Kabanata 31

166 1 0
                                    

Ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya saka ko kinuha ang PE uniform ko.

Maging sa pagbibihis ay hindi mawala-wala sa isip ko na nasa news na kami agad. Siguradong anytim ay puputok ang balita dito sa school.

Ang ikinakatakot ko ay ang mararamdaman ni Sidney kapag nalaman niya ang tungkol dito. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kami magkaibigan pero may kung ano sa aking gusto siyang protektahan. Ang wierd ko!

Wala na si Chel pagkalabas ko. Pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.

"MANG AAGAW KA TALAGA NO!" sigaw sa akin ni Sidney. May kasama siyang tatlong babae na ngayon ko lang nakita. Pinipigilan siya ng mga ito sa tuwing akma siyang susugod sa akin.

"Wala akong inaagaw sa 'yo!"

Sarkastiko siyang natawa. "Kababalita nga lang. Fiancé mo na ang boyfriend ko!"

"Sino bang boyfriend ang tinutukoy mo?"

Mas lalo pa siyang natawa.

"Maang-maangan ka talaga no? Tapos ang landi mo pa!" Dahan-dahan siyang pumalakpak habang umiiling din ng dahan dahan. "Ang galing!"

"Naghiwalay na nga kayo 'di ba?" tugon ko sa kanya saka siya nilagpasan.

“BITCH!” nanggigigil na sigaw niya.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. At nang tuluyang nakalayo ay saka lamang ako huminto at pumikot ng mariin. Naitukod ko ang kamay ko sa pinakamalapit na pader.

“Are you okay?”

Mabilis kong naibuka ang aking mga mata at napatingin sa gilid. Hindi ko namalayang sa isang pinto ay naroroon si Aldrin. Buong akala ko'y nasa field na siya kasama ang mga kaklase ko.

Pilit akong ngumiti sa kanya. “S-siyempre naman po.”

Pinagtaasan niya ako ng kilay. “But your says you're not.”

Natameme ako. Nawalan ng salita.

“Nasampal ka ng isang Sidney Lim,” natatawa niya pang sabi na siyang ipinagtaka ko. Anong nakakatawa do'n?

“Masakit nga po, e,” pagbibiro ko pa habang hinahaplos ang pisngi kong nasampal na naman ni Sidney. Nakakadalawa na siya ah!

“Bakit nga po pala nandito pa kayo? Nagsisimula na kaso may kulang kaya bumalik ako.”

Ako ba ang binalikan niya? Jusko! Nag assume na naman ako.

Tumango ako sa kanya. “Sige oo, Sir. Punta na po 'ko sa field.”

“Mm,” tango niya.

Nakayuko akong naglakad at nilagpasan siya. Nang nakarating sa field ay agad akong sinalubong ni Curly.

“Saan ka ba nanggaling? Nagkita ba kayo ni Sir? Hinanap ka no'n, e."

Mabilis na nangunot ang noo ko. Mukhang totoo nga yatang ako ang binalikan ni Aldrin. Jusko! Kinikilig na naman ako!

“Hoy!”

Kagat ko pa ang labi ko nang lingunin ko si Curly matapos niya akong sikuhin.

“Bakit?”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ngumingiti ka agad d'yan, friend. Baliw ka na?”

Imbis na patulan ay inirapan ko na lang siya't dumulog na lamang ako sa mga kaklase kong nagkukumpulan.

“Anong meron?” tranong ko.

“Trending ka, Guttierez!” natatawang tugon ng isa kong kaklase sabay pakita niya sa akin ng ipad niya kung saan naroroon ang news na naman tungkol sa amin ni Ulan.

“Ang yaman mo pala!” rinig kong komento naman ng isa pa.

“Arrange marriage kayo ni Rain? Paano na si Sidney kung gano'n?” Agad akong napalingon sa isa pa naming kaklase na tila nanlulumo pa matapos magbitaw ng komento.

“Edi, wala ng sila! May magagawa pa ba si Sidney?” singit naman ni Chubby.

“Tss! Kung totoong mahal ni Rain si Sidney ay ipaglalaban niya ang pagmamahalan nila at hindi siya papayag sa arrange marriage nila ni Kelsi!” singit din ng isa pa naming kaklase na feeling ko ay presidente ng fans club ng loveteam nina Ulan at Sidney dahil sa ka-bitter-an niya kung magsalita.

“What's with the commotion?” sabay sabay kaming nagsipaglingunan sa likuran ko matapos marinig ang boses ni Aldrin.

Wala ni isang sumagot kaya napabuga na lamang siya ng hangin.

“Let's start the game,” sabi niya at agad naman kaming nagsipagsunuran.

Napatitig ako sa kanya nang naupo siya sa bench at uminom ng tubig. Napalunok ako nang tila naging klaro sa paningin ko ang pag taas baba ng adams apple niya.

Napapikit ako ng mariin at agad na umiling-iling. Hindi maaring ma-inlove ako sa kanya. Ikakasal ako kay Ulan. Hindi na dapat ako magkagusto sa iba.

What? Sinasabi ko bang magpapakasal ako kay Ulan?

Hindi! Hindi ako pabor! Kailangang hindi matuloy ang kasal.

Hays! Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili ko. Masyado ng gulong-gulo ang utak ko.

“Guys, lipat kayo,” nagmamadaling utos ko sa mga kaibigan ko nang nakita ko si Aldrin.

Lunch break na at kasalukuyan kaming kumakain nang nakita ko si Aldrin na nag o-order ng pagkain.

Napahinto sa pagsubo si Chubby at halos magkasabay silang tatlo na napatingin sa akin.

“What the! Nandito na kami. Bakit palilipatin mo pa?!” naiinis na bulyaw sa akin ni Chubby na agad kong pinandilatan ng mga mata.

“Nandito si Aldrin.”

“E ano naman?” si Curly.

“Sige na guys. Lumipat na kayo,” pagtataboy kong muli sa kanila.

Pasiring pa nilang inalis ang mga paningin nila sa akin bago sila padabog na tumayo at lumipat sa kabilang lamesa.

Sakto namang tapos na sa pag o-order si Aldrin at nagpapalinga-linga na para maghanap ng lamesa. Nang naabot ako ng paningin niya ay agad ko siyang nginitian. Ngumiti din siya at saka naglakad na palapit sa akin na ngayo'y nag iisa na lamang sa lamesa ko.

“Bakit mag isa ka rito? Bakit nasa kabilang lamesa ang mga kaibigan mo?” tanong niya bago umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.

“Ah... Kasi may iniisip ako at ayaw kong magpaisturbo kaya nandito ako sa ibang lamesa.”

Umayos siya ng upo. Agad akong nagsisi sa naging palusot ko.

“Aalis na lamang ako kung ganoon,” aniya.

“Naku! Hindi na po kailangan,” agap ko na agad pang iwagayway ang dalawang kamay.

“Oh? Sure ka?”

“Opo. Ayos lang. Tapos na naman ako sa pag iiisip,” sabay ngiti ko.

Umangat ang isang gilid na labi niya habang nakakunot ng bahagya ang kanyang noo. Nakatingin siya sa akin at ilang sandali lang ay umiling.

“Ibang klase ka rin,” mahinang sabi niya na pinilit kong huwag na pansinin.

Nagsimula na siya sa pagkain niya kaya hinihigop-higop ko na lamang ang sabaw kong nasa mangkok.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon