Chapter 13: vulnerable, inlove and possessed

3.5K 77 1
                                    

GIRBAUD's POV

Masakit ang aking bandang labi dahil sa suntok na iyon ng kapatid ni Angel. Ang lakas ng pagkakasuntok niya. I never punched in the face like that before. Pero handa kong tanggapin ang ilang sapak kung ang kapalit naman nito ay ang puso ni Angel.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari saamin ni Angel kanina. That was a mind blowing kissing scene. Nagulat na nga lang din ako sa aking sarili ng ginawa ko anh mga ginawa ko kanina.

Para bang sinapian ko. Isa pa nahawakan ko na naman ang malulusog na dib dib ni angel. Para bang di magkasya ang mga palad ko sa laki nito. Ang lambot lambot pa.
Ano kaya ang pakiramdam kung mahawakan ko yun ng walang nakaharang na damit?
Binatukan ko ang aking sarili! Ano ba itong iniisip ko. Nadedemonyo na ata ako.

Nandirito kami sa maynilad para magpakabit ng tubig. Si angel kasi nagpupumilit na magpakabit kami. Pinaliwanag ko naman sa kanya na nangungupahan lang kami pero okay lang daw iyon kahit pansamantala.

Wala na rin naman akong nagawa dahil nga eh siya si Angelica Keir Montealto.
Pangalan pa lang niya parang di mo na gugustuhin na umangal.
Life is unfair. Nasa kanya na ang lahat lahat pero mas pinili nyang manatili dito saamin. Sa mabaho, magulo at maingay na lugar namin. Hindi siya bagay dito pero pilit niyang binabagay ang sarili niya.
She's exceptional. Para bang kakaiba ang mga tumatakbo sa isip niya.

Dumaan ang ilang linggo at ganon pa rin naman ang nangyayari saamin.
Ako papasok sa school. Si angel naman minsan umaalis. Di ko alam kong saan siya pumupunta.
Nabenta na rin pala niya ang kanyang relo kaya naman ay lumipat kami ng mauupahan. Ang sabi kasi niya alam na daw ng kanyang kapatid ang lugar namin at di malamong bumalik iyon. Kaya pumayag na rin ako. Maganda itong nakuha naming apartment. May aircon ito sa bawat kwarto. Kaya naman ang mga kapatid ko tuwang tuwa. Gusto ko na tuloy makapag tapos ng pag aaral para naman makahanap ng matinong trabaho para di lang si Angel ang gumagastos para saamin.

Binilhan niya rin ako ng cellphone na samsung. S5 ata ito at pwedeng mabasa. Tinuruan niya din ako gumamit ng facebook.

Doon ko nalaman na marami na palang naging nobyo si Angel. Meron pa nga doon na may picture siya kasama ang isang lalaki. Sweet sila at mukhang bata pa siya doon.

Inadd ko din si Gregoria. Nagulat nga ako na Gregoria lang ang pangalan niya sa facebook at wala siyang apilyedo.

Kumakain kami ngayon ng hapunan. Friday night ngayon at sabi ni angel ay lalabas daw sila ng kanyang mga kaibigan. Nakilala ko na ang mga iyon at napag alaman kong mga kababata iyon ni angel at kasama sa dati nila gang.

"Ano oras ka uuwi?" Sinusubo ko ngayon ang pagkain gamit ang aking mga kamay.

"Uuwi ako kahit kelan ko gusto! Ichat mo na lang yang Gregoria mo!" Padabog siyang tumayo at nilagay ang pinggan sa sink.

Tawa naman ng tawa ang mga bata sa hapag. Umiling iling na lang ako.

"Anong ichat si Gregoria?" Lumapit ako sa sink kung nasaan si angel. Naghuhugas siya ng pinagkainan niya.

"Si gregoria? Diba inadd mo pa siya? Nagka facebook ka lang add ka na ng add ng maganda." Di siya makatingin sa akin and she sounds angry and disappointed.

"Hahahhaha! Nagseselos ka ba?" Hinuhuli ko ang paningin niya.

"Uyyy si ate angel nag seselos." Sabay sabay ang tatlong makukulit kong kapatid ng sabihin nila iyon.

"Hindi ah?! Bakit naman ako magseselos?" Nagwalk out siya papasok sa kwarto namin.
Oo kwarto namin at tabi kami lagi matulog. Pero hanggang doon lang iyon. I respect her. Kahit minsan gusto ko na lang siyang ikulong sa aking bisig, hagkan at gumawa ng bata kasama siya.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon