Chapter 33: inventor of me

3K 57 1
                                    

MEDYO SPG!!! Patnubay.. Lol!

ANGEL's POV

Halos mag gagabi na ng hinatid ako ni Nalid.
I asked him to stay for dinner at pumayag naman siya.

We were still on our sweatshirts because we just came from the gym. Pinark na niya ang kanyang sasakyan at laking gulat ko na halos malaglag na ang mga gamit na dala dala ko ng makita na naka park rin sa bandang kaliwa isang wagon na kulay red and im pretty sure its Girbaud's..

Nagkatinginan kami ni nalid at alam kong alam niya kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko..

"He's here?" He asked and i just nodded.

Nanginginig na ang buo kong katawan at di ko na alam ang gagawin ko.. Pipihit na sana si Nalid paalis pero pinigilan ko siya. I invited him at wala akong balak na bawiin iyon. He is my bestfriend.

Sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon at rinig na rinig ko ang mga kapatid ko at si Girbaud na nag uusap sa dining area. Dumiretso kami doon ni nalid kahit ang mga paa ko ay kabaliktaran ang gustong tahakin.
Gusto kong magkulong sa kwarto at itali ang sarili ko doon para di ko makita si Girbaud.

They all looked at us and Girbaud's piercing eyes is looking directly into mine.

I looked away and faced my brother yuri, lumapit siya saakin at hinalikan ako sa pisngi, i just let out a small sighed.

"Hi ate.. Girbaud joined us for dinner, ininvite siya ni kuya dealan. Pinag uusapan nila ang tungkol sa lupa at ang mga balak na itayo roon." Para bang sinagot na ni yuri ang mga tanong sa aking isipan. He is really the boy version of me dahil pareho kami ng iniisip.

Tumango lang ako at binigyan kami ng pinggan ng katulong.. We started eating at nararamdaman ko ang mga titig saakin ni girbaud. Para akong jelly ace na nanghihina dahil sa kanyang mga tingin. Halos hindi ako makakilos ng maayos.

Nilagyan ni Nalid ang plate ko ng steak dahil hindi ako kumukuha ng kahit anong ulam sa mesa.

Nilingon ko lang siya at nakita kong nakangiti siya saakin at nginitian ko rin siya pabalik.

"Tsss." Sabay kaming napalingon sa gawi ni girbaud and i know siya iyong nag tss na iyon.

Hinihiwa niya ang kanyang steak at nag iwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Nag umpisa na sila mag usap about sa business at kahit si nalid ay nakiki sawsaw din dahil he also has a business of his own.

Minsan pa ay nagtatalo sila sa kani kanilang paniniwala sa larangan ng pagpapatakbo ng kompanya. Kami ni yuri ay tahimik lang na kumakain. Kahit marami rin akong alam ayoko muna makisawsaw. I feel so awkward. Mababagal ang ginagawa kong pagkilos dahil nararamdaman ko na naman ang mga titig ni Girbaud saakin.

"Aray!" Napasigaw ako dahil may kung sinong umapak sa mga paa ko..

Lahat sila ay napalingon sa akin at tinanong kung ano ang problema and there i saw girbaud's smirk at alam kong siya ang gumawa nun.

"Nothing." Giit ko at nagpatuloy sa pagkain.

What is he doing?! Nagpapapansin ba siya? I have no time for his games. He made me feel so worthless kanina tapos ngayon ay narito siya sa bahay na para bang wala siyang ginawa saakin.

"Excuse me i need to go upstairs.." Dahan dahan akong tumayo at hindi na hinintay na aprobahan nila ang pag alis ko.

I need to get out of this place immediately and thats what i did. Nagmamadali akong umakyat at papasok na sana sa kwarto ko ng naramdaman kong may nakasunod sa akin.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon