Chapter 17: i'm a fucking montealto

3.4K 61 0
                                    

ANGEL's POV

Pagkatapos mag discussed ni Mrs Tan ay binigyan niya kaaga kami ng maikling quiz.
Kailangan ng one fourth size of paper and unfortunately wala akong ganon.

Palinga linga ako sa paligid para makahingi ng papel. Nilingon ko si Girbaud at nakita kong meron siyang makapal na papel. Nanghingi sa kanya ang babaeng pinaggitnaan namin. Na ttempt akong mang hingi kay Girbaud dahil siya lang naman ang kilala ko sa klase na to.

Pero no! Mukhang sa itsura niya ay bago niya ako bigyan ay pariringgan na naman niya ako ng kung ano ano. Hindi pa ako handa sa larong ito. I still respect him because i love him. Baka lumabas lang ang tinatago kong tigre.

"Am. Pahinging 1/4?" Kinalabit ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon, nilingon niya ako at ngumiti siya at saka inabot saakin ang papel.

"Here.." Ang macho ng boses niya.
I smiled back at him at kitang kita ko sa gilid ng aking mata ang mga titig ni Girbaud sa lalaking hiningian ko ng papel. I can feel his jealousness. Akala niya siguro sa kanya ako hihingi ng papel. Di ko siya tiningnan and a smirked form on my lips.

Nagumpisa na ang quiz at malaya kong nasagutan ang lahat ng questions. It's easy! Short quiz lang naman iyon kaya one to fifteen lang and i'm pretty confident na mataas ang magiging score ko. I have my inspiration almost next to me kaya inspired na inspired ako.

"Pass your papers to the aisle and then forward." Nakapamewang na sambit ni Mrs Tan.

I look at Girbaud, he pass his paper to the girl beside her and i can see how this bitch reacted when Girbaud's hands touches hers.
Bwisit na babaeng to! Pa cute pa more! Inusog ko ang upuan ko at sinadyang tamaan ang upuan niya kaya nagulat siya at masama akong tiningnan. Tiningnan ko rin siya ng mas masama.

"Ano? Lalandi ka na lang diyan at di mo ipapasa ang papel nyo?" Tinaasan ko pa siya ng kilay at mabilis naman niya inabot ang kanilang papel sa akin. I was in the aisle kaya naman ako ang magpapasa sa mga papel papunta sa harap.

Kinalabit ko ulit ang lalaking hiningian ko ng papel kanina at lumingon na naman siya na may malaking ngiti sa labi. I handed the papers to him at alam kong nakatingin ng masama si Girbaud sa amin. Sinigurado kong maglalapat ang mga kamay namin at iyon nga ang nangyari. Kinindatan pa ako ng lalaki bago siya humarap. Kinagat ko ang aking labi. I know Girbaud is looking straight at me kaya mas lalo kong kinagat ang labi ko.

"Mas pogi naman ako jan noh!" Nilingon ko si Girbaud ng marinig ko ang sinabi niya. Nakatingin lang siya sa harap ng blackboard at mukhang nagpapa rinig na naman.

"Kanino? Ikaw naman talaga ang pinaka pogi dito sa klase na to eh." Nakapalumbaba ang bruhang katabi namin at lumapit pa ang mukha niya sa mukha ni Girbaud. Girbaud smirked.

Alam na alam niya ang epekto niya saakin. Alam niyang nanggagalaiti na ako sa selos kaya hinahayaan niya lang ang babaeng ito na landiin siya.

Di ko alam kong mananalo ako sa larong ito, sa laro ng selosan. Maikli lang ang pasensya ko. Baka pag may nakita akong lumapit kay Girbaud eh baka mabaril ko. I'm a changed person pero ang pasensya ko di ko na ata madudugtungan pa.

Patuloy pa rin sila sa paglalandian. I want to pull the hair of this bitch. Ang landi landi niya.

He won.

Wala na akong masabi at wala na akong magawa. Nakakuyom lang ang mga palad ko sa galit. Nanginginig na ako. Pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi hampasin ang babaeng ito. Konting tiis na lang Angelica at matatapos na ang klase. Don't do anything stupid. Nagmumukha ka na ngang stupid eh.

Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko at wala akong ginawa sa babaeng iyon.

Tapos na ang klase at last subject ko na iyon. 5pm na kaya naman dumiretso na ako sa parking lot kung saan naka park ang wagon ko. Yes i got my wagon back. I missed driving it.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon