Chapter 41: sisiw

3.4K 67 0
                                    

ANGEL's POV

Hindi ko na muna nireplyan ang text ni Girbaud, nag ayos na ako ng sarili bago pumunta ng office. I wore a royal blue skinny dress and knee length white coat and paired it with a crisscross christian louboutin pumps. Inilugay ko ang aking buhok na lampas balikat na ngayon. I grabbed the first berkin i saw inside my walk in closet and put my things inside the bag and i'm ready to go!

Hind pa rin mawala ang ngiti ko dahil sa wagas na kaligayahan, halos lahat ng empleyado na nakakasalubong ko ay nginingitian ko at minsan ay binabati pabalik.

Dumiretso na ako sa hall kong saan gaganapin ang royal ball, halos lahat ay abala, mapa sa flower arrangement, sa mga lamesa at mga upuan, kulay gold ang halos lahat ng kobyertos, may red carpet rin bago ka makapasok sa mismong venue. Malalaki ang chandelier sa buong hall. Napapangiti ako sa mga nakikita ko.

I saw my dad sa may gilid kausap ang kanyang secretary, lumapit ako sa kanya at nagbeso.

"Iha, akala ko ay hindi ka na pupunta pa rito at mag aayos ka na para mamaya sa ball, go ahead and indulge yourself anak." Nakangiti ang aking ama at masaya ako dahil pinatawad ko na siya. He is my dad after all at mahal siya ni mommy.

"Nuh, no need dad, kailangan maging perfect ang lahat mamaya. Nasaan si mommy?" Inabot ko sa nakabuntot sa akin na si Kylie ang aking bag dahil medyo nangangawit na ako sa paghawak nito.

Ngumuso si dad sa may bandang kaliwa at naroon nga si mommy, lumapit ako kay mommy at hinalikan siya.

"Keir? Bakit nandito ka pa anak? Ready na ba ang gown mo para mamaya?" My mom is so pretty, shes like a queen in her Balenciaga dress.

"Everything is ready na mom, busy na kayo dito, mukhang hindi nyo na ako kailangan?" Nangingiti kong sambit. Kinurot ni mommy ang pisngi ko at inakbayan ako.

"Okay na ang lahat anak, you should go to a spa or a salon, para makapag relax ka dahil ikaw ang pinaka magandang butuin mamaya sa ball, im pretty sure of that." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni mommy.

Napag desisyonan kong mag spa muna today dahil mukhang okay naman na ang lahat para mamaya. Im still undecided sa gown ko pero may napupusuan na ako na isa na denisenyo pa ng sikat na international designer sa dubai.

I texted Girbaud na sa mall lang muna ako at magkakaron ng me time, kahit naman sa apat na taon ay palaging me time lang ang meron ako.

He said he will pick me up kung saang mall at salon ang napag desisyonan kong pumunta. Pumayag na ako dahil gusto ko rin siya makita bago ang ball.

I went to the usual mall na lagi ko pinupuntahan, konti lang ang tao dito kaya gusto ko ritong nagpupunta.

Nagpahatid lang ako kay Mang Berto dito at pinauwi na siya dahil susunduin ako ng aking mahal. Napapangiti ako sa ideyang iyon.

Naglakad lakad ako at naghanap ng magandang spa salon dito sa loob ng mall. I saw one na medyo pasok sa taste ko at pumasok na ako.

Pag pasok ko pa lang ng pintuan ay nakita ko na agad ang pamilyar na mukha ng babaeng dinala kanina ng kapatid kong si Franky sa bahay. Napaka laki ng ngiti ng babae at nginitian ko din siya.

Lumapit siya sa akin at nakipag beso pa. Tulad ng sabi ko kanina, i like her for my brother.

"Hi ate.. Are you alone? Mag papamasahe ka ba? Hair cut? Mani, pedi?" Sunod sunod niyang tanong. Nakatingin lang ako sa mahahaba niyang pilikmata.

"Yeah im alone, kahit ano lang, iyong marerelax ako. why? Nagtatrabaho ka ba dito?" Mukhang hindi naman siya empleyado dito dahil iba ang uniporme ng mga tao dito at siya ay naka civilian.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon