Chapter 28: strength and weakness

3.3K 62 0
                                    

GIRBAUD's POV

Nagulat ako ng makita ko si Angel na naka faded jeans na may butas sa tuhod at naka white Vneck shirt at sneakers. Para bang nag flash back lahat lahat ng mga nakaraan nung makilala ko siya at nagustuhan dahil sa kanyang kakaibang awra.

Iba siya sa lahat ng babae na nakilala ko at nakikita. She is exceptional.

Kinukulit ko siya na mag lunch kami pero di siya pumayag sa umpisa pero ginamitan ko siya ng mga malaempaktong moves. Kalaunan naman ay pumayag siya at nag request na dto na lang kami sa opisina kumain.

Bumaba na ako sa cafeteria para bumili ng pagkain. Nasa elevator ako ng marinig ko ang tatlong lalaking nag uusap.

"Pare sobrang ganda talaga niya kanina kung nakita mo lang! Wala siya make up tas naka sneaker at tshirt lang tas ung tshirt pare ang nipis kitang kita ko nga ang itim niyang bra siguro cup c iyon hahahah." Sabi ng isang kulot na maliit na lalaki. Kinuyom ko ang mga palad ko.

Walang hiya itong mga to ah. Parang si angelica ata ang pinag uusapan nila.

"Talaga? tangina di ko siya nakita eh." Sabi pa nitong matabang maraming tigidig sa mukha.

"At heto pa, pinansin niya si Lexus kanina pare binati siya at binati ni mam pabalik. 1st time un. Di nga namamansin un eh." Sabi ulit ng kulot. Pakiramdam ko talaga si Angel ang pinag uusapan nila eh. Nakumpirama kong si angel nga ng mag salita ang isang lalaking medyo may itsura.

"Pare, ung mga tattoo niya sa braso iyon ang di ko makalimutan. Ang dami at parang hindi ako makapaniwala na may mga ganoon siya." Kaya naman tumikhim ako at nahuli ko ang pansin nilang tatlo.

"Stop talking about my girlfriend. Ayoko sa lahat ang pinagpapantasyahan siya ng iba, ako lang ang ppwede maliwanag?" Tiningnan ko silang tatlo ng masama at nalaglag pare pareho ang kanilang mga panga.

TING!

Bumukas na ang elevator at lumabas na ako at iniwan ang tatlo ng nakatunganga. Hahaha! Mga ulol! Pero mas ulol ako dahil sinabi kong girlfriend ko si angel kahit hindi na naman.

Bakit? Girlfriend ko naman siya dati ah? Mas may karapatan ako sa lahat.

Para bang tumatawa ako ng matagumpay sa kaloob looban ko.

Ang babaeng pinag uusapan at pinapantasyahan nila ay kasabay ko mag llunch at di ko mapigilan ang mapangiti sa ideyang iyon.

Pagkatapos ko bumili ng makakain namin ay umakyat na ako sa opisina ni Angel. Nakita kong busing busy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Gusto ko siya tulungan para naman hindi siya gaanong mapagod.

"Nakabili na ako. Tara kain na tayo." Nilapag ko na ang pagkain sa lamesang malaki sa gilid ng kanyang table.

"Mauna ka na dami ko pa ginagawa." Di man lang niya ako tinapunan ng tingin? Aba!

"Dba sabi ko sabay tayo? Pano tayo magsasabay kung mauuna ako?" Nag pout ulit ako ng labi. Pakiramdam ko kasi napa oo ko siya kanina dahil dito sa aking malaimpaktong move na ito.

para naman akong nagdiwang ng tumayo siya at tama ako ito ang kahinaan niya ang aking cute na mukha. Hehehe!

Lumapit na siya sa table at umupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko mula rito ang vanilla na dati ko pa naaamoy sa kanya. Iyan na ang favorite scent ko simula ng maamoy ko siya. Para bang ang sarap sarap dilaan dahil nakakatakam ang amoy.

"Ano to?" Tinuro niya ang pagkain at para bang na disappoint siya sa binili ko.

"Tapsilog? Dba paburito mo naman yan dati?" Tinitigan ko lang siya pero parang naiilang siya at di niya ako matingnan sa mata.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon