Kabanata 43

160 2 0
                                    

Pagkaraan ng ilang sandali ay bigla siyang ngumiti.

“Silly me,” natatawang aniya. “Sorry, Kelsi. I just thought. Go ahead, magpahinga ka na.”

“Sino po ba ang kausap niyo?”

Sandali siyang natigilan. “Investors...” sabay ngiti niya. “Umakyat ka na sa kwarto mo.”

Ngumiti ako at tumango sa kanya at saka nagtungo na sa kwarto ko.

Ako :

I'm sorry.

Napabuga pa ako ng hangin matapos kong i-send ang mensahe ko para kay Ulan. Nagsasabi lang naman ako ng totoo na wala akong feelings para sa kanya pero bakit parang nakokonsensya pa rin ako?

Ilang saglit pa akong naghintay sa reply niya pero walang dumating. Hanggang sa nakatulugan ko na lamang.

Kinabukasan, ay tanghali na akong nagising. Kung hindi pa siguro ako kinatok ni Kuya Diego ay hindi pa siguro ako magigising.

“Kelsi, magpapa-ulcer ka ba?” sigaw niya sa akin mula sa labas ng kwarto ko.

Agad naman akong napatingin sa wall clock at nakitang alas diyes na ng umaga.

“Buksan mo nga 'tong pinto. Bakit ka ba nag lo-lock?” rinig kong muling sigaw niya.

Tamad akong bumangon at nagtungo sa pintuan. Kaka-unlock ko pa lang ng pinto ay itinulak na 'yon agad ni Kuya Diego at dire-diretsong pumasok sa loob.

“Ang gulo gulo mo namang matulog...” aniya na ang paningin ay naroroon sa magulo kong kama. “Bumaba ka na at may naghihintay sa 'yo doon!”

“Sino?” habol ko sa kanya nang nagsimula siyang maglakad palabas.

He stopped walking. Nilingon niya ako at bored na tiningnan. “May iba pa bang may karapatang bumisita sa 'yo?”

Pinagkunutan ko siya ng noo. Kaya naman ay agad siyang napasimangot. “Your fiancé,” sinabi niya na lang saka nagdire-diretso na sa paglabas mula sa kwarto ko.

Ilang sandali pa bago ko nagawang i-proseso ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko saka ako nagmadali sa pagtakbo patungong banyo.

No way! Hindi ako lalabas na ganoon ang hitsura!

Nakaupo na si Ulan sa couch namin habang pinaglalaruan niya ang ibaba niyang labi at kunot noong nakatutok ang mga mata sa flatscreen tv na nasa harapan niya.

Agad na nagtama ang aming mga mata nang lingunin niya ako. Bahagya akong napaatras. Bigla ay gusto kong matawa sa naiisip ko. Napaka-hot niya kasing tingnan sa suot niyang khaki shorts at ocean blue v-neck shirt.

Tumayo siya at matikas na tumindig habang hindi pa rin naaalis ang mga mata sa akin. Napahawak ako sa saya ng suot kong sleeveless dress.

“Uh...” usal ko habang ang mga mata ay hindi ko na magawang ipirme sa kanya. Nagpapalipat-lipat 'yon sa kanya at sa couch.

Tumikhim siya at sandaling binasa ang labi bago napabuga ng hangin. “Kagigising mo lang?”

I nodded. Hindi ba halata?

“So hindi ka pa nag b-breakfast?”

Obviously! Gusto kong isagot pero pinili kong manahimik na lang. Bagkus ay naglakad ako patungo sa kusina at doon naghanap ng pwedeng kainin.

“What are you doing?” aniya na sinundan pala ako.

“Looking for breakfast,” mahinang tugon ko.

Rinig ko ang marahas niyang pagbuntonghininga kasabay ng paghawak niya sa siko ko kaya napalingon ako sa kanya.

“Let's go.”

“Ha? Saan tayo pupunta?” tanong ko pero nagpapatianod naman sa hila niya.

“Sa labas ka na mag late breakfast. Hindi rin ako nag breakfast kaya sabay na tayo.”

Hindi na ako nag protesta at sumakay na lamang sa sasakyan niya nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Tahimik lamang kami buong byahe. Gusto kong buksan 'yong usapin tungkol sa mga nangyari kagabi pero natatakot akong baka magalit na naman siya at mawala sa mood.

“Uh... May plano ka na ba?” tanong ko. Ang paningin ay naroroon sa bintana ko.

“Plano sa?” tugon niya.

“Plano... Para hindi matuloy 'yong pagpapakasal natin.”

Hindi agad siya nakasagot. Lumipas pa ang marahil ay sampung minuto bago ko narinig ang pagbuntonghininga niya.

“First year ka pa lang naman. I'm on my third year. Malayo pa 'yon so saka na natin isipin at pagplanuhan ng maayos kapag malapit na... And besides, I will make you fall for me so I don't think kailangan ko pang planuhin 'yon.”

Matamlay akong napangisi saka ko siya nilingon at naabutang nakatingin din siya sa akin.

“Paano ka nakakasigurong mahuhulog ako sa 'yo?”

Napangisi siya't ibinalik na ang paningin sa harapan. Mas mabuti 'yon dahil siguradong mababangga kami kung ipagpapatuloy niya ang pagtitig sa akin.

“Alam mo, Kelsi nagtataka ako kung bakit ayaw mo sa akin. Hindi ba ako kagusto-gusto sa paningin mo?”

Napanganga ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa tanong niyang 'yon. Sa totoo lang ay gwapo naman talaga siya. Sa katunayan nga ay maraming nagkakagusto sa kanya at bentang-benta siya sa school namin. Pero kasi...

“Ah... Naaalala ko na! May iba ka palang gusto kaya hindi mo talaga ako magugustuhan.”

Mas lalo akong napanganga. Right! Alam niya nga palang may gusto ako kay Aldrin. Masyado ba akong halata?

“You're falling for the wrong person, Kelsi. You better move on.”

Hindi ko na lamang siya pinatulan at naglipat na lamang akong muli ng tingin sa bintana.

“Saan mo gustong kumain?”

Makalipas ang ilang sandali ay kinausap niya ulit ako.

“Kung saan mo gusto,” walang ganang tugon ko.

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Nang makapag-park siya sa isang mall ay bababa na sana ako ng kotse nang hawakan niya ako sa siko ko.

“Look, Kelsi... I'm trying to be nice to you. Pwede bang maging mabait ka na lang din sa akin?”

Pinagkunutan ko siya ng kilay. “Mabait naman ako.”

“Ah huh!” sarkastikong tango niya. Bakas sa mukha niyang hindi niya ako pinaniniwalaan.

“Okay, Ulan.”

Malawak ang naging pagngiti niya. “Treat me nice okay?”

Nagkibit balikat ako at agad nang bumaba mula sa kotse niya.

Pinili naming kumain sa Genki Sushi. Siyempre Ulan's treat.

“Ulan, may tanong ako.”

“Mm?”

Umayos ako ng upo. “Hindi mo na ba mahal si Sidney?” diretsahang tanong ko na naging dahilan ng biglaang pagbaba niya sa kubyertos na hawak niya.

“Next question, please.”

Umingos ako. “Okay,” kibit-balikat ko.

“Gaano mo ako kagusto?”

He smirked. “More than you'll ever know?” aniya na may pataas-taas pa ng isang kilay.

Tumango ako. “So hindi mo na talaga mahal si Sidney?”

He shook his head. “I never loved her,” aniya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon