Chapter 22

106 4 1
                                    

Hindi ako pinabayaan ni Joie sa mga sumunod na araw lalo na't naging mahirap para sa akin ang lahat. Hindi na rin kasi ako ulit kinulit ni Gabriel na siyang ikinaginhawa ng nararamdaman ko. Pero at the same time, alam kong masakit sa akin.

I mean, magulo man pakinggan pero . . . ganoon na lang ba 'yon?

Nakaya niyang mahiwalay ulit sa akin at tanggapin ang galit ko? Hindi ko siya masisisi kasi may mga anggulo sa relasyon namin noon, na ako talaga yung gusto nang sumuko, pero hindi ko rin magawa dahil kinakapitan ko ang pagmamahal niya.

But now that we're both already a slave in the Ocean of Lies, wherein both of us knew that this time, we could not really amend all of our mistakes.

Ang mga pagkukulang niya sa pagsasabi ng totoo ay siyang isinisisi ko rin sa sarili ko dahil mas pinili kong itago kaysa ang sabihin sa kanya upang maayos namin kaagad.

Afterall, we lost that connection between us. We lost communication. Na siyang pinaka pundasyon ng isang relasyon.

"Krystal, I found this hard to digest. I mean, you're one of our top agents," dismayadong ani Sir Aries. "We can't lost someone who's competitive as you."

Sinamahan ako ni Joie na pumunta rito sa kompanya namin para maibigay ko ang resignation letter kay Sir Aries. Desidido na akong bumitiw sa trabaho ko rito.

Napatango ako. I got his point. Nafaflatter naman ako dahil alam ko sa sarili kong nawala man sa landas ang relasyon namin ni Gabriel, at least, sa trabaho ko, naging outstanding pa rin ako sa paningin ng team leader ko.

"Ako rin naman, Sir Aries. Ayoko rin naman sanang umalis rito dahil masiyado na kayong napamahal sa aking lahat. But I got to face reality. Maybe, it is my time to explore. Because in the first place, hindi ito ang trabahong unang pinangarap ko."

Binigay niya sa akin ang atensyon niya which is natutuwa ako. Isa sa mga rason kung bakit gustong-gusto kong nagtatrabaho rito sa agency namin ay dahil napakahands on ni Sir Aries sa amin.

Lahat kami ay pinakikinggan niya. Hindi niya kami hinahayaang magkamali pero kapag nangyayari naman ay gumagawa siya nang paraan para matuto kami sa pagkakamaling 'yon.

"So, are you saying na mag-aaral ka ulit?"

Umiling ako. "No, Sir. Pero sa idea mo, baka nga ganoon po ang gawin ko. Ayoko namang pumasok sa isang trabaho na wala akong pinag-aralan, hindi ba? Kahit kaunting nalalaman lang. This time, Sir, I'm choosing myself. I want to pursue my dreams this time."

Bumuga siya ng hangin at bumaba ang tingin sa resignation letter na ibinigay ko.

"Do you know how much I want to tear this thing? Kakaunti na lang kayong team ko ang magagaling lalo na sa sales. Parang hindi ko kaya. And outside company premises, talagang napalapit na kayo sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko lulunukin ang bagay na ito," wika niya.

"I understand, Sir Aries." Nakangiti na ako.

"Pero wala naman akong magagawa, hindi ba? Hindi naman kita mapipigilan?"

Umiling ako at pinanatili ang ngiti. Para namang magpapapigil pa ako?

"Alright," buga niya. Parang ang bigat nang dinadala niya sa paraan niyang magpakawala ng hangin. "If that's what you want and if that is what will make you happy, then, do it."

Nauna akong tumayo at ganoon din ang ginawa niya. After all of being sentimental, we both choose to be professionals.

"Until then, Sir Aries," ani ko at nakipagkamay sa kanya.

"You got this, Krystal."

Nakahinga na ako nang maluwag at nagpaalam na sa kanya.

Pakiramdam ko, isa sa mga dinadala kong bigat sa dibdib ay nawala na. Lalo na nang makalabas ako ng opisina ni Sir Aries ay bumungad sa akin ang mga kateam kong hawak ang mga gamit ko.

Ocean of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon