Chapter 19: Fying Kiss

3.1K 58 3
                                    

GIRBAUD's POV

Kitang kita ko sa aking dalawang mata ang halikan ni Angelica at ng senior teammate ko sa varsity na si Nalid.

Parang binibiyak ang aking puso. Parang pinira piraso ito ng kung sino sa sobrang sakit. Di ko mapigilan ang pag patak ng luha galing sa aking mata.

Paano niya nagawa ito? Akala ko ba mahal niya ako? Hinayaan ko lang siya sandali at hindi nagparamdam tapos may iba na kaagad siya?

Siguro kaya wala siya ng isang linggo sa klase ay kung sino sinong lalaki na lang ang kasama niya?

Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya? She's a spoiled brat that gets what she wants in just one blink of an eye.

She's a fucking Montealto and she can have every guy she wants. Pero ako? I'm just ordinary.

A guy she said i love you with and after i fell for her too shes now on her next target.

Bakit ganon? Binigyan ko lang naman si Angelica ng time sa kanyang pamilya. Ilang buwan niya rin itong hindi na kasama at gusto ko lang naman na bumawi siya sa mga panahong di sila nagkasama.

Mali ba itong ginawa kong desisyon? Mali ba ang pag distansya ko muna sa kanya? Hindi ko naman siya iiwan eh. I love her! She introduced love to me.

Umalis ako sa apartment na tinirhan namin dahil ayokong may masabing masama ang pamilya ni Angel saakin. Baka sabihin nilang pera ang habol ko sa kanilang anak dahil si Angel pa ang bumubuhay sa akin pati na rin sa mga kapatid ko. Gusto ko patunayan ang sarili ko sa kanilang anak, na kahit mahirap lang ako ay nagsusumikap naman ako na matupad ang mga pangarap ko.

I even talked to my dad the Mayor to help me. Kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit ako sa kanila. Pag nalaman ni inay ang ginawa ko tiyak na magagalit iyon sa akin pero wala na akong ibang choice. I have to do it... For angel.

Dad told me na tutulungan niya ako at pag aaralin sa states pero hindi ako pumayag. I can't leave the person behind all of this. Ayokong malayo sa taong mahal ko.

Pero sa nakita ko ngayon.. Angel and that guy... Mukhang gusto ko nang pumayag sa gusto ni dad.

Pero kailangan ko muna tapusin ang sem at isa lang ang ibig sabihin nun. I will see Nalid and Angel together everyday in school. Parang sinasaksak ko ang sarili kong puso pag ganon.

Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang makita si Angelica sa piling ng iba?

Iniisip ko pa lang parang di ko na kaya. Parang gusto ko na lang bunutin ang puso ko sa pagkakakabit nito sa katawan ko at ilagay sa freezer, dahil sobrang sakit ito na para bang sinusunog, ang hapdi.

I missed her. I missed her kisses and her smile. I missed my self being happy, and being happy means having Angel next to me.

Pupuntahan ko na sana siya sa kanila to check on her kasi nga isang linggo siyang absent pero mukhang di na kailangan. Mukhang okay na okay nga siya eh. Nagawa niya pang makipag halikan sa iba.

Siguro kinukulit din siya ni Nalid tulad ko dati ng una ko siyang nakilala? Na tulad ko hinalikan niya rin si Nalid para palayuin ito at kalaunan tulad namin mag kakainlaban din silang dalawa.. But this time mas okay dahil mayaman si Nalid at walang problema. Hindi tututol ang pamilya ni Angel sa kanya. Baka nga botong boto pa. Lalo na ngayon na okay na si Angel at ang family niya.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin din ni Angel ang mga ginawa namin dati sa iba. Na makita siyang nakangiti at masayang masaya na hindi na ako ang kanyang kasama.

Life is very unfair. Its been unfair since the day i was born. Having no father by my side and having a mother that doesnt care for you at all because you are the evidence of the mistakes she done before. Fuck!

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon