Chapter 26: i was wrong all along

3.2K 65 1
                                    

GIRBAUD's POV

Alam ko na ang magiging ka meeting namin ng kapatid kong si Gregoria ay ang mga Montealto. May balak naman akong ibenta sa kanila ang lupa pero gusto ko silang pahirapan, gusto ko siyang pahirapan. Ang taong sumira ng buong pagkatao ko at ang dahilan din para maging isa akong ganap na engineer sa london.

Nandito lang ako para asikasuhin ang mga iniwang negosyo ni dad. Matagal na rin siyang nag retiro sa kanyang mga negosyo pati na rin sa kanyang pagiging public servant.

Gusto na niyang magpahinga dahil narin sa pag ka matay ng kanyang asawa na ina ni Gregoria.

Hindi naging madali sa akin ang buhay sa loob ng apat na taon. Naging napakahirap at napakalungkot nito.

Halos araw araw at gabi gabi kong naiisip si Angelica. Laging pumapasok sa isipan ko kung totoo ba ang lahat ng pinakita niya saakin dati ng magkasama pa kami, o talagang parte na iyon ng kanyang plano.

Gusto kong maniwala na totoong minahal niya ako sa kabila ng lahat dahil may parte sa puso kong nag sasabi oo.

Pero mas malaki ang parteng nawasak kaya mas pinili kong kalimutan siya.

Obviously, hindi ako nagtagumpay.
Di ko siya nagawang kalimutan kahit ni isang araw ang lumipas.

I fucked a lot of girls at sa mga pagkakataong iyon, i moaned Angelica's name.. Minsan nasasampal ako ng ka sex ko minsan naman ay binabalewala lang nila iyon.

I dated a lot of girls too pero hindi ko sila magawang seryosohin. I pity my self for that.

Isang parte ng aking pagbalik ay ang paghigantihan si Angelica at paibigin din siya tulad ng ginawa niya sa akin noon tapos iiwan at ng maranasan niya ang mga naranasan ko.

Paiibigin ko siya hanggang sa malunod siya sa pag ibig niya sakin at hindi na makabangon, pero paano?

Paano kung ako naman ang mahulog sa aking sariling patibong? Baka ako ang malunod sa sarili kong pag ibig para sa kanya.

Gusto kong malunod kami pareho at parehong hindi makabangon. Na ang tanging paraan lang para mabuhay kami ay ang isat isa. Mas gusto ko iyon kesa sa naisip kong pag hihiganti.

Because reality check i'm still smitten to her. I'm still fucking in love with her at walang nagbago doon.

Simula noon pa man hanggang ngayon.

Nang makita ko siya sa conference room ng kumpanya nila, pinilit ko ang wag ipakita ang pag ibig na meron pa rin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung nagtagumpay ba ako doon dahil ng makita ko siya pumasok pa lang sa pintuan ay parang nalaglag ang aking panga.

She's stunning. Noon pa man ay talagang agaw pansin na ang taglay niyang ganda.Para bang nag slow motion ang paglalakad niya. Nag iba na rin ang kanyang pananamit at mas naging pormal na ito. Dati kasi pantalon na butas butas at tshirt ang lagi niyang suot. Boots kundi sneakers naman ang sapatos niya. Pero ngayon? Naka heels na siya at mas bumagay iyon sa kanya dahil para siyang modelong naglalakad gamit ang mga iyon.

She is wearing a long coat at kitang kita ko rito ang kanyang cleavage dahil sa sobrang hapit ng panloob na suot niya.

Her hair is effortlessly flowing down to her back, and she now wearing a little bit of make up. Dati hindi siya nag mmake up pero ang ganda ganda pa rin niya, ngayon ay mas lalo siyang gumanda.

I can't believe that an Angel from heaven is walking slowly in front of me. Para ba akong nasa langit na.

Para siyang diwata. Ang diwatang bumihag sa aking buong pagkatao.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon