Naging mahaba ang buwan ng semester at sa tatlong linggo naming hindi pagkikita ni Gabriel, ramdam ko nang miss na miss ko na siya.
Naalala kong bago mag-semester break ay nagawa pa naming makapagkita. Sinabihan ko siyang hindi niya ako mako-contact ng isang buwan dahil pupuntahan namin si mama. Kaya naman nang magbalik klase ay wala akong ibang maramdaman kundi excitement na muli siyang makita.
Hindi ko nga lang siya ma-contact nang makauwi ako kagabi. Kaya naisip kong pumasok na lang ngayong umaga dahil laging maagang pumapasok ang isang 'yon. Susurpresahin ko siya.
"Stop, Shin! Paano 'pag nalaman ni Amor?"
Napatigil ako sa labas ng pintuan ng classroom nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako magtatatanga-tangahan dahil kilalang-kilala ko kung kanino ang iyong mga boses.
Sa ilang buwan ba naman namin laging nagkakasama at naririnig silang magsalita, hindi pa ba sila magiging pamilyar para sa akin?
"Wala si Krystal. Wag kang magbanggit ng mga taong wala naman dito, Shane."
Mabilis kong pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko na hindi ko namalayan. Alam kong sa mga pagkakataong ito, dapat tumakbo na ako para wala na akong marinig pa na ikakasakit ko.
Pero napagtanto ko na kung tatakasan ko ulit ito—hanggang kailan ko naman kaya magagawang magpanggap na tanga?
Binuksan ko na ang pintuan ng classroom at nakita ang dalawang mahalaga sa buhay ko—si Shane na kaibigan ni Gabriel at si Gabriel na mahal ko, na boyfriend ko.
"Krystal. . ." gulat na sabi ni Gabriel.
Ni hindi man lang nagulat si Shane. Wala rin akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Pero alam ko kung paano niya ako pinapatay sa isipan niya ngayon.
Ang kapal ng mukha niya para mag-isip nang ganoon, kung totoo nga. Dahil kung tutuusin, ako naman ang mas may karapatang magalit. Hindi siya. Hindi sila. Kundi ako.
"Surprise!" mapait kong bati sa kanilang dalawa.
Ang sakit makita na hindi man lang sila naghiwalay kahit na nakita na nila ako sa harapan nila. Gustong-gusto ko na silang talikuran at iwanan pero para akong napako sa kinatatayuan ko dahilan para hindi na ako makaalis.
"Babe, I miss you!" ani Gabriel sabay takbo palapit sa akin. Hindi na ako nakapalag nang hagkan niya ako at pinilit niyang sumiksik sa leeg ko.
Hindi man lang pumiyok yung boses niya. Ni takot wala man lang siyang naramdaman. Gusto kong matawa pero hindi ko pa rin siya magawang itulak palayo sa akin.
Nagkatitigan pa kami ni Shane bago siya umiwas at padabog na lumabas ng classroom. Hindi ko nagawang yakapin pabalik si Gabriel pero alam kong bumibigay na naman ako sa kanya.
Krystal, ang tanga mo.
Nang makarating sa bahay ay doon lang ako nagkaroon ng kalayaang mailabas lahat ng hinanakit ko. Lahat nang bagay na nakita kong naipundar naming dalawa ay pinulot ko't initsa sa semento. Dinig na dinig ko ang pagkakabasag no'n.
Pati ang mga picture frame na naka-display sa coffee table namin ay binasag ko.
Parang bumalik lang ang lahat sa umpisa—kung paano ko nadatnan ang apartment namin nang bumalik ako, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Wala na akong pakialam kung sino ang makarinig. Bungalow lang ang apartment na 'to kaya paglabas ng kuwarto ay kita mo na ang lahat. Paniguradong dinig din ako ng kapitbahay dahil magkadikit-dikit lang naman ang buhay rito pero wala 'kong pakialam.
Hindi ko na kasi maintindihan, e. Bakit ba ayaw kaming tantanan ng hadlang? Bakit ba gustong-gusto nila kaming paghiwalayin kahit na alam naman nila kung gaano namin kamahal ni Gabriel ang isa't isa?
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...