Kabanata 51

167 2 0
                                    

"Kuya..." Sa nanlalaking mga mata ay napatayo ako.

"Alam kong magkaaway ang mga pamilya natin pero ganito na ba talaga kayo ka-desperadong pabagsakin kami? At naghahanap kayo ng paraan para mapunta sa mommy namin ang sisi?" bakas ang galit sa boses ni Kuya Diego.

Nilingon ko sina Sidney at Sir Tairon na ngayo'y pareho na ring nakatayo.

"Hindi na namin kailangang pabagsakin kayo. Bumabagsak na nga kayo, remember?" nagmamalditang saad ni Sidney.

Hindi nakasagot si kuya pero umiigting ang panga niya habang nakatingin kay Sidney.

"Wala kaming planong pabagsakin kayo. Kayo mismo ang dahilan kung bakit bumabagsak kayo," si Sir Tairon sabay hila kay Sidney paalis.

"Wait, my frappe!" saad naman ni Sidney saka binalikan ang frappe niya sa lamesa.

Nang makaalis ang magkapatid ay ako naman ang hinila ni Kuya Diego palabas ng cafe. May mangilan-ngilang customer na rin kasing nakatingin sa amin.

Padarag niyang binitawan ang palapulsuhan ko nang nakalabas kami.

"Do you really trust them?" galit na aniya.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Napayuko ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang lalabas na ito mula sa katawan ko.

"Kuya..."

"Don't call me kuya kung hindi naman ganun ang turing mo sa akin. Naniniwala ka ngang kapatid mo sila hindi ba?"

"May DNA test kuya," nakayuko pa ring tugon ko.

"DNA Test? Naniniwala ka sa DNA test na isinagawa nila? Hindi mo ba naiisip na baka niloloko ka lang? They can fake a DNA test results whenever they wanted to. For pete's sake, Kelsi! They were family of doctors! Matatalino 'yong mga 'yon!"

Bakas na ang galit sa boses niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya upang muli lamang mapayuko. Nakakatakot ang pinupukol niyang tingin sa akin.

"So totoong magkapatid tayo?"

"Yes!" mabilis na sagot niya. Tuluyan na akong nag angat ng tingin sa kanya.

Nang magtama ang mga mata namin ay napatitig pa siya sa akin bago pumikit sabay buntonghininga.

"Pero hindi ako anak ni mommy?"

"At sinong may sabi sa 'yo?"

Nilingon ko si Ulan na ngayo'y nakasandal lang sa kotse niya habang pinapanood kami. Nang magkatinginan kami ay agad siyang nagtaas ng isang kilay.

"Si Florence," sagot ko kay Kuya Diego habang ang paningin ko'y na kay Ulan pa rin.

Napabuga ng hangin si Diego. "Let's go. Umuwi na tayo."

Tumalikod siya sa akin at akmang aalis pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Nang naramdaman niya ang hindi ko pagsunod sa kanya ay doon lamang siya lumingong muli sa akin.

"Bakit hindi mo 'ko magawang sagutin?" tanong ko.

Bahagyang kumunot ang noo niya pero agad rin iyong napawi. Napahilamos siya sa mukha niya at saka ako binalikan.

"Yes! Hindi ka totoong anak ni mommy..." aniya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. "That's why I am protecting you from her. Sa galit niya sa kataksilan ni daddy ay ikaw ang pinagbubuntungan niya. Makinig ka sana sa akin. I want you to go to London with Rain and let me fix things for you."

"Kuya..."

"Kelsi, please."

"Sinong nanay ko?"

Naglapat ang mga labi ni Diego. Bakas sa mukha niya na nahihirapan siyang sagutin ang mga katanungan ko. Maybe he thinks na hindi pa tamang oras para roon, at dahil nagtatanong ako kaya siya nahihirapan.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon