Chapter 43: onto mine

3.3K 71 3
                                    

ANGEL's POV





Mabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit na kami sa naturang venue. i can't help but hold my hands firmly na para bang nag dadasal.


Ang mga mata ni Girbaud ay paminsan minsang dumadapo sa akin at nangingiti na lang siya sa kabang pinapakita ko ngayon sa kanya.



"babe are you nervous? " hinawakan niya ang aking mga kamay.


parang nagyeyelo na ito sa sobrang lamig. im indeed nervous and i don't know why.


tumango na lang ako sa kanya bilang sagot, binigyan niya lang ako ng "im here dont worry" look at mistulang kumalma ang aking mga laman.


ilang minuto pa ay nakarating na kami sa venue. marami nang tao sa labas pa lang, maraming photographers na nakahilera sa red carpet bago ka makapasok sa mismong venue.


naglabas ako ng buntong hininga bago inayos ang sarili ko.


bumaba na si Girbaud sa sasakyan at pinag buksan ako ng pintuan, he looked so fine and very much attractive, nahuhumaling ako sa kanyang kagwapuhan at kakisigan.



inabot niya ang aking kamay at nagpatianod ako sa kanya, ramdam ko ang mga mata ng mga tao sa paligid, kahit ang mga kakalabas lang ng kanilang sasakyan ay nasa amin ang kanilang atensyon. mukhang napukaw ng kanilang mga tinginan ang mga photographers na nakahilera sa red carpet.


hindi na kami hinintay pa na maka rating sa red carpet at parang paparazzi silang kinukuhanan kami ng mga litrato n Girbaud, halos masilaw ako sa mga flash ng kanilang camera.



hinaharangan ako ni Girbaud at tila pinoprotektahan sa mga photographers, marami na rin ang lumapit sa aming mga body guards dahil hindi namin kayang pigilan ang dagsa ng mga photographers.


hanggang sa nakarating na kami sa red carpet at hawak pa rin ni Girbaud ang aking mga kamay, para akong nakalutang dahil pakiramdam ko isa akong prinsesa na kasama ang aking mahal na prinsipe.


hind naman maalis ang tingin ni Girbaud sa akin at manghang mangha ang kanyang itsura. nakangiti naman ako ng wagas.


"everyone is very jealous right now because i have Angelica Keir Montealto as my date." ramdam ko na pulang pula na ako dahil sa sinabi niya.



kitang kita ko ang aking kapatid na si dealan sa di kalayuan sa dulo ng red carpet, he also has his own date, hindi ko masyadong makita kung sino ang kasama niya.


nag pose kami ni Girbaud sa mga photogrpahers, pinadausdos niya pa lalo ang kanyang kamay sa aking bewang, ang aking dalawang kamay naman ay hawak ang aking maliit na purse. tipid ang mga binigay kong ngiti sa mga photographers because my true and genuine smile will always be for Girbaud's eyes only.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon