Chapter 6: Pitchie

3.7K 76 8
                                    

GIRBAUD's POV

Matapos ang gabing pumunta si angel sa bahay ay halos araw araw na din akong kinukulit ni nanay tungkol sa kanya. Na kesho kailangan gawin ko na daw nobya si angel dahil mapera. Binabalewala ko lang ang sinasabi niya.
Di rin ako pumasok ng mga ilang araw dahil sa raket na binigay saakin ng tropang kong si carlo. Nag waiter kami sa catering service na pag mamay ari ng kanyang nobya.
Ilang araw lang naman kaya siguro okay lang naman yun. Makakabawi rin ako sa klase at sa practice sa basketball.
Malaki din kasi ang kita sa isang araw. 700 pesos din yun.

Sabado ng umaga ay nag iigib ako ng tubig sa may patubig dito sa aming compound. Buhat buhat ko ang dalawang balde sa magkabila kong kamay ng biglang namataan ko ang isang babaeng hawak kamay ang kapatid kong si kengkeng. She's no other than Angelica Keir Montealto.
Wait teka.. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?
Papalapit na sila sa akin napansin kong may nakasunod sa kanyang mga naka unipormeng mga lalaking mukhang body guard ata nya.. May bitbit ang mga yun ng malalaking supot.

"Anong ginagawa mo dito Ms. Montealto?" Nilapag ko muna ang mga baldeng dala ko.

"I brought you something." Nilingon nya ang mga lalaking nakauniporme.

"Ano ang mga yan?" sabay bitaw ni kengkeng kay angel at yumakap sa mga binti ko.

"Kuya may bigay pagkain dami si ate." Tinuro niya si angel na naka cross ang mga braso. Mukhang inip na inip na siya pero di pa rin mawala ang ngiti nya.

"Angel? Ano to? Bakit kailangan mo magdala ng mga iyan?" Nakataas ang kilay ko ng tanungin ko siya.

"You were absent for three days. Naisip ko lang na baka may sakit ka kaya dinalhan kita ng food at mga groceries. pwede ba papasukin mo na kami sa bahay nyo kesa andito tayo sa labas." Nilingon ko ang paligid at mukhang ang dami na ngang nakatingin sa amin. Agaw pansin kasi ang dyosang ito. May mga kasama pang alipores.
"Shall we babe? hoy ikaw! Bitbitin mo ang mga baldeng yan!" Kinalabit nya ng isang daliri ang isang kasama niya.

"Naku wag na. Kaya ko na to." Akmang bubuhatin ko na sana ito ng pigilan ako ng lalaking sinabihan ni angel.

Kaya naman dumiretso na kami sa bahay. Sa sobrang laki ng mga katawan ng mga lalaking ito di ko alam kong magkakasya ba sila sa loob ng bahay namin.
Bahala na si batman.

"Pasok. Magulo pa ang bahay. Ang aga pa kasi eh di pa ako nakakapag linis." Pinulot ko ang mga labahin na nakakalat sa paligid.

Nilapag naman ng mga tauhan ni angel ang mga plastic bags sa lamesa.

"Gusto mo ba ito kengkeng?"
Sabay pakita ni angel sa mga jellyace na nasa malaking pack.

"Ito pa. At ito pa. masarap ang mga yan. Paburito ko yan nung bata pa ako."
Isa isang inabot ni angel ang mga ito kay kengkeng. Stick o, hansel, chippy at marami pang iba.

Sinenyasan naman ni angel ang mga lalaki at nag marcha paalis.
"Angel... Bbakit mo ginagawa ang mga ito?"
Tinitigan ko lang siya sa kanyang mga mapupungay at may mahahabang pilikmatang mata.

"Gusto ko lang! At saka namiss ko ang kumain ng nakakamay. I want to do it again in here. besides i have a lot of money Girbaud. Imbis na gastusin ko lang yun sa kong ano anong bagay why don't i buy you groceries at mga bagay na makakatulong sayo. I mean sa inyo." Sabay haplos niya sa ulo ni kengkeng na busing busy sa pag nguya ng stick o.

"Alam mo.. Di mo naman ako dapat kaawaan eh. Kaya ako hindi pumasok sa school dahil may raket ako. Para kumita. Kaya di mo na kailangan gawin ito." Nakapatong ang mga siko ko sa akong binti habang nakaupo.

"Yun na nga! Umabsent ka sa school para sa raket mo. Alam mo bang pwedeng mawala ang scholarship mo pag lumampas ng anim ang absences mo?" Sumubo naman siya ngayon ng isang stick o at pinag dikwarto ang kanyang mga binti. She's wearing an all black three fourth dress at naka sneakers siya na may nakalagay na malaking check sa kanyang sapatos.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon