Kinabukasan, maaga pa rin akong gumising at pinagluto kaming dalawa ni Gabriel. Pero sa pagkakataong ito, dinidistansya ko na ang sarili ko sa kanya.
"Hon, maaga yung out ko ngayong araw. Gusto ko sanang lumabas tayong dalawa mamaya. Ayos lang ba?"
Hindi ko siya sinagot. Simula nang sabihin ko sa kanya kagabi na pag-isipan na lang muna namin ang mga bagay-bagay, hindi na niya ako tinantanan suyuin.
At hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat paghaplos niya sa akin ay wala akong maramdaman. Na para bang tuluyan na akong namanhid matapos lahat ng nangyari sa relasyon naming dalawa.
"Krystal, kausapin mo naman ako, please," dinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya.
Kumuyom ang kamao ko. Kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin ngayon at makipag-ayos, pakiramdam ko, nawawalan na ng saysay lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lalo na sa mga nakita ko kagabi.
Bumuga siya ng hangin at nawalan ng choice kundi ang kumain na lang ulit.
Matapos kong ligpitin ang pinagkainan naming dalawa ay nagmadali akong maghanda para sa trabaho.
Siguro ang tanging gusto ko na lang sa mga oras na ito ay ang makalaya muna kahit saglit sa napakalungkot na lugar na ito.
"Puwede ba kitang ihatid?" aniya nang dumating kami sa sakayan.
Never pa naming nagawa 'yon dahil magkaiba ang way na dinadaanan ng mga sinasakyan namin papunta sa trabaho.
Umiling ako sa kanya. Ramdam ko ang pakikinig ng ibang taong malapit lang sa amin.
"Sunduin kita mamaya?"
Hindi ako ulit sumagot. Bakit ang sakit marinig nang boses niyang nagmamakaawang payagan ko?
Hindi lang naman siya ang nasasaktan sa aming dalawa ngayon.
Kaya nang tumigil ang bus na lagi kong sinasakyan papunta sa trabaho ay agad na akong sumakay na hindi man lang siya nililingon.
Pumwesto ako malapit sa bintana at hinawi nang kaunti ang kurtina upang makita siya sa kinatatayuan niya.
Mabigat na ang nararamdaman ko lalo na sa mga natuklasan ko kagahapon ngunit iba pa rin pala kapag nakikita mo na kung gaano rin kaapektado ang mahal mo kapag hindi mo siya papansinin tulad na lang ng ganito.
Napayuko na lang siya nang hindi ko talaga siya inabalang tingnan.
Tumunog ang telepono ko sa bag kaya agad kong kinuha iyon at tuluyang sumandal sa kinauupuan.
It's his fault, Krystal. Piliin mo na ang sarili mo ngayon, ani ng isang bahagi ng utak ko.
Gabriel: Ang sakit na tinatarayan mo ako ngayon.
Gabriel: Hindi ko alam kung bakit mo nagagawang sabihin na pag-isipan na lang natin ulit ang mga bagay kung una palang, dapat wala na tayong pag-isipan kasi maayos naman tayong dalawa, 'di ba?
Huminga ako nang malalim habang binabasa ang mga mensahe niya.
I still remember the time when we're in college, na ang pinaka ayaw ni Gabriel na ginagawa ko sa kanya ay ang tarayan ko siya. Madalas, pakiramdam niya ay bumubuo ako ng pader sa pagitan naming dalawa. Tapos, palagi ko siyang icocomfort ang sasabihan na hindi ko na kayang bumuo pa ng pader dahil nasisira niya naman.
Ang kaibahan lang, ngayon ay kaya ko nang sabihing "Ayoko munang sirain mo ang pader sa pagitan natin" kasi pakiramdam ko, laging ako ang talo pag tungkol na sa aming dalawa.
At ayos? Talaga bang hindi na siya marunong makiramdam at nagagawa pa rin niyang sabihing ayos lang kami kahit pa hindi naman na talaga?
Pinatay ko na lang ang telepono ko at tuluyang hinintay na makapunta sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Ocean of Lies
General FictionOCEAN OF LIES [COMPLETED] Krystal and Gabriel have only been waiting for the wedding bells, but what if an unfinished business from the past comes back to make them swim into the depth of ocean of lies? *** Five years of living together, Kryst...