Chapter 44: become one

3.9K 67 0
                                    

ANGEL's POV

Para bang huminto sandali ang oras dahil sa paglapat ng aming mga labi. Wala akong pakialam kung lahat ng tao ay nakatingin sa amin ngayon. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Girbaud ang tao dito sa ball.

Sabay kaming humiwalay sa halik at tinitigan ang isat'isa.

A smirked formed on his lips and grabbed my hand and positioned us to run. Tumakbo si Girbaud ng mabagal habang hila hila pa rin ako at walang pag dadalawang isip naman akong nagpatianod sa kanya.

If he wants to escape from all this drama, i will join him. If he wants to leave this place, i'll join him. Kung saan man nya ako gustong dalhin ay sasama ako ng walang pag aalinlangan.

He is my life now, he owns every bits of me. He is my strength to go on with life, wala akong lakas kung wala siya sa tabi ko, im a weakling, he is my weakness.

Diretso kaming tumakbo papunta sa malaking pintuan. Nakita ko pa si mommy na naka bukas ang bibig dahil sa ginawang pagtakbo namin. Ang mga kapatid ko naman ay nakangiti na para bang alam nilang lahat na kahit saan man ako dalhin ni Girbaud ay don ako sasaya.
Tumango lang si dad ng lingunin ko siya at nakangiti.

Nilingon ko si Girbaud na paminsan minsan ay nililingon ako. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak ni Girbaud na gamit sa paghila saakin.

Tumatakbo pa rin kaming bumaba sa mahabang hagdanan. Hindi naman ako nahirapan sa pagtakbo dahil malalaki ang slit ng aking gown.

Nakarating na kami sa pinakababa at doon ay may naghihintay na lalaki na naka amerikana katabi ang isang pulang ducati. Malaki ito at bagong bago pa. Ito yata ang pinaka bagong model nila.

Hinihingal pa ako ng huminto kami sa tapat ng motorsiklo. Hawak pa rin ni Girbaud ang mga kamay ko. Inilahad naman niya ang kanyang isang kamay sa lalaki at may binigay ang lalaking susi kay Girbaud.

Nilingon ako ni Girbaud at malaki ang ngiti niyang inabot sa akin ang susi. Namataan kong umalis na rin ang lalaking naka amerikana kanina.

"What is this?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"This is for you. I bet you missed driving one, pwede mo ba akong iangkas muli tulad ng dati?" hinapit ni Girbaud ang bewang ko at ngayon ay halos nasa dibdib na niya ang mukha ko.

Hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa kaligayahan. Hindi dahil sa binigyan niya ako ng mamahaling motorsiklo kundi dahil sa ideyang mahalaga at memorable din pala sa kanya ang mga maliliit na bagay na ginawa naming magkasama noon.

Akala ko ako lang ang nagbibigay halaga sa mga sandaling iyon, pero hindi pala, pati siya ay mahalaga rin ito para sa kanya.

He wiped my tears and kissed my cheeks where my tears fell.

I gave him a pecked on the lips and grabbed his hand towards the ducati. Umupo na ako at walang balak na mag helmet. Pinaandar ko ito at umupo na rin si Girbaud sa likod ko.

I missed driving motorcycles. I got rid of mine and everything else that will make me remind of Girbaud. Kaya mabilis ang tibok ng puso ko dahil apat na taon rin akong hindi nakapagmaneho ng ganito.

Kinapa ko muna ang makina at ng medyo gamay ko na ay mabilis ko itong pinaharurot. Hindi ko alintana na naka gown akong magmamaneho nito.

Kumapit si Girbaud sa aking bewang at nakasandal ang kanyang baba sa aking balikat, inaamoy amoy niya ako at nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"Where do you wanna go?" Nakatuon pa rin ako sa kalsada.

He kissed my neck before answering my question at napakagat ako sa aking ibabang labi.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon