Chapter 36: deafening silence

3K 69 4
                                    

ANGEL's POV

I'm on my fourth stick of cigarette nang manlaki na lang bigla ang mata ko ng may humablot ng yosi ko at itinapon ito kung saan.

Pagalit akong nilingon kung sino iyon at mistulang parang kabayong nakikipag karera ang puso ko dahil ang taong iyon ay walang iba kundi si Girbaud.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Galit na galit siya. Ngunit bakit? Wala naman akong gingawang masama? Dapat pa nga ako ang magalit sa kanya.

"What's wrong with you!!? Bakit mo tinapon ang yosi ko?!" I said in gritted teeth.

He brushed his hair up and he looks so sexy.. Umiling ako para mawala ang iniisip ko.

Hinila niya ako at pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko.

"Get off of me!!! Ano ba!!!" Inis na inis na ako. Gusto ko na siyang balian ng buto pero hindi ko magawa. I'm too weak. It's him we're talking about.

"Hindi ka talaga makaintindi ano? I told you to stop flirting with other men, ano ba ang hindi mo maintindihan don?" Nilingon niya ako at galit na galit pa rin habang patuloy pa rin siya sa pag hila saakin.

Hirap na hirap akong sumunod sakanya dahil napakataas ng heels ko.

Ginamit ko ang buo kong lakas para pigilan siya and i succeeded, napahinto siya at nagliliyab ang mga mata niya saakin.

Padabog kong hinila ang kamay ko pabalik at humalukipkip at hinarap siya.

"Wala kang karapatang angkinin at pagsabihan ako kung sino ang pwede kong kausapin! I'm not yours and will never be yours again!!! Wala ka nang karapatan sakin the day you left, kaya wag kang umasta jan na parang asawa kita!!" Umiwestra na ako para bumalik sa opisina ng bigla niyang hilahin ang braso ko upang mapaharap ako sa kanya.

Galit pa rin ang kanyang expresyon at pinantayan ko iyon ng aking mas galit na reaksyon.

"Ano ba!! Bitawan mo ko." Tiningnan ko ang mga kamay niyang nasa aking braso at para bang napaso ang kamay niyang inalis agad ito roon.

"You cannot escape from me Angelica.. Kahit ano pa man ang sabihin mo, pagmamay ari kita, noon pa man hanggang ngayon." Diretso lang ang tingin ko sa kanyang mga labi ng sabihin niya iyon. Umalis siya at nilampasan ako.

Abat! Inunahan pa talaga ako ng isang to ah?! Nakakainis! Nagpapadyak ako na parang tanga dahil sa inis. Ano ba ang gusto niya!!!

Sinasabi niyang huwag akong lumapit o makipag usap sa ibang lalaki pero siya pupwede? It's very unfair and i won't tolerate his command. Hindi niya ako sunod sunuran! Yes, maybe he owns my heart but not my whole life. Na kahit ano pa man ang gusto niyang gawin ko ay agad agad ay gagawin ko para sa kanya at ayokong mangyari iyon. I still want to be the master of my own mind and soul, kahit na alam kong ang puso ko ay wala ng iba pang susundin kundi siya.

Wala akong nagawa at napaiyak na lang ako sa inis. I sat on my heels at inihilamos ang mga kamay sa aking mukha. I silently cry the pain, the anger and my doubts. It's not healthy anymore, i'm not happy anymore.

Ilang minuto ring ganoon ang posisyon ko sa hallway ng 6th floor. Kailangan ko nang tumayo rito at ipag patuloy ang araw. Marami pa akong trabahong kailangan gawin at hindi hihinto ang mundo dahil sa nasasaktan ako.

I am strong, i believe. Sana nga ay ganon pa rin ako katapang na harapin ang mga sugat na maaring matamo ko sa patuloy na pakikipag trabaho kay Girbaud. Its so toxic at pakiramdam ko ay unti unti akong pinapatay.

I have to be strong. I need to be strong. Kailangan at iyon ang dapat na gawin ko.

I wiped my tears away and started to walk through my office. Kahit na may kabog sa dibdib ay inilunok ko na lang iyon at pinagwalang bahala.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon