Chapter 1: NGSB

13.1K 157 6
                                    

GIRBAUD's POV



First day ko ngayon sa bago kong school. Dahil sa galing ko sa paglalaro ng basketball ay nakakuha ako ng full scholarship sa magarbong paaralan na ito. Mahirap lang kami at hindi ako kayang pag aralin ng aking ina sa kolehiyo kaya laking pasasalamat ko sa talentong binigay ng Panginoon sa akin. Second year college na ako pero pinili ko pa ring mag transfer kasi magandang opurtunidad ito para sa akin. Halos lahat yata ng nag aaral dito ay mayayaman, mukhang mahihirapan akong makisalamuha sa mga tao dito.


Pinasadahan ko ang buong eskwelahan. Napakalaki nito at halos lahat yata ng nag aaral ay may sasakyan dahil napaka laki ng parking lot nito. Open are ang gitna ng quadrangle na pinupuno ng mga estudyante. May soccer field din ito at basketball gym na talaga namang ikinatuwa ko. Pumasok na ako sa una kong subject. Naging maayos naman ang takbo nito kahit medyo naiilang pa ako kasi wala akong kilala. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante, maybe because i'm new here. My first and second subject went pretty well. Wala pa lang pakialamanan dito. ni hindi nila napansin na iabng iba ako sa kanila. The way i dress, pinasadahan ko ang aking suot, faded jeans and a simple black shirt. Sirang sapatos at ballpen na panda lang ang dala ko. It seems that they didn't care at all.


Habang naglalakad papunta sa kabilang building para sa third subject ko ay mas mukhang naligaw pa yata ako. Hindi ko na alam kung saan ako nanggaling kanina. Ilang minutong paglalakad pa at sa wakas ay nakita ko na rin ang classroom. Pumasok ako sa loob at mukhang wala pa naman ang professor namin. Lahat kasi ay abala sa kani-kanilang mga kausap at mga cellphone. Pinasadahan ko ang buong classroom, gusto ko maupo sa harapan pero wala nang bakante.Nakita ko kung paano nabaling ang atensyon nila saakin. Am i late or something? Dumiretso ako doon sa last row. It was almost empty except for the girl sitting next to the chair in the aisle.


Nakayuko siya at mukhang natutulog, dahil hindi siya gumagalaw. Umupo ako sa tabi niya at mukhang nagising ko pa yata siya dahil nagkusot ito ng mata. Pero mali ako dahil bumalik siya sa kanyang pagtulog.Marami syang tattoo sa kanyang mga braso iyon agad ang napansin ko sa kanya. Siguro ay kampon ito ng kung ano anong fraternity.


Gumalaw muli siya at sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa akin. Literal na nalaglag ang panga ko ng dumungaw ang mukha niya sa kanyang magulong buhok. Her little pointed nose na may hikaw sa gilid ay lumitaw. Hinawi niya ang kanyang buhok at parang bumagal ang ginawa niyang paggalaw. Her eyes are sparkling and intimidating. It has these long lashes that really make her eyes popped. and yes, her lips. Her lips are like divine. It's pouty and a little bit thick which is perfect. And those eyebrows... shit! Nakataas ang isa at mukhang naiinis siya sa akin na hindi ko maintindihan.


"Lakas mo rin eh noh?" aniya ng nakatirik pa rin ang isang kilay sa ere.Kitang kita ko mula rito ang paggalaw ng kanyang mapupulang labi. Medyo basa ito at halatang walang lipstick dahil kitang kita ko ang mismong balat mura rito.Napalunok ako ng laway, mukhang nakanganga yata ako ng mga sandaling iyon.


"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nauutal ako at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Nag iwas siya ng tingin at dumiretso ang tingin sa harapan. "Lakas ng loob mong tumabi sakin. ang ayaw ko sa lahat ay iyong may tumatabi sa akin. Lalo na kapag hindi ko kilala." She sounded like those bullies when i was young. Hindi ko alam na kahit sa kolehiyo ay may mga bully pa rin.


"Ah, edi magpapakilala ako sayo. Ako nga pala si-"Hindi niya ako pinatapos at padabog niyang inilagay ang notebook niya sa lamesa ng upuan ko. Halos lahat ng kaklase namin ay lumingon sa amin at nag iwas agad ng tingin. Para bang ayaw nilang makialam sa kung anong maaaring mangyari.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon