Chapter 42: cinderella

3.4K 61 2
                                    

ANGEL's POV

"I'll pick you up 6pm sharp babe." Tumango ako at hinalikan sa pisngi si Girbaud bago bumaba ng kanyang sasakyan.

3pm pa lang naman at may tatlong oras pa ako para mag ayos bago ako sunduin ni Girbaud papunta sa ball.

Hinatid niya ako dito sa mansyon at sabi niya ay may isa pa siyang meeting sa araw na ito. Dumiretso na ako sa kwarto at agad nagshower. Walang tao sa mansyon, lahat sila ay abala. Lahat kasi kami ay dadalo sa party, kahit na ang aking kapatid na si Franky na hindi naman mahilig sa ganoon ay pupunta, kailangan kompleto kami dahil may iaannouced ata si dad mamaya sa ball at kailangan marinig namin iyon ng personal.

Naligo ako at matapos iyon ay nagsimula na akong mag ayos ng sarili. Nilagyan ko ng curling roles ang buhok ko para naman ay maging wavy ito mamaya, balak ko kasing ilugay lamang ang buhok ko.

Naglagay rin ako ng make up, napag isipan kong gawing smoky eye ang make up at nude lipstick sa aking labi. I put fake lashes para mas bumagay sa smoky look.

Matapos kong mag make up sinuot ko na ang aking gown. Puti ito na long sleeved at fit na fit sa aking braso. Fit ito sa aking bewang at may napaka habang slit sa magkabila kong legs.

Merong itong mga beads na ang iba ay totoong emeralds pa. Ofcourse! It cost thousands of bucks, dapat lang.

I wore my favorite louboutin pumps. Nilugay ko ang buhok ko and i'm ready to go.

May bente minutos pa para mag alas sais kaya naman ay magyoyosi muna ako sa veranda ng aking kwarto.

Sisindihan ko pa lang sana ito ng biglang tumunog naman ang cellphone ko. Tinginan ko ito at nakitang tumatawag si Girbaud.

Sinagot ko ito kaagad.

"Don't you dare lit up that fucking cigarette Ms Montealto." Pambungad niya at nanlaki naman ang mga mata ko. He's here? Wait! Masyado pang maaga.

Binitawan ko ang yosing hawak ko dahil tanaw na tanaw ko ngayon ang lalaking naka three piece suit and he looks so fucking hot. Hindi ko maintindihan, para bang i'm getting horny just by seeing him in that suit.

"You look fucking amazing by the way babe. I wanna make love to you right now while you're wearing that gown." Nanginig ang buo kong pagkatao dahil sa sinabi niya. He is smirking ang he is loving his effect on me. Alam na alam niya kong gano ako kahina pagdating sa kanya.

"You're too early.." Pagbabago ko ng topic dahil baka hindi na kami makarating pa sa ball kung sasabayan ko ang mga sinasabi niya. Hell! I want to make love with him more than he wants to. Pero hindi muna ngayon, kailangan ako sa ball.

"Ayoko ma late eh. baba ka na. Gusto na kita mahawakan, gusto na kita ma kiss." Pinanlakihan ko siya ng mata dahil tanaw na tanaw ko ang kanyang mapaglarong ngiti kahit nasa baba siya at ako ay nasa veranda.

"Tsss. Behave Villaluz." Pakiusap ko dahil onti na lang ay bibigay na ako at papaakyatin ko na siya rito sa aking kwarto.

"I won't promise." He is still smirking at nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Hindi ako bababa pag hindi ka nag promise. We will end up lying in my bed all night pag hindi ka tumigil, at hindi pwede, baka hindi na tayo makarating sa ball. Just stop okay?" Nakangiti kong banta sa kanya. Nag puppy face pa ang mokong kaya naman ay natawa na ako.

"Sige na nga, promise." Good boy. Kaya naman ay agad na akong bumaba.

Paglabas ko ng kwarto ay nakaabang na siya roon sa ibaba ng hagdanan namin.

Halos hindi ko na alam kong anong paghuhurumintado ang ginagawa ng puso ko ngayong nakikita siyang naghihintay saakin sa hagdanan. Nahihiya tuloy akong bumaba.

Habang pababa ako ay hindi maalis ang mga mata niya sa akin. Lahat ng parte ng katawan ko ay tinitingnan niya, pero ang mga mata ko ay nasa mga mata lamang niya, hanggang sa huling baitang at naglapat ang aming mga mata.

Para ba akong si cinderella na bumababa sa mahabang hagdanan ng palasyo at naghihintay sa ibaba ang aking prinsipe at lahat ng tao ay inggit na inggit sa akin, dahil ang prinsipe ay sa isang tulad ko umibig.

He held my hand and kissed the back of my palm slowly like a fairytale.

"I'm one lucky frog that have a chance to be with the princess for a night and hopefully for the rest of my life. " Halos pabulong niyang sambit at dahilan ng pag tayo ng mga balahibo ko.

"That princess is so much in love with the frog." Pang aasar ko sa kanya.

Walang pasabi ay hinalikan niya ako sa labi, steady at hindi gumagalaw. He closed his eyes and so i did. For a moment i felt that im a princess.. Hindi iyong prinsesa na lahat ng luho at lahat ng gusto niyang bagay ay napupunta sa kanya, tulad ng meron ako ngayon, pero isang prinsesa na natutong umibig ng lubos sa taong hindi niya inaasahan na magpapatibok sa kanyang matagal na nakakulong na puso. Iyon ang nararamdaman ko sa halik namin ngayon.

Sabay kaming humiwalay sa halik at hindi pa rin maalis ang mga mata namin sa isat isa.

"You're so beautiful." Halos manghang mangha niyang sambit.

Nahiya naman ako kaya nag iwas ako ng tingin ngunit hinawakan niya ang aking baba at muling binalik ang mga mata ko sa kanyang mga mata.

"Ikaw ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Walang sino man ang papantay sa ganda mo." Namula na parang kamatis ang mukha ko ramdam ko iyon. Hindi ako makahinga sa mga papuri niya.

"Napaka swerte ko dahil akin ka." I hugged him after he said those words. He really knows how to make my knees melt into happiness.

"Bolero." Pang aasar ko sa kanya matapos ang ilang minutong pagkakayakap sa isat isa. Kinurot ko pa ang kanyang ilong at namula naman ito.

"Hindi kaya." Giit niya at magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kanyang sasakyan.

Mayroon siyang driver ngayon kaya naman ay nasa passenger seat kaming pareho at magkatabi, still with each others hands.

Habang papalapit na kami sa venue, marami akong naiisip, pakiramdam ko ako si Cinderella at pauwi na ako dahil alas dose na at ubos na ang oras ko ng pagiging prinsesa, pero sa pagkakataong ito, si cinderella ay hindi uuwing mag isa, kundi uuwi siyang maligaya dahil kasama niya sa kanyang pag uwi ang prinsipeng magbibigay kulay sa kanyang malungkot na buhay, ang prinsipeng magbibigay sa kanya ng walang hanggang saya.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon