Chapter 37: fireworks

3.2K 76 0
                                    

ANGEL's POV

For three weeks hindi ko kinakausap si Girbaud, oo at hindi lang ang sinasagot ko sa kanya tuwing tinatanong niya ako. I want our relationship purely business only.

Nakayanan ko ang hirap at ang sakit na pigilan ang sarili kong hindi siya yakapin at bumalik sa kanyang piling. Sobrang hirap. Sobra sobra. I have to be strong and be firm when he's around. I could hear my heart pounding with so much emotion when he's near. Kinaya ko pero onti na lang ay bibigay na ako at gagapang pabalik sa kanya, magmakaawa na kami na lang ulit at mag umpisang muli at kalimutan ang mga nakaraan.

Ngunit hindi pwede. Lalo nat halos araw araw na ginawa ng Diyos ay iba ibang babae ang kasama niyang mag lunch, o kaya ay umuwi. Mas madalas niya ring kasama ang aking sekretarya na si Kylie kaya naman ay mas lalo tuloy naging hindi maganda ang pakikitungo ko sa kawawang babae.

Tomorrow is the company's 60th anniversary kaya naman ay abala ang lahat lalo na kami ni Dealan. Kami ang inatasan ni daddy na asikasuhin ang magaganap na party. It will be super formal na ang theme ng party ay royal ball. Umuwi na rin sina daddy and mommy galing sa kanilang bakasyon.

Halos hindi na ata ako makakauwi dahil sa sobrang daming kailangan asikasuhin dahil bukas ang party.

Nasa loob pa rin ako ng aking office, 10pm na ng gabi. Kylie's here helping me dahil nagka problema kami sa flower shop na kinuha namin para mag asikaso sa flower arrangement sa ball bukas.

Mainit ang ulo ko dahil hindi sumasang ayon ang panahon sa mga plano ko.

Girbaud is also here kahit gabi na, maybe he is waiting for Kylie or whatever. I don't really care.

Minsan ay hindi ko alam kung bakit ako napapatingin sa kanya paminsan minsan. I can see him busy with his phone, calling, texting or surfing the internet, i don't know, pero hindi niya mabitawan ang kanyang phone.

"Kyles, do you have charger? Lowbat na ako." His head was peeping on the glass door and he looks so fucking sexy.

Umiwas ako ng tingin at diretso sa aking laptop ang tingin. Para namang kabuting agad tumayo si kylie sa kanyang kinauupuan.

"Yes meron. Iphone right?" Malaki ang ngiti niya. Umikot naman ang mata ko sa inis.

"Yes please." Huminga ako ng malalim dahil sa narinig. Ugh! Kainis!

Binigay naman ni kylie ang charger na galing sa kanyang bag at umupo sa kanyang upuan kanina at napaka laki ng ngiti.

"Bilisan mo diyan, i need to go home before 12am kaya gawin mo na ang dapat mong gawin diyan." Inisnaban ko siya at napawi naman ang ngiti sa kanyang labi. You bitch!

Ilang minuto na rin akong nag hahantay ng update sa flower shop at naiinip na ako. Medyo inaantok na ako kaya napag desisyonan kong magpabili ng coffee kay Kylie sa starbucks. Kaya naman ay naiwan kaming dalawa ni Girbaud sa office and the awkwardness starts to fill the office.

Lumabas ako sa veranda ng floor ko at napag desisyonang mag yosi muna, para maiwasan ko siya, iyon naman ang ginagawa ko araw araw for three weeks.

Sinindihan ko na ang aking sigarilyo at agad binuga ang usok nito. Napatingala ako sa langit at namangha sa kagandahan nito. Maraming butuin ngayon at ang sarap sarap ng hangin na dumadampi sa aking balat. I hugged my self and enjoy the breeze of the wind.

I was caught off guard when i felt someone's arms wrapped around my body from behind.
Alam ko kung sino iyon dahil kilalang kilala ko na ang kanyang amoy. His scent is like ecstasy to me na para bang huminahon ang puso ko na puno ng takot at pangamba.

The Bad Girl's Weakness (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon