Chapter 4

69 10 6
                                    

Alam kong dapat matuwa pa rin ako dahil nagising akong nasa tabi ko pa rin siya at nasigurado kong nakauwi pa rin siya sa akin ng gabing 'yon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may kaunting kirot pa rin habang pinagmamasdan ko siyang tulog na tulog at hindi siya naabutan sa pag-uwi kagabi.

Despite of what happened, I still did what has to be done. I cooked for us and waited for him to wake up. Nang maisipan kong mag-check ng social media at baka makita ko ang pictures nila kagabi.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na wala man lang naka-tag sa kaniya maski isang picture. Pero isa ang nakapukaw sa atensyon ko.

Joie Santillan added you as a friend.

Mabilis kong c-in-onfirm 'yon at nakitang hindi pa siya online. Mukhang kagabi lang din niya ako in-add dahil ilang oras pa lang ang nakalilipas noong nag-send siya ng friend request.

"Hon?"

Umangat ang tingin ko kay Gabriel nang makapasok siya sa kusina. Mabilis kong in-off ang data at ang phone ko para maipaghanda na kaming dalawa ng pagkain.

"Gising ka na pala," wika ko habang kumukuha ng kanin sa rice cooker.

"Oo, masakit nga yung ulo ko. Napasobra yata ng inom."

Humarap ako sa kaniya at inilapag ang bowl ng kanin sa lamesa at pinanood siyang umupo sa lamesa. Pero ang ending, natawa ako kasi ang cute niya habang pinipilit na buksan ang mga mata niya.

"Wala nang ibubuka pa 'yang mata mo, Gab. Talagang singkit ka na," biro ko.

"Ayaw mo na ba sa akin kasi singkit ako?"

Tumaas ang kilay ko at natawa ulit. "Huh? Anong theory naman 'yan?" Muli akong bumalik sa lababo para kumuha ng plato at kutsara para sa aming dalawa at inilapag ulit sa lamesa.

Tumayo siya sa upuan at lumapit sa corkboard. Mukhang naghahanap ng gamot kaya kumuha ako ng advil sa refrigerator at tubig na rin saka inabot sa kaniya. "Oh, ayan. Halata ngang napasobra ka. Hindi naman sumasakit ulo mo 'pag nainom, 'di ba?"

Kinurot niya ang pisngi ko bago mabilis na ininom ang gamot at tubig. "Thank you. Hindi ko nga rin alam eh. Siguro ilang buwan na rin kasi simula no'ng huli akong uminom ng alak."

Napailing na lang ako at lumapit na sa lamesa. "Tara, kain na tayo."

"Hon." Tawag niya sa akin nang makaupo na rin siya sa lamesa.

Kinuha ko ang plato niya at nilagyan ng kanin pati na rin ng ulam. "Bakit?"

"Nagtampo ka ba sa akin kagabi?"

Natigilan ako ngunit nagpatuloy pa rin sa ginagawa. Nang matapos kong lagyan ang kaniya ay sarili ko namang plato ang inasikaso ko. "Nagtampo? Bakit naman ako magtatampo?"

Bumuntonghininga siya. "Marami kaming kakilala na pumunta kagabi kaya hindi ako kaagad nakaalis."

"Talaga? Sino-sino yung mga nandoon?" usisa ko.

Ang totoo niyan, sumama talaga ang loob ko sa kanya kagabi. Pero siyempre, wala naman akong karapatang magreklamo dahil pinayagan ko naman siyang pumunta. At saka, alam kong kahit hindi siya sa akin magsabi ay gusto niya ring makasama noong gabing 'yon ang mga kaibigan niya.

"Sina Shane lang din. Nandoon nga si Joie, hinanap ka niya sa akin kaya sinabi kong hindi ka makakapunta dahil pagod ka sa trabaho."

"Binigay mo ba yung facebook account ko? In-add niya kasi ako ngayong umaga eh."

Tumango siya. "Oo, nagtanong siya eh. Sabi niya, baka bumisita raw siya dito kapag nagka oras siya."

"I see." Bumaba ang tingin ko sa plato kong wala nang laman. "Mabuti naman at nag-enjoy ka."

Ocean of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon