Chapter 7: Umbok

3.8K 70 0
                                    

ANGEL's POV

Hinatid ko na si Girbaud matapos kong bilhin ang tutang ito. Di ako mahilig sa mga hayop pero ever since i was a kid gusto ko na mag karoon. Ayaw kasi ni mommy dahil allergic daw si dad sa aso.
Kaya naisip ko bumili ng aso at patirahin si Girbaud kasama ko sa bahay.
Dad and I haven't talk since he got back. Wala rin naman akong balak na kausapin siya.

Pauwi na ako at uutusan ang katulong na ayusin at linisin ang kwarto ko. Minsan ko lang kasi iyon ipa linis dahil na rin sa maraming maseselang bagay ang meron doon. Iyon na lang ang natitira kong lugar sa bahay kong saan may privacy ako. Walang ibang tao ang pwede pumasok don maliban sa katulong dahil kailangan linisin.
Bukas dadating na si Girbaud at ipasusundo ko siya sa driver. Sinabi ko na rin sa kanya na wag na magdala ng damit dahil ipamimili ko siya.
Dad need to see that i spend all his money for Girbaud. Kahit naman kasi may shop ako eh sa magulang ko pa rin ako kumukuha ng pera. More on libangan ko lang iyong shop na yun. Halos di ako kumikita don. Minsan nga kulang pa ang kita ko sa pambayad ng renta sa shop. Nasa loob kasi ng mall ang shop ko.

Dumating na ako sa bahay at naabutan ko si dad sa may garden malapit sa pool. He's holding a glass of wine. Pipihit na sana ako pabalik ng bigla niya akong tawagin.

"Angelica Keir. Lumapit ka at kakausapin kita."
Sumsenyas ang mga kamay nya na parang nagtatawag ng kung sino.

Lumapit ako pero nanatiling naka taas ang kilay ko. " Why? Did you have fun in the arms of your mistress?" Sarkastiko kong sabi sa kanya at tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa.

"No Gel. It's a business trip. Wala na akong babae anak." Pailing iling pa siya.

"Talaga? Pero bakit nakakaamoy ako ng malansa pag kaharap kita?" Sobrang taas na ng kaliwa kong kilay halos lumipad na ito sa taas.

"Anak tama na. And what you did yesterday is rude. Sino ba iyong lalaking kasama mo? Ngayon ka lang ata nagdala ng lalaki sa bahay?" He sips a little bit of wine.

"He's my boyfriend at dito na siya titira sa bahay. You know masikip kasi ang bahay nila sa skwater area kaya napag desisyonan ko na na patirahin siya dito." I smirked ang waited for his reaction.

"Ano?! Skwater? Sa skwater siya nkatira? And why would i let someone from skwater live in my house Angelica?!" Halos mapaos siya ng sabihin niya ito. Hahahah! Nanggagalaiti na siya sa galit. I love this game.

"Because i said so Dad." Inisnaban ko lang siya at aakmang pipihit na patalikod pero biglang sumulpot ang katulong na bitbit ang asong nabili ko kanina.

"Maam Angel, nakita ko po siya pagala gala sa kusina." Sabay abot saakin ng aso.

"Ano yan angelica? Alam mong di pwede ang aso dito sa bahay. I'm allergic!" Pumadyak pa si dad dahil sa galit.

"O i forgot to say.. Titira na rin pala ang baby namin ng boyfriend ko dito sa bahay. I hope you don't mind. 😈"
Parang demonyo na ako ng sabihin ko yun.

"Manang. Palinis ng kwarto ko at bukas darating na boyfriend ko." Umalis na ako at hindi na hinintay ang sasabihin ni dad.

Dumating na ang umaga at pinasundo ko na si Girbaud sa driver ni dad. Hinihintay ko siyang dumating sa salas habang nagbabasa ako ng magazine. Palakad lakad nman si Pitchie sa paligid. Nadumihan pa ang puting sofa dahil kay pitchie na ikinatuwa ko naman. Masyado kasing puti itong bahay. I don't belong in white places. I hate it!

"Angelica Keir Montealto! Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagdala ka ng aso dito? O my gosh! Ang sofa ko!!" Halos mataranta si mommy bumaba ng hagdanan ng nakita niyang tinaihan ni pitchie ang sofa. Good girl! Hahahahhaha!
Tiningnan ko lang siya at bumalik na kaagad ang paningin ko sa magazine na binabasa ko.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon