Chapter 9: heart attack

3.3K 65 0
                                    

ANGEL's POV

Nakatulog pala ako sa sofa nila Girbaud kanina. Kakagising ko lang. Sinulyapan ko ang aking relo na rolex at napagtanto kong alas sais na pala ng gabi.
Luminga linga ako sa paligid pero wala akong makitang tao.
Asan kaya si Girbaud? Tumayo na ako at nagulat ako ng tumambad sa akin si Girbaud na basang basa at naka boxers shorts lang. Mukhang naligo ata siya.
Pinasadahan nya ng kanyan kamay ang kanyang basang buhok.
Di ko mapigilang purihin ang natatanging kagwapuhan niya.
I don't think he's aware na attracted ako sa kanya.
Di ko mapigilang tumitig sa tubig na dumadaloy sa 6 packs abs niya.
Nakakalaglag panty pa ang v line niya. He has the perfect body.
Syempre di din naman pahuhuli ang kanyang taglay na kagwapuhan.
He's handsome okay. I wonder bakit di siya kinukuhang modelo. Kasing gwapo niya ang mga modelo ng underwear sa calvin klein. He's that handsome. His nose that has that perfect tip. His brooding eyes na parang pag tinitigan mo maraming gustong sabihin. Ofcourse ang kanyang perpektong panga na natatabunan ng mga bigote at balbas. And o my god his lips. His goddamn lips. Gusto ko itong halikan.

"Tulo mo lumalaway." Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. natatawa si Girbaud ng sambitin niya ito. Pumasok na siya sa isang kwarto.
Pinahid ko naman ang laway ko na sabi nyang tumutulo. Wala naman ah? Gago iyong lalaking yun! Hmmp.

GIRBAUD's POV

Di maalis ang ngisi ko sa akong mga labi dahil sa reaksyon ni angel ng makita niya akong hubad. Almost. Pero naka shorts naman ako.
Ang sarap niyang asarin. Namumula kaagad ang mga pisngi niya na parang kamatis na hinog. Hahahhaa!

Nagbihis na ako lumabas. Nakita kong may tinatawagan si angel sa kanyang cellphone.

"Ave, ano? I need your fucking help! Ibenta mo na lahat ng gamit sa shop! I need the money.. Yes pero wala na akong pakialam okay. Just do it! Me? No no. I'm fine. I'm safe. Don't worry. Just let me know ano na ang balita. No! I wont tell you. Madaldal yang bunganga mo. Sasabihin mo lang kina dad kong nasaan ako. Ofcourse naman papasok pa ako! Okay good. Bye." Di niya napansin na katabi ko na siya kaya nagulat siya ng makita ako.

"Ano ba girbaud! You'll give me a heart attack."nakahawak ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib na parang pinapakalma ang sarili.

"Ikaw nga yun eh inaatake mo ang puso ko." Nilampasan ko lang siya at sinulyapan. Nakita kong namumula na naman ang kanyang pisngi. Sarap kurutin! Grrrr. Hehhee

"Anong sabi mo?"

"Wala sabi ko maganda ka sana kaso bingi. Hahahha." Nagsimula na akong magsaing para sa hapunan.

"Tseh! San ba ang banyo?! I need to take a shower. wala akong damit. Pahiramin mo ako."
Nakalagay pa ang mga kamay nya sa kanyang bewang.

"Sabi ko naman sayo dba? Walang shower dito? Sa likod kami naliligo pero walang banyo. Bakuran iyon. Nandun ang drum. Kaya maliligo ka ng may saplot. Wag ka na mag alala sa damit pahihiramin kita."
Binuksan ko na ang kalan at nilagay doon ang kalderong may bigas. Pagkatapos ay pumasok na ako sa munti kong kwarto. Kumuha ng tshirt at shorts na pambasketball. Inabot ko iyon kay angel at bumungad sa aking ang nagtataka nyang expresyon.

"Ano ito? Wala bang damit ang nanay mo? Pwede na siguro yun." Sabay balik niya sa akin ng mga damit ko.

"Suutin mo muna yan habang nakiligo. di ka pwedeng nakahubad doon. Yan ang gamitin mo para kumportable kang makaligo sa labas. Kukuha lang ako ng damit ni inay."
Abot ko ulit sa kanya ang damit at pumasok sa kwarto ng mga bata.

"O ito. Daster lang ang meron si inay na matino. Ito ang sabon at shampoo." Abot ko sa mga ito at mukhang nagtataka parin ang kanyang mukha.

"Wait paano ito? Sachet? Kasya ba ang shampoo na ito sa buhok ko? Can't you see i have a long hair girbaud!" Natatawa na lang ako sa kanya. Ang liit liit na bagay pinuproblema niya.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon