Kabanata 12

193 2 0
                                    

Sa nanlilisik na mga mata ay agad kong nilingon si Chel. Malandi na ba ako agad no'n?

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Chel nang bigla kong naalala na may uusisain pala ako tungkol sa kanya at kay Tairon. Nakabuka na ang bibig ko upang sana ay isaboses ang mga salitang nasa utak ko nang biglang bumukas ang elevator.

A man with his formal black shirt, pants, and shoes looked coldly at us as we enter the elevator.

Agad na nanuot sa aking ilong ang mabango niyang amoy. Nakasandal siya sa dulo ng elevator. At dahil ayaw ko iyong feeling na may tao sa likod ko at lantaran akong nakikita ay pinilit kong tumabi sa kanya. At tumabi naman sa amin si Chel. Para kaming sardinas na nagsisiksikan sa hulihang bahagi ng elevator.

Napatingin ako sa lalaki. Hindi kakikitaan ng emosyon ang mukha niya. Pero ang kanyang mga mata...

“Staring is rude...” Nilingon niya ako. Napatalon agad ako sa gulat at agad na nagbaling ng tingin sa harapan. “Stop it,” dagdag niya pa.

Siya 'yong pakialamerong lalaki kahapon na nagsumbong kay Aldrin kaya kami na-detention. Ohh! I can't forget that face!

Nang tumunog ang elevator at bumukas ito ay nauna agad sa paglabas ang lalaki— Nakalimutan ko na kung anong pangalan niya.

“Ikaw, Kelsi ah! May Aldrin ka na, patingin-tingin ka pa kay Rain!” panunukso pa ni Chel habang naglalakad kami sa table kung nasaan ang magkapatid.

Agad ko siyang binatukan!

“Aray!” reklamo niya.

“Gaga! Stick to one ako!” sabi ko saka nagmamadali ng tumakbo papunta sa table.

“Oh! May marathon ba? Bakit tumatakbo ka?” tanong ni Chubby.

“Morning exercise,” tugon ko sabay upo.

“Ako na ang kukuha ng pagkain natin, Miss stick to one,” may pagtataray sa boses na sabi ni Chel.

“Ano raw? Ikaw ba iyong tinutukoy ni Rachel na stick to one?” tanong naman ni Curly.

“Huwag niyo na lang pansinin,” sabi ko.

Pagkatapos mag breakfast ay agad na kaming pumasok sa klase namin. Kasunod lang namin si Miss Albarro at agad siyang nagsalita patungkol sa history ng Dewford Academy. Pati na rin sa mission, vision, at goal ng paaralang ito. Ewan ko kung part ba ito ng subject na Euthenics o sadyang makwento lang itong si Miss Albarro.

Sa kalagitnaan ng diskusyon ay napatingin kaming lahat sa labas nang may mga estudyanteng dumaan at sobrang ingay.

“Wala na ba kayong pasok?” si Miss Albarro na ngayon ay nakalabas na at hinarap ang mga estudyante. “Ang iingay ninyo! Nakita niyo namang may nagkaklase pa!” dagdag pa niya.

“Sorry po, Miss.”

“Oh my! Si Diego,” kinikilig na bulong ni Chel.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatayo.

“Sorry sorry. Sa susunod ah? Huwag kayong maingay kapag dumadaan!”

“Opo. Pasensya na po talaga,” sabi pa ni Diego at saka sila umalis.

Pagkabalik ni Miss Albarro sa loob ng classroom ay lumipad agad sa akin ang mga mata niya.

“Bakit ka nakatayo? Hindi pa naman ako nagpapa-oral recitation,” kunot noo niyang tanong sa akin.

“U-uhh... M-miss, may I go out? I think I am needed by the nature.” Jusko! Wala na akong ibang maisip na palusot!

Mas lalong nangunot ang noo niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang naging tugon ko.

“Anong needed by the nature ang sinasabi mo dyaan? Ayusin mo iyang mga pinagsasasabi mo, hija. Hindi porket matanda na ako ay pwede mo na akong ganyanin. Huwag mo akong pinaglololoko!”

Naku! Mukhang hindi yata alam ni Miss Albarro kung ano ang ibig sabihin ng nature's call.

“Uh... N-natatae po ako, Miss.” Natawa agad ang mga kaklase ko. Nagitla naman si Miss Albarro.

“Y-yes. You may go out. Now!” agaran niyang pagpapaalis sa akin. Kulang na lang ay itulak niya ako para makalabas ako agad.

Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mata ko si Diego Guttierez. Hindi pa naman ganoon katagal mula noong umalis sila pero agad na silang nawala. Sinundan ko na lang ang direksyon kung saan sila patungo kanina.

“Diego!” sigaw ko nang naabutan ko na sila sa field.

Mag mga estudyanteng naglalakad ang agad na huminto at nilingon ako. Maging ang grupo ni Diego ay napalingon din sa akin.

Kunot noo akong tiningnan ni Diego at tinalikuran. Hinabol ko siya at agad na hinawakan sa braso dahilan para matigilan siya.

Napatingin agad siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

“S-sorry,” sabi ko at agad na inalis ang aking kamay.

“It's you again,” walang ganang sabi niya sabay pagpag sa braso niya na hinawakan ko kanina. Napatingin ako doon. Grabe naman! Hindi naman marumi ang kamay ko. Napakaarte naman!

“Diego, may dapat tayong pag usapan.”

“As far as I remember ay wala. I don't even know you. At hindi ako interesado sa iyo.”

Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala! How could he be this cold?

Napabuga ako ng hangin nang tinalikuran niya ako. Nagbabadyang iwan ako at mukhang wala ngang balak na pakinggan ako.

“I am Kelsi Guttierez!” I said making him immediately stop.

Hinawakan ko siya sa braso at buong pwersang hinarap sa akin. Nakita kong kunot noo siyang nakatulala sa ibaba. Para bang galit siya sa kung sino.

“Hindi ako sigurado pero baka magkapatid tayo.”

Marahas niyang iwinaksi ang kamay ko saka niya galit na sinalubong ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

“Hindi nakakatuwa ang biro mo.”

He tried to walk away again but I never gave him the chance. Tinakbo ang ilang metrong distansya namin mula sa isa't-isa.

Bagsak ang balikat at tila pagod niya akong sinulyapan. Marahas akong napabuga ng hangin saka ko ipinakita sa kanya ang suot kong kwintas.

Mabilis na namilog ang kanyang mga mata. I knew it! Hindi ako nagkamali.

“H-how d-did you get that?”

“Nagbabakasakali akong baka kilala mo ako. You are Diego Guttierez right? Anak ni Jonathan at Sonya Guttierez. Kapatid mo si Kelsi.”

Muli akong napabuga ng hangin nang naramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.

“A-ako si Kelsi Guttierez. A-ako ang kapatid mo.”

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon