Chapter 12: impossible to rise

3.2K 80 1
                                    

MEDYO SPG: for openminded readers only.


ANGEL's POV
100% . Nang makita ko na full na ang aking phone umalis na ako sa starbucks.

Pumasok ako sa loob ng mall at hinanap kong saan ang havaianas.
Nang makita ko ang presyo ng tsinelas eh bigla na lang akong napahinto. 799pesos.
For a pair of fucking slippers?
Wait teka! Bakit ako nagkakaganito? Kahit sampung libo pa iyang tsinelas na iyan basta gusto ko iyan makukuha ko. But then iba na ngayon. Everything is changed. I have no enough money to savior my wants. I just need to focus on my need. The needs of Girbaud and his siblings.

Ano ba itong nangyayari saakin? Parang ibang tao na ako simula ng makilala ko si Girbaud. Kuripot na ako dahil sa kanya? Tatlong andoks na ang mabibili ko sa isang pirasong tsinelas sa havainas.

Kaya naman lumabas na ako doon at hinanap ang department store.

May nakita ako doon na tatak ay PLANET.
109 pesos. Aba okay na rin ito. Mukha namang matibay.

Bumili rin ako ng mga underwears ko. Manghihiram na lang siguro ako ng damit kay girbaud ulit.

Binili ko na iyon at dumiretso sa supermarket.
I bought eggs, bread, canned goods at kong ano ano pang pwedeng kainin na mura lang. Binili ko rin ang mga bata ng fresh milk. They need some milk para sa calcium.

Bumili rin ako ng sabon at shampoo. This time sachet ang binili ko. Maraming maraming sachet. Nagustuhan ko na ang technique ni Girbaud na paghaluin ang shampoo sa tubig.

Nabayaran ko na ito at may natira pa sa aking anim na libo. Balak ko sanang magpakabit ng tubig ng maynilad sa bahay nila Girbaud para naman hindi na kailangan mag igib pa.

Pagkatapos ng lahat ng kailangan kong bilhin ay dumiretso na ako sa bahay nila. Nang makarating ako sa bahay eh wala na si Girbaud. Siguro nasa school na iyon. Wala pa rin ang mga bata dahil 5pm pa ang uwian nila at alas tres pa lang ng hapon.

I decided to clean the house. Shit! Nakalimutan kong bumili ng kotson sa kwarto ni Girbaud. Di ko alam if magkakasya pa itong pera ko. Di ko na ata kakayanin pa ang matulog muli sa manipis na foam na iyon. Sumakit ang buong katawan ko kanina pag gising ko.

I also need to buy aircon.. Refrigerator... A washing machine.. Grabe ang dami pa palang kailangan bilhin. Kailangan na talagang mabenta ko ang relo na iyon.

Kaya naman tinext ko na si Ave.

Me: AVE ANO NA BALITA SA RELO? MAY BUYER NA BA?

Ilang minuto ng nagreply siya.

Ave: NASA SCHOOL PA AKO. AASIKASUHIN KO MAMAYA OKAY. MAGPAPATULONG NA RIN AKO KAY GRACE.

Me: GOOD. THANKS AVE!

Nagsimula na akong maglinis ng bahay. Sobrang dumi. Parang isang taon ata hindi ito nalinisan.
Nagpahinga ako saglit at binalak na manood sana ng tv.

Nang inon ko ito ay may nakita akong ipis sa likod nito.

"Shit shit shit!" Lumipad ito kaya napatalon ako at nagulat ako ng nasa likod na pala si Girbaud. Yumakap ako sa kanya. Pumasan rather. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya kaya ramdam na ramdam ko ang kanyang katawan.

"Girbaud patayin mo iyan! Iyan o!" Hinubad ni girbaud ang tsinelas ko pinalo ang ipis sa may tv.

Natatawa tawa pa siya.
"Angelica Keir Montealto. Takot sa ipis.hahahhaa!" Tawa siya ng tawa pero nakakunot lang ang noo ko sa kanya. Di ako galit dahil inaasar niya ako pero galit ako dahil...

"Villaluz! Ano ba! Bakit mo ginamit na pampalo ang bago kong tsinelas! Planet iyan! Bago yan eh!" Padyak ako ng padyak at hinampas hampas ang kanyang dibdib.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon