"Hon, tapos ka na ba magbihis? Kakain na tayo."
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at naglagay ng matte lipstick. Iyon ang naging final touches ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Lumingon sa akin si Gabriel at naglakad palapit sa akin. Napangiti na lang ako nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko.
"Good morning, Gabriel."
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng ulo ko. Saglit kong dinama ang pakiramdam na 'yon na agad ding napalitan ng taranta dahil baka ma-late kaming dalawa.
"Good morning, hon. Late ka bang natulog kagabi at mas nauna pa akong nagising kaysa sayo?" aniya at iginiya ako patungo sa kusina.
Hindi pa masiyadong gising ang diwa ko dahil masiyado akong napuyat kahihintay sa kaniya. Hindi sanay ang katawan ko sa gano'n pero unti-unti na-absorb ko na rin.
Isinumpit ko ang takas na buhok sa tainga ko bago naupo sa hinila niyang upuan. "Hinintay kasi kita."
Napalingon siya sa akin at naggawad ng isang maliit na ngiti. "Sana hindi mo na lang ginawa. Napuyat ka pa tuloy."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pinagtuunan na lang ng pansin ang mga niluto niya. Dahil pareho kaming mahilig sa heavy breakfast ay laging pareho ang menu namin sa araw-araw.
"Ayos lang naman. Bakit naman hindi ko gagawin? E nakasanayan ko na rin naman. Hindi na nga tayo nakakapagsabay kumain sa gabi, hindi ba? Pero kahit na gano'n, gusto pa rin kitang hintayin." Nagsimula na akong kumain.
"Pagpasensyahan mo na muna ako, Hon. Gustuhin ko mang bumawi pero masiyado kaming hectic talaga ngayon."
Tumango naman ako. "I understand. Ganoon din naman sa amin sa kompanya."
Sumubo ako ng luncheon meat at napansing hindi niya pa masiyadong ginagalaw ang pagkain niya. Nang pagmasdan ko siya, parang may kung ano sa itsura niyang gustong magsalita.
"Oh? May problema ka ba?"
Umiling siya sa akin kaya tumango naman ako. Bumalik ako sa pagkain nang marinig ko siyang magsalita.
"Uh, hon. . . baka hindi ulit ako makakasabay sayong kumain mamayang gabi. 'Wag mo na akong hintayin, okay?"
Natigilan ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bakit? Mag-over time ka ba?"
Muli siyang umiling. "Hindi. . ."
"E 'di saan ka pupunta?"
"Ano"—napahaplos siya ng batok. Mukha siyang nag-aalangan na magsalita—"May kikitain lang."
Tuluyan ko nang naibaba ang kubyertos ko at nakita niya iyon. Napalunok siya at mabilis na nag-angat ng tingin sa akin na para bang any moment ay bubugahan ko siya.
"Hindi iyon ang iniisip mo—"
"Iniisip? Anong iniisip?"
Saglit siyang napapikit na para bang may mali siyang nasabi kaya agad siyang bumawi. "Ano, uhm. . . may deal lang akong kailangan i-close kaya baka matagalan ako at doon na rin kumain kasama ang client."
I took that moment of silence before I bought his alibi. "Alright."
Agad siyang napangiti. "Talaga? Hindi mo na ako hihintayin mamaya? Ayoko rin kasing napupuyat ka. Tingnan mo nga sarili mo, namamamayat ka na sa kahihintay sa akin."
Ngumiti lang ako. "Depende kung hindi ako makatulog."
"Sana pilitin mo kasi nag-aalala ako."
Tumango lang ako sa kaniya kaya nagsimula na rin siyang kumain. Habang tinatapos namin ang pagkain, hindi ko maiwasang sulyap-sulyapan siya 'pag may pagkakataon at sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...