Chapter 14: i want him

3.6K 70 0
                                    

SUPER SPG... Patnubay sa mga makikitid ang isip. Hahahaha! For open minded readers only

GIRBAUD's POV

After our love confession to each other mas lalo kaming naging close ni Angel.
We almost do everything together. Except taking a bath.
Halos isang buwan na rin ang nakakalipas. Malapit na mag second sem at nalalapit na ang UAAP. I'm one of the varsity kaya halos puspusan na rin ang aming paghahanda.

Di pa rin bumabalik si Angel sa kanila. Malapit na rin maubos ang perang kinita niya sa pag benta niya ng kanyang relo.
Ano na kaya ang mangyayari pag nangyari iyon? Ano ang mangyayari? Babalik na kaya siya sa kanila at iiwan na ako?
Ayokong isipin ang mga iniisip ko.

Lumipas ang mga ilang araw at sembreak na. Pinlano namin ni angel na puntahan si inay sa probinsiya. Wala na kasi kaming balita sa kanya. Buti na lang at napapayag ko si angel na samahan ako.

Sa batangas lang naman ang probinsya namin. Doon nakatira ang lolo namin na ama ni nanay. Magisa na lang siya sa buhay. Meron siyang maliit na sisiwan at babuyan.

"Angel handa ka na ba?" Inabot sa akin ni angel ang kanyang dalang bag. Baka kasi matagalan kami doon kaya naisipan namin magdala ng extrang damit.

Hawak kamay kami ng lumabas sa pintuan. Ang mga bata naman ay pinagbilin namin kina grace at ave total bakasyon naman at wala rin naman daw silang pupuntahan.

Hiniram din namin ni angel ang montero ni grace at pumayag naman siya. I'm the one who is driving. Wala kasi ang lisensya ni Angel.
Alas sais na ng bumyahe kami kaya naman medyo madilim na ang paligid.

"Matulog ka muna gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo." Hinaplos ko ang ulo ng mahal ko at pumwesto na siya sa pg tulog. Suot niya ang jersey ko at ginawa niya itong dress. Bagay na bagay sa kanya ito dahil may naka sulat sa likod nito na VILLALUZ 18.

Ilang sandali pa ay halos malapit na rin kami ni angel sa lugar namin sa batangas ng bigla kami tinamaan ng malas.

"Shit!"hinampas ko ang manibela sa inis. Bakit ngayon pa kung kelan malapit na kami.

"Bakit? Anong nangyari?" Kakamulat lang ni angel ng kanyang mga mata. Luminga linga siya sa paligid. Naka hazard na ako.

"Huminto eh. Namatayan ng makina. Wait lalabas ako at titingnan ang problema." Agad agad akong lumabas at binuksan ang hood ng sasakyan.

Shit na over heat ata kami. Ang dilim pa naman sa paligid at halos walang dumadaan na tao.
Bumalik ako sa loob para kausapin si angel.

"Ah angel, over heat. Kailangan natin kumuha ng tubig. Walang mga bahay sa paligid." Bumaba na rin si angel ng sasakyan.

Naka pa mewang siya ng tingnan niya ang makina. "Oo nga! tara sundan na lang muna natin itong ilaw sa may banda roon at humingi ng tulong." Tinuro niya ang ilaw sa may kagubatan.

Nag umpisa na kami sa paglalakad. Ang flash light sa iphone niya ang nag sisilbing ilaw namin sa daan.

Mahaba haba rin ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa maliit na kubo na pinagmumulan ng ilaw.

Kinatok namin iyon at isang matandang babae ang lumabas galing sa loob.

"Anla ineng.. O iho.. Bakit baga kayo napadpad dine sa aking bahay? Ala eh anong maitutulong ko baga sa inyo?" Her batangenyo accent is all over the place.

"Nasiraan po kasi kami ng sasakyan nitong asawa ko lola. Makikihingi sana kami ng tubig para sa sasakyan." Inakbayan ko si angel para ipagmalaki sa matanda na siya ang asawa ko. Hahaha!

"Ala eh malayo layo pa rito ang posi iho. Wala akong tubig dineh. pang inom laang ang meron ako. pasok muna kayo." Pumasok na lang din kami ni angel ng saktong bumuhos naman ang napaka lakas na ulan. Buti na lang at nakarating kami agad dito kundi wala kming masisilungan.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon