Chapter 20: victory party

3.2K 52 3
                                    

GIRBAUD's POV

Nang makaalis na si Gregoria ay naglakad na ako palabas ng parking lot. Habang naglalakad nakita ko naman ang mga teammates ko na papasok dito sa parking lot, sama sama sila at ksama din nila ang mga inimbitahan nilang mahal sa buhay kanina sa laro.

Nakita nila ako at tinawag naman ako ng team captain namin na si Levin. Graduating na siya this year kaya mukhang magkakabotohan na ng magiging bagong team captain.

"Girbaud pare! Halika sama ka samin magkakaron lang kami ng kaonting victory party dahil sa pagkapanalo natin. Treat ito ni coach tara." Inakbayan niya ako at diretso naman ang tingin ko sa kay Nalid na ngayon ay inaakbayan si Angelica.

Busing busy silang dalawa sa isat isa na para bang ang dami nilang pinag uusapan na mga magagandang bagay. Ramdam ko ang tensyon saakin pero parang saakin lang nman ang tensyon at wala sa kanila. Di ba nabbother si Angelica na andito ako ang pinaasa niyang mahal niya.

"Am pare saka na lang siguro. Wala ako sa mood pumarty." Binulungan pa ako ng Levin na maraming chikababes sa gimikan at magiging masaya iyon.

Hindi kailangan man magiging masaya ako kung kitang kita ko naman na masayang masaya ang babaeng mahal ko sa piling ng iba.

"Ano ka ba naman pare sige na o! Unang laro natin ito at unang panalo sa year na to kaya naman sumama ka na, hindi pwedeng di ka sumama." Hinala niya ako at inakbayan na para bang sasakalin.

Ano pa nga ba? Mukhang di naman ako pakkawalan nitong si Levin. Mukhang kailangan ko talagang sumama at isa lang ang ibig sabihin nun na kailangan ko din makita ang sarili kong nalulunod sa sarili kong dugo dahil parang sinasaksak ang puso ko.

"O pare puno na kami sa kotse ko, baka pwede mo na itong isabay si Girbaud sa kotse mo silang dalawa nitong si Gio." Tinapik ni Levin si Nalid habang nakikiusap na isakay ako sa kotse niya.

Shit! Hindi pwede. Hindi pwede.

"Ah pare sige san ba ang bar na pupuntahan niyo at magtataxi na lang ako papunta doon." Inilabas ko ang cellphone ko at kukunin sana ang address ng bar kay levin.

"Tangina pare, lumang style na yan! Tatakas ka lang eh sige na jan ka na sumabay kay Nalid. Okay lang naman sayo Nalid dba?" Tumango naman si Nalid at sumakay na sa driver seat ng kanyang kotse.

Wala na akong nagawa dahil pati si gio ay hinila ako papasok sa kotse ni Nalid.

Ford Ranger pick up ito na kulay orange.
Nakita ko namang sumakay si Angelica sa front seat. Bakit di ba niya dala ang kanyang kotse?

Nagumpisa na kaming umandar. Malapit lang naman daw ang bar na pupuntahan namin pero bakit parang isang buong araw na ang byahe sa sobrang tagal.

Dahil ba nasa iisang kotse lang kami ni angel? Na halos abot kamay ko lang siya ngayon pero pakiramdam ko ang layo layo na niya?

I can see how she stares at Nalid at si Nalid naman ay paminsan minsan na nakatitig sa kanya.

I can see angel in her side view at kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang tangos ng kanyang maliit na ilong. Ang kanyang labi na parang nag ppout dahil sa pagka depina at perpekto. Her hair is flowing at her back. And damn those eyes! Iyon ang mga mata na gustong gusto kong titigan magdamag.

"Pareng Girbaud, ang ganda ng chicks na dala mo kanina sa game ah? Girlfriend mo ba un? May pa villaluz pa sa jersey eh." Si gio ang bumasag ng katahimikan sa kotse.

Si gregoria ang tinutukoy niya at di ko naman pwedeng sabihin na kapatid ko si gregoria.

"Hindi." Matipid kong sabi.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon