako. Ang paningin ko'y nasa buwan kaya hindi ko nakikita ang nilalakaran ko. Nagulat na lamang ako nang bigla ay hinila ako ni Aldrin. Bumangga ako sa dibdib niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kanyang dibdib. Ganoon din kalakas ang sa kanya na tila may nagkakarerang mga kabayo sa loob.

“S-sir...” saad ko nang hindi man lang magawang mag angat ng tingin sa kanya.

“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Kamuntikan ka tuloy mabangga sa malaking bato,” aniya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso saka niya ako dahan-dahang hiniwalay mula sa pagkakadikit ko sa kanya.

“M-maraming salamat, Sir.”

“Be careful.”

“Kelsi!”

Halos magkasabay lamang kaming napalingon ni Aldrin sa paparating na si Ulan. Napahawak siya sa bewang niya at marahas na bumuga ng hangin.

“Kanina pa kita hinahanap,” aniya saka mabilis na lumapit sa aming dalawa ni Aldrin. Hinawakan niya agad ako sa palapulsuhan saka marahas na hinila palayo kay Aldrin.

“Dahan-dahanin mo naman ang paghila sa kanya,” hindi napigilang sambit ni Aldrin.

Nilingon ko siya kaya agad na nagpang-abot ang aming mga mata. Saka siya unti-unting ngumiti.

“Mauna na ako,” pagpapaalam niya.

Iyon na 'yon? Bakit kasi e-ekse-eksena pa itong si Ulan e? Hindi ko tuloy nalaman ang sagot ni Aldrin doon sa tanong ko na kung nagmahal na ba siya. Curious na curious pa naman ako.

Sinundan namin ng tingin si Aldrin habang papalayo ito sa amin.

“So... Did he confessed already?” bigla ay tanong ni Ulan na nagpagulat sa akin.

Namilog ang mga mata ko at napalingon ako sa kanya.

“Nahihibang ka na ba? Bakit mo naman nagawang itanong 'yan? Nakikilala mo ba 'yon? Si Sir Aldrin 'yon! Professor natin! Anong confess confess sinasabi mo d'yan?”

“Why can't you just answer me?”

“Tss. Teka nga! Bakit mo naman ako hinahanap?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hindi niya rin ako pinansin. Nanatili siyang kunot noong nakatingin kay Aldrin na ngayo'y sobrang layo na mula sa amin.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Kelsi. Nagtapat sa iyo 'yong propesor na 'yon?” aniya sabay lingon sa akin.

Anong problema niya? Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa mga tanong na nagagawa niya.

Sarkastiko akong napabuga ng hangin. “Ha! Kung ganoon nga, e ano naman?”

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon